Chance no. 2

325 12 0
                                    

Hawak ang resume ng isang babae ay titig na titig si Vladimir sa litrato ng babae.

"Gabriel" tawag ni Vladimir sa kanyang secretarya/ member of elite special forces.

"Yes sir"

"Find her, bring her to me" utos nito

"Sir yes sir" saad nito sabay salute at umalis sa office ni Vladimir na nasa sarili niyang kompanya.

Isang Security Agency ang hawak ni Vladimir na siya mismo ang gumawa simula sa umpisa.

*********
Ashley's pov:

Hawak ko ang aking cellphone at titig na titig ako dito.

Paanong napunta ang resume ko sa isang security agency?

"Ma'am, we just need your presence. Our president wants to talk to you in person"

"Ahmm, bakit daw?"

"You will know once you meet him"

Ah okay? Di bale na nga. Malay mo magkakaroon na ako ng trabaho

"Ma'am, our president is busy so please just meet him"

*********

Nakaupo ako ngayon sa isang mamahaling upuan kaharap ang isang guwapong nilalang na hindi ko alam kung bakit ako tinititigan.

At talagang kumakabog ang dibdib ko ng hindi ko man lang alam kung bakit.

"Your name is?"

"Ashley po sir" sagot ko naman

"Just call me Vlad" nakangiting saad niya sakin

"Ah okay, Vlad" ngiting banggit ko ng pangalan niya.

"So, you need a job?"

"Opo, kailangang kailangan eh" nahihiyang sambit ko pa

"I need you"

"Po?"

"You, I need you to take care of my son"

"Sir, hindi po ako pumapasok bilang katulong" iling-iling ko pa

"No, not a maid. I need a wife, you'll take care of him as a mother"

"Huh?"

"My wife is missing, I can't take care of my son alone."

"Edi kumuha ka po ng katulong" rason ko pa

"I already did that, but my son is stubborn. He only liked to be with his mother"

"Paanong hindi niya makikilala ang nanay niya?" Taas kilay kong tanong na dahilan naman kung bakit napangiti ang lalaki

"Like I said, my wife is missing for almost a year. My son is only 3 years old. He doesn't remember his mother's face" pag explain pa ng napaka guwapong nilalang na ito

"So?"

"So, you just need to act as my wife and a mother"

"Maryosep! Sir! Ipahanap niyo nalang kaya ang asawa mo?"

Napataas naman ang kilay niya.

"Do you think I haven't done that? With all my wealth, I did everything I can to find her. I owned a security agency, do you think hindi ko hahanapin ang asawa ko?" Taas kilay niyang paliwanag.

Hindi ko alam pero bigla nalang akong napangiti sa sinabi niya. Ang sweet niya eh.

"Mahal niyo sir?" Excited na tanong ko

One Last ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon