CRUSH

10 2 0
                                    

Ang crush ay normal lamang sa'ting mga kabataan and I am here to share my story with my crush.

Lahat ng imagination ko, lahat ng kalandian ko, kapapansin, at mga kahihiyan sa crush ko.

But not until I get tired, I lost interest and I was hurt so bad.

Having a crush is not bad but not until your crush betrayed you.

Chour.

So eto na nga.

Nag ka kilala kami nang makita ko siya sa Canteen namin.

He was wearing a violet sweatshirt (stripes siya with black)

Binibigyan niya ng plato yung mga kaibigan niya ata dahil doon sila kakain.

Syempre nang mapadpad yung tingin ko sakanya nagwapuhan ako

Like ang gwapo talagaaaaa

For me kasi na-a-attract ako sa mga singkit, maputi, matangkad at pabagsak yung buhok. (Goodboy look kumbaga)

I called him Mr.Fuwa

But I didn't bother knowing his REAL name.

One day, nakita ko siya...again, kaso hindi ko na maalala masyado ang mukha niya pero nang makita ko yung stripe violet & black sweatshirt na suot niya ay nakilala ko siya.

Then tinuro ko siya at ang sabi ng mga kaibigan ko ay famous daw yun kaso hindi ko na tinanong yung name niya.

Then the next day,

Nagkita ulit kami kasi may event sa school at habang nag p-perform ako nakita ko siya sa may second floor ng building...sakto ring napatingin siya sa gawi ko.

Feel ko isa yun sa mga araw na hindi ko makakalimutan.

Syempre dahil nga famous pala yung crush ko ay nalaman ko kung saan yung room niya at good news madadaanan pala kapag pupunta ka ng canteen

So ayun nga,

tuwing breaktime pasimple ko siyang sinisilip sa may salamin and yun ang lagi kong ginagawa.

One day (ulit),

habang Naka sakay ako sa tricycle (sa loob) ay nakita ko siyang nakasakay sa may tabi ng driver kaya naman kitang kita ko siya at hindi ko namalayan na napatitig na pala ako then nagulat ako kasi bigla siyang napatingin sa akin kaya nag tama ang tingin namin.

Kinabahan ako dun guys kaya naman ay umiwas agad ako ng tingin.

And after nun parang lagi ko siyang nakikitang nakatingin sakin...

Like tuwing makakasalubong ko siya sa campus mapapatingin ako sa gawi niya at makikita kong nakatingin din siya sa gawi ko kaya naman nagkaroon ako ng false hope.

Isa pa sa mga hindi ko malilimutang pangyayari ay noong nakasalubong kami sa campus at alam niyo yung hindi kami makadaan like gigilid ako para makadaan siya pero at the same time gigilid din siya?

Parang nag papatintero kami at sabay kaming tinukso ng mga kaibigan niya nang mag tama ang tingin namin sa isa't isa.

Shet kinilig ako dun mga te!

So ayun nang malagpasan na namin siya ay hindi ko maitago yung kilig ko kaya nahampas ko yung kaibigan ko.

Then doon nila malamang crush ko pala si Mr.Fuwa

And nalaman ko nalang na alam na niyang crush ko siya.

Syempre nagtampo ako sa kaibigan ko kasi sinabi nila sakanya at alam kong may mag babago samin (kahit na walang kami)

CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon