Chapter 1 *It can't be*

2 0 0
                                    

 Chapter 1 *It can't be*

 

"The most popular talk nowadays is about D-Gravity. Well... we just want to let you know that the famous kpop boyband for this generation is about to reach their destination. At this present moment, fans are waiting at the airport for their beloved idol to give a warm welcome. They have an upcoming concert this Saturday. Also, a meet and greet of their fans here in the Philippines. We'll come back for further piece of informations."

 

 

"Waaaah! They're coming! They're coming!"

Halos lumindol ang bahay nang bumulalas ang bunganga ng 13-year-old kong kapatid. Halatang nagwala dahil inubos ang lahat ng unan sa sofa at isa-isang inihagis.

"Kyren, mamaya na 'yan. Homework muna," saway ko sa kanya habang patuloy lang sa pagbabasa ng magazine.

Yan ang role ko sa bahay eh.

Lagi nalang ako nag-ala nanay sa kanya para pagsabihan. Ano pa nga ba magagawa ko eh kalokohan ng lahat ang kinaaadikan niya.

"Mamaya na. Baka may pahabol na detalye pa tungkol sa D-Gravity."

Sobrang lapit na ng distansya niya sa telebisyon. Gusto pala talaga niya lumala pa ang pagkalabo ng mata niya. May eyeglasses na kasi 'yan since grade one. Kasi sakit niya na 'yun.

Natigilan ako sa pagbabasa ng magazine at tinignan siya.

 

"Gusto mo dagdagan ko yang grado ng salamin mo?! Para siguradong mahihilo at mabubulagta ka."

Nagbibingihan pa rin siya at nakatutok pa rin sa telebisyon.

Haaii... Nandahil sa putek na bandang iyon, napabayaan niya na ang pag-aaral niya. Kahit araw-araw ganyan ang pag-uugali niya, hindi pa rin ako nasasanay ng husto.

Nadidirian kaya ako sa mga fangirling na yan. Nakakatopak yun. At ang mga idolo ay nagsisilbing sagabal at istorbo. You have life pero naka-focus ka sa buhay ng ibang tao? Aba! Anong klaseng taong yun? You ought to know your priority at ang limitation ng kabaliwan mo.

The fact na mas lalo mong dadalasan ang pagiging fan, mas lalo kang tutubuan ng katigasan sa ulo.

No returning backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon