🥰

1.8K 75 22
                                    

5.
Ion

Nang matapos kaming kumain ay walang kumibo sa aming dalawa. Si Aaron lang ang kinakausap ko. Nakakainis kasi eh pero narealize ko, parang mali din yung nagawa ko kanina na pagtaasan siya ng boses at sungitan. Baka mamaya, sa couch ako matutulog, patay!

Habang naglilibot kami, may nakita akong cute na necklace sa isang Jewelry Store. May heart na design ito at ang nakapaloob doon ay ang salitang "babe". Napaisip ako kung bibilhin ko iyon.

"Tatawag nalang ako sa inyo kung nasa parking na ako. May pupuntahan muna ako saglit." Paalam ko sa kanila ni Aaron. Tanging "okay" lang ang narinig ko. Agad akong umalis at binalikan store na may lamang mga jewelries.

Pagpasok ko, agad kong hinanap ang necklace na iyon at sa awa ng Diyos, nandoon pa naman.

"Uhm Miss, can I have this one?" Tanong ko sa saleslady. Agad naman nitong kinuha ang nasabing kwintas. Tatlong kwintas ang nabili ko. Magkapareha kami ng necklace ni Vice, samantalang ang kay Aaron naman ay may pendant na letter "A".

Habang nagbabayad ako, narinig kong pinagchichismisan ako nung mga saleslady na nakatayo malapit sa glass.

"Ampogi niya 'no?" Kinikilig na ani ng babaeng mestisa na ash gray ang buhok.

"Sana walang jowa. Naku, papatusin ko talaga 'to." Dagdag naman nung isa. Sinulyapan ko sila at abot-langit naman ang kilig ng mga ito.

sorry girls, behave na meee😉.

Kinuha ko ang cellphone ko at sinadyang ilagay ito sa glass. Sinadya kong buksan ito at ipakita ang lock screen ko. Picture namin ni Vice, Ako at ni Aaron noong ikinasal kami. Nagkikiss kami habang si Aaron naman ay nakatabon anh mata. Patay-malisya kong pinakikinggan ang mga sinasabi nila.

"Ay sayang teh, may family na si Pogi." Nalulungkot na anito.

"Asawa pala 'yan ni Vice Ganda, gaga ka. Naku, 'wag na 'yan. Mapapahamak tayo." Pagiiba ng babae ng topic. Natawa na lamang ako sa kanilang dalawa. Nang matapos na akong magbayad ay nagpasalamat sa akin ang cashier.

"Thank you, Sir." Nakangiti nitong pasalamat. Bilang ganti, nginitian ko na lang din ito. Bumili pa ako ng mga kailangan ko sa peace offering ko. Agad ako nagtext kay Vice na malapit na ako sa Parking.

Pagdating ko doon, nadatnan kong umiinom sila ni Aaron ng milktea. Inunlock ko ang kotse at pumasok na ng driver's seat. Hindi ako kinibo ni Vice hanggang sa makaalis kami sa Mall. Napansin ko naman na tahimik na ang paligid. Sinulyapan ko si Vice, nakita kong nakatulog na pala ito. Si Aaron naman sa likod ay tahimik lang na umuupo. Sakto namang napadaan kami sa isang flower shop.

"Ba't po tayo huminto, Dada?" Nagtatakang tanong ni Aaron at lumapit sa akin. Mabuti na lamang at hindi nagising si Vice.

"Huwag ka masiyadong maingay. Bibili ako ng flowers para kay Mama. Naging bad ako kanina eh." Bulong ko dito. Napatango-tango na lamang ito.

"Osige po. Baba ka na po. Ako na bahala kay Mama." Sabi nito at kumindat pa. Nag-apir kaming dalawa bago ako lumabas.

Binasa ko muna ang karatula na nasa labas, "Fabio Flowers" ang nakalagay.

a/n: yung Fabio Flowers, totoo po talaga yan pero ang hindi lang totoo, shop siya. actually, parang company siya, more like company siya ng Tito ko. tatlo pa nga ang classifications niyan, Fabio Salon, Flowers and Events. event coordinator kasi si Tito, more like Weddings, Debuts and everything. basta kung ayaw niyo maniwala, search niyo na lang, "Jesus Fabia". Nasa TL niya yata yung mga creations nila. :))

Pagpasok ko, agad akong pumunta sa receptionist at naglista kung anong bulaklak ang ipapagawa ko. Bouquet siya na ang laman ay oranges na tulips and then may unicorn na color orange na stuff toy. Agad akong nagbayad at bumalik sa kotse. Tinabi ko kay Aaron ang mga bulaklak.

