"Till Next Time, My Angel" (SamVon One-Shot)

656 15 18
                                    

 A/N: This is a short story sana Basahin niyo. Vote and Comment na rin.. Salamuch! :)

 ___________________________________________________________________________

Ako si Samuel Lawrence Concepcion, you can call me Lawrence, 20 years of age, Gwapo. Heartbreaker daw ako sabi nila, dahil wala akong ginagawa kundi ang magpaiyak at manakit ng damdamin ng isang babae, sorry sila yon si Lawrence eh di ko naman sinabi sa kanila na lapitan ako. pero di ko naman talaga sila  masisisi dahil maliban sa gwapo ako ay matalino din ako. ako iyong klase ng lalaki na pinapangarap ng lahat ng babae. Pero sorry nalang silang lahat dahil ang isang LAWRENCE CONCEPCION ay hindi marunong magmahal.  Cause LOVE was never my idea 5 years ago. Dahil kalokohan lang ang love. Walang babae ang marunong mag mahal ng totoo pare- pareho lang silang lahat mga manloloko. Anyway, you can’t blame for seeing it that way. Dahil nagsimula ang pag iba ng pananaw ko about love noong panahong iniwan kami ng mama ko. Pero nabago din ang pananaw kong yan noong panahong nakilala ko si may, Devon May Seron ang totong pangalan niya, Napaka misteryosa ng pagkatao niya dahil sa pagiging tahimik niya. Simpleng Babae lang siya na may simpleng Pangarap. Mabait at maunawain. May is my sweet angel. Ang babaeng bumago sa buhay ko.

 15 years old ako noon ng sumama ang mama ko sa driver namin.i could still remember ang mga salitang binitiwan ni mama kay papa.

“honey, I love you so much. Ikaw lang at si Lawrence ang lalaki sa buhay ko. At di ko kakayanin kapag nawala kayo sa akin. Mahal na mahal ko kayo lagi mong tatandaan yan ha”. It seems cute, right?

How I wish pinanindigan niya ang mga salitang iyon. Pero hindi dahil ipinagpalit niya kami ni papa sa isang hamak na driver lang. Sobrang nasaktan si papa sa lahat ng nangyari sa kanila ni mama at hindi niya iyon natanggap  kaya inatake siya sa puso at agad ding  namatay.  At young age naranasan kong magisa. Ninakaw sa amin ng magaling kong tita Viena ang lahat ng pag mamay ari namin. Niloko niya si papa at napapirma niya ito ng document  na itinatransfer sa pangalan niya ang lahat ng ari-arian at negosyo namin. Kaya ng matapos ang libing ni papa pinaalis na ako ng magaling kong tita sa bahay namin na walang wala kahit na ano sa aking bulsa. Di ko alam ang gagawin ko, kung saan ako pupunta. Ilang araw din akong lakad lang ng lakad sa mga kalye ng maynila. Namumulot ng pagkain sa basurahan kapag nararamdaman ko na ang kalam ng sikmura ko. I can’t imagine na sa isang iglap ang dating napakaganda kong buhay ngayon wala na sa akin. At walang ibang dapat sisihin dito kundi ang walang kwenta kong ina. Napaka walang kwenta niya. At kahit kailan di ko sila mapapatawad ng lalaki niya. Ganun din si tita viena, isinusumpa ko silang lahat. Dahil sa kanila I experienced the pain.

Almost two weeks din akong pagala-gala sa lansangan. Madungis, mabaho, payat, at pagod na pagod. Hinang hina na ako dahil sa gutom. Patawid na ako noon papunta sa kabilang kalye ng bigla akong matumba at mawalan ng malay tao. Pag mulat ko ng mga mata ko nasa isang malaki at maganda akong silid na may pintura na kulay asul. Bahagya kong inilibot ang paningin ko at nahagilap ng aking mata ang isang lalaki at isang babae na medyo may edad  na at pareho silang nakangiting nakatingin sa akin. “mabuti naman at nag kamalay ka na hijo, alalang alala kami sayo kanina akala namin nabangga ka naming”. Sabi ng matandang babae. “nasaan po ako, sino kayo?” tanong ko. “nandito ka sa bahay namin hijo. Ako si tito carlo mo at siya naman ang asawa ko si tita Beatrice mo. Ikaw anong pangalan mo?”. tanong ng matandang lalaki. “ako po si Lawrence, pasensiya po naabala ko pa kayo.” “ano ba ang nangyari sayo? Nasaan ang mga magulang mo? “ tanong ni tita Beatrice. “Ulilang lubos na po ako. patay na ang mga magulang ko.” Hindi ko sinabi sa kanila na buhay pa ang mama ko, dahil para sa akin patay na siya.

Naawa ang mag asawa sa akin kayo napagdesisyunan nilang kupkupin ako. wala na din naman silang anak, dahil ang nagiisang anak nilang lalaki ay napatay dahil sa isang car accident.  Binigyan ako ng magandang buhay ni mommy Beatrice at daddy carlo. Itinuring nila akong tunay na anak at pinagaral sa isang exclusive school. Napakasaya ko nung mga panahon iyon. 2 years akong nabuhay ng Masaya sa piling ng bago kong pamilya. Akala ko habang buhay na iyon. Pero mali ako dahil isang araw nagising ako na nauulit na naman ang mga nangyari sa nakaraan ko na pilit ko nang kinakalimutan. Natuklasan ni mommy Beatrice na may babae si daddy carlo at ang masakit pa dahil matalik na kaibigan ni mommy ang babae ni daddy carlo. Hindi ito matanggap ni mommy lagi nalang siyang umiiyak at nagkukulong sa kanyang kwarto. Isang araw pag uwi ko galing sa school ipinag handa ko ng meryenda si mommy Beatrice, kumatok ako sa kwarto niya at binuksan ito pero nanlumo ako sa nadatnan ko sa loob ng kanyang kwarto. My poor mommy Beatrice committed suicide. Itinakbo naming siya sa hospital pero huli na ang lahat. Namatay ang mommy ko. Galit na galit ako kay daddy carlo at sa babae niya. Dahil sa kanila namatay si Beatrice ang babaeng nagmahal sa akin.

"Till Next Time, My Angel" (SamVon One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon