👎

1.4K 59 9
                                    

20.
Vice

Nakarating na kami sa bahay na sinasabi ni Ion. Hawak ang kamay nito, pumasok kaming tatlo sa bahay.

"Sorry Babe ha. Matagal-tagal na din kasing hindi ito nalinisan." Paumanhin nito habang pinapagpagan ang sofa.

"Ganda pala ng bahay mo dito, Dada." Masiglang ani ni Aaron habang naglilibot-libot.

"Bahay natin." Nakangiting sagot nito. Nilibot ko ang paningin ko sa buong bahay at dahan-dahang naupo sa tabi ni Ion. Infairness, magaling mamili ng bahay ang asawa ko. Idinantay ko ang ulo ko sa balikat ni Ion.

"Ang ganda pala ng bahay mo dito, Babe." Puri ko dito. Narinig ko itong tumawa.

"Sayang nga lang eh, hindi ko na masiyadong napalinisan at nauwian simula nang ikasal tayo." Sagot nito. Tahimik lamang ako na nakikinig sa kwento nito. Sabi pa nito, ako pa lang daw ang una niyang nadala dito kaya naman ang saya-saya ko. Simula din kasi noong ikinasal kami, nakwekwento niya lang ito sa akin pero hindi pa namin napupuntahan. Maya-maya lang ay lumapit sa amin si Aaron.

"Mama, Dada, bakit hindi po natin isinama si Teacher Cat?" Tanong nito. Napatingin ako kay Ion.

"W-wala lang. Bakit, ayaw mo ba kaming kasama ni Dada?" Balik ko dito. Naupo ito sa hita ni Ion.

"Gusto naman po." Sagot nito. Hinaplos ni Ion ang buhok ni Aaron bago sumagot.

"May mga bagay kasi anak na dapat pamilya lang ang gumagawa katulad ngayon. Nandito tayo sa bahay natin kasi gusto natin tayo lang ang magkakasama. Marami pa namang oras na makakasama mo si Teacher Catriona diba?" Napatango si Aaron sa tinuran ni Ion.

"Opo pero nagtataka lang po talaga ako bakit hindi natin siya isinama." Hirit pa nito. Napatawa na lang si Ion.

"Hay nako." Sabi nito.

"Babe, nagugutom ako." Reklamo ko kay Ion.

"Ha? T-tara uwi na lang tayo sa bah—-"

"Grab Food?" Nakangiti kong sabi. Hinapit ako nito sa bewang at hinalikan sa labi.

"Sige na nga." Dinial ko ang numero ng Grab Food at nag-order na ng pagkain. Maya-maya lang ay nakarating na ang Delivery Boy. Nagpapicture ito sa aming tatlo bago umalis. I ordered pizza, chicken wings, watermelon shake and soda.

Magkakatabi kaming tatlo habang kumakain.

"Mahal, ipalinis mo na kaya ito?" Saad ko kay Ion habang pinagmamasdan ang paligid ng bahay.

"Sa susunod na lang, Babe." Sagot nito. Tiningnan ko ito.

"Anong sa susunod? Final na, uuwi ulit tayo dito next month. Mas maganda kung dito nalang tayo mag-stay." Suhestiyon ko.

"Oo nga po, Dada. Ipalinis niyo na rin po yung pool para makaligo po ako kapag bumisita tayo dito." Masayang suhestiyon ni Aaron. Napangiti si Ion at hinawakan ang kamay ko.

"Oo na po, Commanders. Sasabihan ko na lang si Nanay na maghanap ng maglilinis dito." Saad nito. Napa-yes naman ang anak namin dahil doon. Pagkatapos naming kumain, naglibot pa kami sa buong Tarlac. Namili kami ng mangga at kung anu-ano pang makita namin doon. Gabi na rin nang makauwi kami sa bahay nila Ion.

"Oh, nandiyan na pala kayo." Bungad sa amin ni Nanay nang makarating kami. Nagmano kaming tatlo sa kaniya.

"Saan kayo galing?" Tanong ni Nanay.

"Doon po sa pinagawang bahay ni Noi, Nay." Sagot ko.

"Aba'y mabuti 'yon." Ani ni Nanay. Napatingin si Ion sa akin bago sumulyap ulit kay Nanay.

La Familia Perez (COMPLETED)Where stories live. Discover now