"Huwag mong dadaganan 'yan nak ha." Paalala ko sa kaniya. Tumango lang ito.

"Huwag ka maingay kay Mama mo mamaya ha?" Bulong ko sa kaniya. Mabuti nalang at napapayag ko siya. Umalis na kami sa shop na iyon at naghanap ako ng cake shop. Mabuti nalang may Red Ribbon akong nadaanan.

"Pakisulat nalang po dito yung ilalagay sa cake, Sir." Ani ng babae at binigay sa akin ang ballpen at papel.

sorry na babe :( i love you❤️ -Ion

Yan ang nakalagay sa papel. Binigay ko ito sa receptionist at nagbayad na sa cashier. Agad akong lumabas sa shop at pumasok na sa loob ng kotse at nagmaneho pauwi ng bahay.












Vice

Nagising ako nang maramdaman kong hindi na umaandar ang sasakyan. Pagtingin ko, wala na si Aaron at Ion. Nasa garahe harap na pala kami ng bahay. Kukunin ko pa sana ang mga gamit pero mukhang nauna nila itong ibinaba. Bumaba na lang ako at pumasok sa loob.

Pagdating ko sa loob, ang tanging nadatnan ko ay si Aaron at si Xyy. Agad tumakbo sa akin si Aaron at hinatak ako.

"Halika na po, Mama! Bilisan niyo po sa pagtakbo!" Hila sa akin ni Aaron.

"Ano ba, Nak. Nasaan si Dada mo?" Tanong ko habang paakyat kami ng hagdanan.

"Basta po. Bilis!" Anito at mas binilisan ang paghakbang.

Pagdating namin sa tapapt ng kwarto, kinuha nito ang bag ko at hinawakan.

"Pasok ka na po." Utos sa akin ni Aaron.

ano naman kayang paandar nito?

Pagpihit ko sa door knob, tumambad sa akin ang madilim na paligid ko. Narinig ko namang may nagsara ng pinto at hinawakan ni Aaron ang kamay ko.

"Ano ba kasi ito, Nak? Baka may manika dito ha." Pinanliitan ko ito ng mata. Napabungisngis ito.

"Wala po Mama." Sagot lang nito. Napabuntong-hininga lang ako at nagsimulang naglakad.

Pagliko ko, i found Ion. Our bedroom is full of christmas lights. Ang nasa backdrop naman ay mga letters na nakaform ng "Sorry Babe". He's holding a cake and a bouquet. Bumitaw sa akin si Aaron at lumapit sa kaniya. Natuod lamang ako sa kinatatayuan ko.

this man really knows how to tame me.

Dahan-dahan silang lumapit sa akin. Nang tuluyan na silang makalapit, binigay niya sa akin ang bouquet na puno ng tulips at may cute na unicorn. Nakita ko naman ang nakalagay sa cake. Imbes na maiyak ako ay natawa ako.

"Sorry babe." Nakapout nitong sabi. Tumulo ang mga luha ko pero agad kong pinunasan ito.

"Sorry na baby, sorry na talaga. Hindi ko naman yun sinasadya eh. Tinatry ko lang naman kung papayag ka o hindi." Paliwanag nito. Nakakatawa lang, explain niya agad eh HAHA.

Tinampal ko ito ng bahagya, "Adik 'to. Talagang nag-effort ka pa." Biro ko sa kaniya. Nakita ko namang ngumiti ito.

"'Di ka na galit?" Tanong nito na animo'y batang naglalambing.

"Hindi naman ako galit sa'yo. Ayoko lang na malayo ka sa amin ni Aaron." Sagot ko dito. Nakita ko naman na napabuntong-hininga siya.

"Hays salamat. Bati na talaga tayo ha?" Pagkaklaro nito. Natawa lang ako sa iniasta nito.

"Oo na po." Sagot ko at pinunasan ang luha ko.

"Loveyou."

"Loveyou too." Sagot ko sa kaniya. Ilalapit na sana nito ang mukha niya nang...

"Nandito pa po akoooo!" Sigaw ni Aaron😂.









Yeyyyy! Bati na sila! sabi na eh, barbeeeeeh! btw guys, kung sinong gustong magpashout-out(chareng talaga😂), u can comment below.

votes and comments are highly appreciated.

La Familia Perez (COMPLETED)Where stories live. Discover now