Nagbabalikan na lahat ng studyante galing sa misa sa hall. napansin kong wala sa bulsa ko ang phone ko at agad akong kinabahan. bumilis ang tibok ng puso ko dahil alam kong mapapagalitan ako.Pumasok ako sa classroom para tignan kung nandoon yung phone ko. hinalungkat ko ang bag ko at di ko nakita iyon.
May isa akong pinaghihinalaan na kumuha noon, at walang iba kundi ang kaklase kong weird.
Nakakatakot siya at nakakakilabot. lapitan ka lang niya talagang mapapaalis ka nalang. madami na din nawawala sa classroom namin at siya ang sinisisi.
Pero ang lagi niya lang dahilan ay wala sa kaniya.
Hindi naman sa sinasabi kong siya ang magnanakaw pero parang ganun na nga.