Isang masarap na amoy ang gumising sakin. Kumalam naman kaagad yung tiyan ko kaya napahawak ako dito.
Bumangon na ako para tignan kung sino ang gumagalaw sa kusina ko.Pagbukas ko ng pintuan ng kwarto ko, ay bumungad sakin ang amoy ng iba't-ibang putahe.
Nadatnan ko si Caspian na nag-aayos ng lamesa, meron ng dalawang plato na magkaharap. Nakita ko rin na nagluto sya ng sinangag na may halong itlog. Meron ding bacon at sunny side-up.
Napatigil sya sa pagsasalin ng tubig ng mapansin nya akong nakatayo.
"G-gising kana pala, pasensya na nangialam ako. Ito lang kasi yung naisip kong pagpapasalamat dahil sa pagligtas mo sakin." Nakayukong sambit nya
Umupo na ako sa isa sa mga upuan
"Hindi mo naman kailangang gawin ito, pero salamat." Nakatinging saad ko sa kanya
"W-walang anuman" sabi nya na parang nahihiya pa
"Maupo ka na rin, kumain kana dahil pagkatapos ko kumain at mag ayos, ihahatid na kita sa bungad ng gubat" sabi ko at nag-umpisa ng kumain.
Napasarap ako sa pagkain kaya hindi ko agad napansin ang pagtitig sakin ni Caspian.
"I told you to eat, not to stare at me." Malumanay na saad ko sa kanya atsaka ko siya tinignan.
Napaiwas kaagad siya ng tingin, at nag-umpisa ng kumain.
Habang kumakain sya, ako naman ang hindi makaiwas na tignan sya.
He has a handsome face, malayong malayo sa itsura nya kahapon ng makita ko s'ya.May kaputian din sya, yun nga lang medyo patpatin. Kaya siguro siya ang napiling pag-trip-an.
Napatingin siya sakin pero agad ding umiwas ng makita niya na nakatingin rin ako sa kanya.
"B-bakit?" Utal na tanong niya
"Nothing" sagot ko nalang at itinuon ko na sa pagkain ang atensyon ko.
Nang matapos kaming kumain ay nagprisinta siyang hugasan ang mga pinagkainan namin, na agad ko namang sinangayunan.
Nakita ko siyang pinupunasan ang kamay nya, kaya naman inaya ko na siya umalis.
"Are you done?" I asked
"O-oo.." Nakayukong sagot nya.
"Then let's go, my pasok pa ako." Sabi ko lang at tinalikuran s'ya.
Nauna akong lumabas ng bahay, at agad naman siyang sumunod.
Nagsimula na akong baybayin ang daan papunta sa bungad ng gubat, nakita ko pa siyang nagpapalinga-linga. Marahil nagtataka kung paanong sa gitna ng gubat ay may nakatayong bahay.Hindi ko nalang sya pinansin hanggang sa marating namin ang bungad ng gubat. Tumigil ako at agad siyang hinarap.
"See that road?" Turo ko sa kalsadang hindi kalayuan sa kinaroroonan namin.
Sinilip nya ito at agad na tumango.
"Lumiko ka sa kanan, doon may mga tao ka ng makikita. Itanong mo nalang sa kanila yung daan kung saan ka papunta okay?" Mabilis na saad ko sa kanya.
"S-sige. S-salamat talaga.." sagot nya lang.
Tumango nalang ako atsaka sya nilagpasan para bumalik na sa bahay. Pero iilang hakbang palang ay agad ko siyang tinawag.
"Hey!" Tawag pansin ko sa kanya.
Lumingon naman sya at bahagyang nagtaka.
"Wag kanang babalik sa lugar na ito, naiintindihan mo?"
BINABASA MO ANG
The Unkown
FantasiErin. That's her name. A very simple name. Pero sa likod ng simpleng pangalan na iyan, isang napakalaking misteryo ang nakatago. Misteryong sya lang ang may alam at pilit nyang tinatakbuhan. Isang misteryong hindi nya alam kung kailan magkakaroon ng...