[Kyungsoo at Chanyeol]
Pagkatapos ng mga nangyari au dumistansya muna sina Kyungsoo at Chanyeol. Hindi dahil pinili nila ang isa't isa kundi dahil nagi-guilty sila. Nagiguilty sila na nasaktan nila ang mga taong mahalaga sa kanila dahil pinairal nila ang katangahan nila. Katangahan na magpadala sa tawag ng laman. Katangahan na nagdala sa kanila sa ganitong sitwasyon.
Habang dumadaan ang mga araw ay napansin nila na parang nagiging malapit na si Jongin at Baekhyun sa isa't isa. Oo, malapit sila dati pero iba na ngayon. Nagsimula sa simpleng ngiti, na naging malalakas na tawanan, na napunta sa pagiging sobrang clingy sa isa' isa. Hindi sila ganun ka-touchy dati.
Nagseselos sila. Sobra.
At nanghihinayang.
Nagseselos dahil nakikita nilang habang tumatakbo ang mga araw ay mas nagiging malapit na sa iba ang taong tunay nilang mahal. Nanghihinayang dahil alam nilang mas lalong nagiging imposible na maibalik nila ang dati. Yung dating Baekhyun at Chanyeol tapos Kyungsoo at Jongin lang. Yung may sarili silang mundo kasama ang mahal nila.
Narealize nina Kyungsoo at Chanyeol na lust lang at hindi love ang namagitan sa kanilang dalawa at hinayaan nilang makawala ang mga taong tunay na nagmamahal sa kanila.
Maliban kina Jongin at Baekhyun ay naging malamig na din ang pakikitungo ng mga kaibigan nila sa kanila. Kinakausap pa rin naman sila ng mga ito pero alam nilang nagbago na ang pagtingin ng mga ito sa kanilang dalawa.
Masakit.
Masakit kasi parang kahit anong gawin nila ay wala silang magagawa para mabago ang lahat. Kung maibabalik lang nila ang oras ay gagawin nila para maitama ang lahat.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Isang taon din ang nakalipas matapos ang pangyayaring nagbago sa lahat at handa na silang baguhin ang lahat. Handa na silang suyuin sina Baekhyun at Jongin muli. Kung nagtataka kayo kung bakit inabot pa ng isang taon bago sila nagkalakas ng loob ay dahil naghalo ang guilt at hiya na nararamdaman nila, Parang may pader na hindi nila pwedeng masira pero ngayon ay handa na talaga sila. Kahit anong mangyari ay susuyuin nila ang mga ito at kahit ireject sila ay hindi sila susuko.
Nilapitan nila ang mga (dating) kaibigan nila ng may halong kaba. Napansin nilang wala ang dalawang taong sinadya nila. lumapit si Chanyeol kay Suho.
"Suho-hyung, nasaan sina Baekhyun at Jongin?", tanong ni Chanyeol.
"'Di niyo pa ba alam?"
"Ang ano?", may pagtatakang tanong ni Kyungsoo.
"Umalis na sina Baekhyun at Jongin. Nagpunta na silang Japan.", sagot ni Suho.
"Bakit sila pumuntang Japan?", ang tanong ng hindi makapaniwalang si Chanyeol.
Eto na yun eh. Kung kailan handa na siyang baguhin ang lahat tsaka naman nangyari ito.
"Student exchange program. Last year pa silang nag-apply for a student exchange program at luckily tinanggap yung application nila.", sagot namang ni Yixing.
"Akala namin alam niya kasi pinag-uusapan yung pag-alis nilang dalawa. Hindi pala.", dagdag pa ni Luhan.
Wala na.
Nawala ang saya nila at napalitan ng lungkot at galit. Nagagalit sila sa sarili nila dahil ang bagal nila. Dahil naduwag sila. Dahil hindi pa nila ginawa ng mas maaga ang pakikipag-ayos sa kanilang (dating) kasintahan.
Bakit ganito?
Ito na ba talaga ang karma nilang dalawa?
-----------------------------------------------------------------------------
Makalipas ang apat na taon.
Matapos na malaman nila Kyungsoo at Chanyeol na umalis na sina Jongin at Baekhyun papuntang Japan ay nakipag-ayos sila sa kanilang mga kaibigan. Para na rin mawala na ang awkwardness na nararamdaman nila kapag kasama nila ang mga kaibigan. Pinangako nila sa mga kaibigan nila na nagbago na sila at nagsisisi sa mga nagawa nila. Pinangako din nila Kyungsoo at Chanyeol sa mga sarili nila na kapag bumalik na sila Jongin at Baekhyun ay gagawin nila ang lahat para magkabalikan muli sila.
Nasa gitna si Chanyeol ng pagbabasa ng marinig nitong tumunog ang cell phone niya. Si Kris.
"Ayo wassup."
"Yo Chanyeol. Nakita mo na ba yung email na pinadala ni Baekhyun?"
May pinadalang email si Baekhyun? Para sa kanya?
"Hindi pa tol."
"Ah sige. Icheck mo na lang bro. Pero don't get your hopes up dahil hindi ito ang email na nanaisin mong matanggap sa kanya. Sige bye. Chinecheck ko lang kung nabasa mo na at kung okay ka pa ba."
Naghang up na si Kris pero hindi pa rin maialis ni Chanyeol ang mga sinabi ni Kris. Anong hindi nanaisin?
Agad na kinuha ni Chanyeol ang laptop niya at tinignan ang mga unread messages niya. Meron nga! May message nga si Baekhyun. Sa sobrang kasayahan na may natanggap siyang message mula kay Baekhyun ay nakalimutan ni Chanyeol ang babala ni Kris na 'wag masyadong maging masaya sa message na ito. Binuksan na niya ang email at napatigil siya.
"We are happy to announce that you are invited to the wedding of
KIM JONGIN and BYUN BAEKHYUN
It will be held on Sunday, 10:00 am at The Ritz Carlton, Seoul.
Save the date!"
Napakaikling message pero ito na siguro ang pinakamasakit na message na natanggap niya. Hindi namalayan ni Chanyeol na tumutulo na ang kanyang mga luha habang paulit-ulit na binabasa ang imbitasyon. Hindi rin maaalis sa paningin ni Chanyeol ang picture na nakaattach sa invitation. Kitang-kita ang saya nin Jongin at Baekhyun.
Kasal?Sina Baekhyun at Jongin?
Paanong nangyari?
Makalipas ang ilang minutong pagkatulala ay nakatanggap si Chanyeol ng tawag mula kay Kyungsoo at umiiyak ito.
"Nabasa mo na ba?", tanong ni Kyungsoo na halos hindi na makapagsalita ng maaayos dahil sa pag-iyak.
"Oo.", ang maikling sagot ni Chanyeol. Hindi niya kayang magsalita ngayon.
Puro iyak lang ni Kyungsoo ang naririnig niya at ayaw niyang makarinig ngayon ng kahit ano tungkol kina Baekhyun at Jongin. Binaba na ni Chanyeol at cellphone niya ng hindi nagpapaalam kay Kyungsoo.
Bakit?
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: TADAH!! Update. Pagpasensiyahan na po ang typos at wrong grammar. sorry din sa matagal na update. At alam kong wala silang masyadong dialogue dito. Next Chapter madami namang dialogue yaan niyo na. Hahahaha
Love lots, bikyolbabies (ang dakilang love child ng Chanbaek)
BINABASA MO ANG
Don't f*ck with my love
Fiksi Penggemar"Yung pakiramdam na hindi ka sapat sa kanya" "Yung pagsisihi na nararamdaman kapag wala na ang lahat" Ang masakit na katotohanan na wala ka ng magagawa "I do." Tears will be falling. cover by: moaningzitao :)