November 9, 2007

25 1 0
                                    

Friday

6:02am. Nakagising na rin. May panaginip nanaman ako. Maya sulat ko. Mag aayos na ko!, Pasok nanamn Sa school. . Haysss.

8:47:am. Ok! English time Ang pinaka nakakatamad ng subject.! Tungkol sa panaginip ko. bibigyan ko ng title ung kwentong ito. Hehe!

Ang Drumstick!

Nasa kubo ako. kasama ko sina Eric at Paolo. Gabi na. Tapos ang ilaw lang yung nag iisang ilaw sa poste namin. Sira kasi yung ilaw sa kubo. Tapos walang ilaw ung bahay namin. Maya maya may aninong dumadaan sa gilid ng kalsada. Napaka tulin. sasabihin ko sana kina Eric. Kaso Natutulog na sa upuan ng kubo. biglang parang may bumagsak sa bubong ng kubo. tapos nag lalakad papunta sa dulo. biglang tumigil. at may tumalon. Hindi ko na kita at hindi ko na tinignan. Tinawag ko sina eric Sabi ko "Alis na tayo mga pre". Hindi sila nasagot. Ewan ko ba. bigla akong tumakbo ng mabilis. papunta sa gate namin. Naka lock yung pinto.Wala akong susi. Gusto kong sumigaw pero hindi ako makapag salita, tumakbo ako ng tumakbo. nung hiningal nako. nag tago ako sa gilid ng isang bahay. Biglang may narinig akong natawa. at nag salita.

. . . " Hihihi! San ka pa tatakbo?. San ka mag tatago!?. Hindi mo ko matatakasan!. Hihihi!"

Yung boses nya hindi ko makilala. Parang nag sasalita sa harap ng electric Fan. Hindi ko malaman kung babae o lalaki ung boses.. Maya-mya Sisilip ako nakita ko si baliw. naka dilaw ang suot na damit. hindi ako pedeng mag kamali sya yon. Nilapitan ko sya. tinanong ko.

. . . "Bat nasa labas ka? Nakita mo ba ung nakaitim? na parang anino? hinahabol nya ko!."

Natawa lang sya.

. . . "Hehehe!"

At nag salita.

. . . "bakit ka natakbo?"

Yung boses nya!. Yun yung naririnig kong parang nag sasalita sa harap ng electric Fan. Bigla nya kong sinipa. Hindi ko maintindihan. Tumalsik ako, mga limang hakbang mula sa kina tatayuan nya. nung mag sasalita ako. walang lumalabas ng boses sa bibig ko. Tapos dahan-dahan syang lumalapit sakin. at may kinukuha sa likod nya. Biglang may nilabas sya. isang pair ng drumstick. tinaas nya yung kamay nya at sasaksakin ako ng hawak nya. gusto kong tumakbo. pero hindi ko maigalaw yung mga paa ko. Pumikit nalang ako. nakapikit ako ng mga 5 seconds. pag dilat ko ung kisame ng kwarto ko nakita ko. Gising napala ako. Ang weird!. Bwisit!. The end. Hahaha!.

Siguro kaya ko na papaniginipan si baliw, maybe in the future sya yung papatay sakin. Wew!.

May Quiz pa! Get one sheet of paper crosswise. Nice! wala akong alam. . .

5:48pm. kakauwi ko lang!. Hahaha!. Natatawa ako sa ngyari kanina sa hall way!. nag lalakad kaming dalawa ni Eric sa hall way, Naka salubong namin Si baliw may kasama syang dalawang babae. Bigla ba naman ako inirapan. Ang sama ng tingin. tinanong ako ni Eric kung bakit ang sama ng tingin sakin. Sabi ko.

. . . "Tanung mo sa kanya. . "

Gago. tinanong nga. Biglang sinabi.

. . . "Cloud!, Bakit ka daw galit kay Gy?"

Bigla akong na pasalita.

. . . " Gago ka Eric."

Sabay sabi ni baliw.

. . . " Ha?. Ako? galit kay Gyro? Haha!. Hindi ha. .  Sa totoo lang mag kaibigan na kami. Kasi mag kapit bahay lang kami nyan. Diba Gy?."

Ako.

. . . "Haa, Ah Oo, Tara na Eric!"

Tapos nag bulungan ung mga kasama ni baliw. Mga panget naman. Narinig ko ung mga bulungan.

. . . "Kaibigan mo si gyro?"

. . . "Naku Wag kang makipag kaibigan jan."

. . . "Basagulero yan eh.!"

. . . "Oo nga wag. ."

. . . "Baka madamay kalang sa gulo nyan."

. . . "Alam mo ba yung. . . . ."

Mga panget talaga! mga chismosa. Nakakainis! Tapos nung maka layo na kami Sabi ni Eric. 

. . . "Gago ka, Umi-Score ka na pala!. . . Pero ako parin type nun. Nahuhuli ko ring laging na sulyap sakin yan eh. Hehe!"

Ako.

. . . " Gago sayong sayo na.!"

Bakit nya kaya Sinabi yon?. Tae ung mga panget na babae. Parang may sinabi pa kay baliw.

Ha! Makakain nalang! Walang pasok BUKAS!! Yes!

The 100th DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon