Tapos na ang usap usap namin sa principal's office.Pumasok kami sa classroom at ang tahimik ng lahat.
"Lumabas din ang totoo, Mr. Raffy, dahil diyan hindi ka bibigyan ng good moral dahil sa ginawa mo" sabi ng Principal.
Nagulat ang lahat at nagbulung bulungan.
"Hindi po ba si Mr. Diggy ang may kagagawan nito?" Sabi ni Miki.
"Hindi" sagot ko.
Kitang kita sa mga mukha nila ang pagkagulat dahil hindi ko din talaga inakala na magagawa to ni Raffy. itinuring ko pa naman siyang kaibigan tapos ganto lang ang gagawin niya sa akin.