CHAPTER 3

291 10 2
                                    

CHAPTER 3

Ang pinaglihi sa cake ;)

----------------------

Pumasok na yung adviser namin for this year. Kanya-kanya ng nagsettle ang mga kaklase ko. Si Bake umupo sa left side ko, si Sandy naman ang nasa right. Sana walang seat plan. Crossfingers!

"Good morning. Welcome, South A's. Since first day pa lang naman, let's do the first day of class ritual, the infamous, introduction of yourselves ritual."

Nagclap-clap pa si Ma'am. Isa pa tong isip bata eh.

"Eh ma'am! Kilala naman na namin ang isa't-isa eh."

"Ang old school naman po nyan!"

"Wala nabang ibang ritual ma'am?"

Sabi ng mga reklamador kong kaklase. I agree din naman.

"Ok, ok. Quite earthlings. Na'foresee ko na yang mga reaction nyo na yan. Kaya nakaisip na ako ng twist para masaya ang introduction nyo. Since magkakaklase kayo since freshmen days nyo, kilalang-kilala nyo na ang isa't-isa, more or less. Kaya ang gagawin natin, pick 2 of your classmates. The one that you like the most, and the one that you don't like. Ganun lang ang mechanics."

Ha! Ang saya naman ng twist.Alam kong alam nyo na kung sino ang isa sa dalawang yun.

Nagpakilala at pinakilala na ng mga kaklase ko ang sarili nila pati na din ang mga like at unlike nila.

Halos loko loko lang ng mga kaklase ko pinagsasabi nila. Lalo na yung kay Bake. Ako daw ba ang pinaka'unlike nya at si Sandy at pinaka'like? Alam naman naming lahat kung gano nila kamuhian ang isa't-isa. Baliw talaga.

At ako na. Totohanan tong akin.

"Hi. Ako nga pala si Chan."

"ALAM NAMIN!" mga kaklase ko.

Ang gulo. Napakamot nalang akong ng tenga.

"Quite! Go on Chan." Si Ma'am

"So, ayun. Ang classmate na pinaka'like ko ay si Bake. Kase---"

"BROMANCE NA ITUUU~!!" sino paba? Edi ang mga classmates ko.

"PREN?! BAKLA KABA?" isa pa to.

"Baliw! Hindi ah. Baka ikaw?" biro ko.

"Baka nga." Sabi nya

"HAHAHAHAHAHA!!" kaming lahat. Ganyan kami eh.

"De, seryoso na. Si Bake kasi simula prep magkaibigan na kami nyan. Dugtong na nga ata bituka namin eh. Walang iwanan pren!"

At lumapit ako sa kanya, nag'hi5 kami.Bumalik naman ako agad sa gitna.

"At ang pinaka'unlike ko naman. Umm~ sya yung pinakamakulit na taong nakilala ko, pwera kay Bake. Naiinis ako sa kanya kasi akala nya siguro hindi ako marunong magalit at mapuno. At punong-puno na nga talaga ako ngayon. Give me a break, apat na taon din akong nagtiis. Ok na siguro yun. Hey, Cyrine Jhenesis Ramos! I don't like you. Stop asking for paper and borrowing my pen."

After ko magsalita, bumalik ako agad sa upuan ko. At saka ko lang napansin na SOBRANG tahimik pala ng room. Anyare?

"Don't you think it's kind of too much?" bulong ni Bake.

What? I'm just being honest. Yun naman bottomline ng pauso na ito ni ma'am diba?

Hindi ko na napansing si Cyrine na pala yung magsasalita.

"Hi."

Ang weak ng smile nya.

"Hehe. Naspecial mention ako kanina. Well, ako pala yung si Cyrine Jhenesis Ramos. Hehe."

Bat ba sya hehe ng hehe? Lasing?

"So, yung pinaka'like kong kaklase eh, ako yung pinaka'unlike. Ano ba yan, the feeling is not mutual. Hehe."

She talking about me, right? Ok. Awkward.

"Cris Harly Alonzo Nuestre a.k.a Chan. Ako nag'imbento ng nickname nya na yun! Diba?"

Tumingin sya sa akin. Pero nagbawi din naman sya agad.

"Gusto ko sya kasi binibigyan nya ako parati ng papel everytime nanghihingi ako. Ballpen din pag wala ako. Thank you ah? For the past years, sya ang katabi ko. Di ko naman alam kung bakit. Hindi ko sya narinig na nanumbat sa mga papel na nabigay nya sa akin, until a while ago. Hehe. Sorry."

Then, tumingin sya sa baba. At naglakad papunta sa upuan nya.

Ok? Ang tahimik na naman. ANYARE?!

Hanggang matapos yung pauso ni ma'am at umalis sya. At dumating ang teacher namin. At nagrecess. Lutang ako. Grabe. Sobra ba talaga yung ginawa ko? Hala. Nagiguilty ako.

Tingin to the left, tingin to the right. Tsk.

"Pren, nasa West sya."

"Ha? Sino?"

"Sos. Maang-maangan kapa. Sino paba? Edi yung hihingan mo ng pasenya. Sige na."

Tsk. Ito mahirap pag may bestfriend ka eh. Ramdam na ramdam pati nararamdaman mo.Minsan pinapangunahan kapa. Hay!

Pero tama naman sya. May hihingan nga talaga ako nga pasensya.

Pero ok naman din na sinabi ko yun diba? Para marealize nya na hindi ako isang pilantropo.

Hay. Asan naba yun? Ang ingay naman dito sa West Wing.

------

CUT!!

A/N: Holy Cross High School ay nageexist talaga na school. Maliban nalang sa structure ng building at sectioning. Haha! West Wing ay ang teretory ng mga Freshmen. East sa Sophomores, North sa Juniors, at South ang sa Seniors. 5 sections each year level yan. Kunwari, South A, meaning 1st section. Ganun. XD

At ang uniform nila ay color coded. XD

West- Royal Blue

East- Gray

North- Red

South- Yellow

Checkered above the knee ang skirt na round pleats. At ang top ay long sleeved white sabay may necktie. Ang pants naman ng boys ay black na at same ang top sa girls at may necktie din. May coat sila kung nagiisnow. Oo, nagiisnow sa lugar ko. Haha! At yan ang HCHS. Ano pang iniintay nyo? Enroll na! Tahahaha! XD

BALLPEN at PAPELWhere stories live. Discover now