CHAPTER 10: Part 1

168 7 3
                                    

CHAPTER 10

Part 1

A/N: PoV to ni Cyrine. Busy ang ating Chanie. :D

Saturday.

At may practice kami sa choral. Pero bago ako pumunta sa practice room, daan muna ako sa South Wing.

Hala! Bat ang kalat here?! Papel here and there.

"Aish! Nauubos na nga ang mga puno kakagawa ng papel, tapos aaksayahin lang? Nako nako!"

Pinagpupulot ko ang mga papel na madaanan ko. Sayang e. Magagamit ko pa to. Hihi ^_^)v

Atchiyoo!

"Aypalakangbakla! Ano ba naman Chan! Nanggugulat ka e."

Hehe. Message tone ko. Bahing ni Chan yun. Nirecord ko lang. Ang cute nya lang kasi bumahing. Hihi~

Sino ba to nagtext. Baka kasama ko sa choral.

"Cy, andito na kami sa gym. Dito daw tayo magpractice. Takbo! Wala sa mood si Madam."

Omo! Kailangan ko ng magmadali. Nakakatakot si Madam. Uwaaa!

Run for your life Cyrine Jhenesis!

Sa East wing na ako dadaan. Shortcut. Lagot na.

Tumatakbo ako ng biglang

*POINK*

Oh. Nadulas lang naman ho ako. May naapakan akong ballpen. Ano ba naman!

Sino ba nagkakalat dito? Tsk.Sakit ng pwet ko. My goodness!

Andami na namang nagkalat na ballpen.

"Problema ng mga studyante ngayon? Hindi naba uso ang ballpen at papel sa school na to? Makatapon e. Tsk."

Pag ako talaga na'late, ipapakiliti ko talaga kay Majimboo ang nagkalat dito.

At nagmadali na talaga ako. Halos liparin ko na ang hallway ng East.

Nung nasa may gym na ako, nakita ko si Gracie. Kumakaway. Kaya tumakbo ako ng mas mabilis. Pagod na ako! Grabe lang.

"Hoo! Nakakapagod. Tinakbo ko lang ang East wi--"

"Ssh. Wag kana mag'explain."

"Ha? Ok. Bat ka andito sa labas? Akala ko ba wala sa mood si Madam? Tara na sa loob."

"Wag muna. Sandali. Ang init kasi sa loob."

Para sya'ng ewan.

"Oh, sige. Pahinga din muna ako. Nakakapagod tumakbo."

Punas pawis pa ako nyan na umupo sa may flower box.

"Inom ka muna Cyrine oh."

Inabutan nya ako ng mineral water.

"Salamat."

Ayon, mga 15 minutes na kami sa labas.

"Hindi paba tayo papasok Gracie?"

"Saglit nalang."

Tas bigla naman tumunog ang cellphone nya.Tas tumayo sya, at nginitian nya ako.

"Pasok kana."

"Ha? Tara. Sabay na tayo."

"Ikaw nalang. May pupuntahan pa ako e."

With that, tumakbo na sya.

"Hala. Ako lang ata ang late. Lagot ako kay Madam nito."

A/N: Ako na muna to.

Before the big moment.

Umaga pa lang nasa school na sina Chan at Bake pati na din ang iba pa nilang kakuntyaba.

Pinaghahandaan ang kung ano mang balak nya. Hindi nya sinabi sa akin.

Pero ayon sa nakikita ko, nagkakalat lang naman sila. Tsk. Tsk. Magagalit si Mother Earth nito.

"Pren, dumating na ang mga kapitbahay mo."

"Good. Ipagset'up mo na sila sa gym. Samahan mo muna pren."

At umalis na nga ang super cute na si Bake.

"Chan, ok na sa hallway ng East."

"Chan, ok na yung binilin mo."

At kung anu-ano pa ang naririnig ko. Ang ingay nila. Paroo't parito. Ang supportive lang ng mga to.

"Hoy Chan!"

"Yes, YF?"

"Papicture ako sa mga kapitbahay mo mamaya ah?"

"Kaw talaga. Sige. Bat ka nga pala andito?"

"Para masaksihan ang pagbusted ni Cy sayo."

At lumayas na ako.

A/N: Back to Chanie na tayo. :D

Sa Gym.

Kinakabahan ako.

"Pren, para kang natatae." sabi ni Bake.

"Kasi naman si YF kanina sabi nya bubustedin daw ako."

at sumalpak ako sa isang bench.

"Naniwala kana naman dun? Sos. Bitter lang yun."

"Hoy Bake! Hindi ako bitter!"

At sinapok ni YF si Bake. Hindi nga sya bitter. Brutal sya. Brutal. Kawawang Bake.

"YF naman e! Support nalang. Pwede?"

At umalis na naman sya. Ang hilig nya umalis. Mana mga characters. Tsk.

"Harly! Ok na kami." sigaw ni Patrick. Isa sa apat kong kapitbahay na may banda.

Lakad talon namang lumapit si Louise sa akin.

"O-M-G! Ang gwapo ng mga kapitbahay mo! Pwede lumipat sa inyo?" kinikilig sya. Hay! Babae nga naman.

"Ikaw talaga. Lipat ka lang." natatawa kong sagot.

At nagpractice ang banda. Kinanta nila ang sinabi kong kantahin nila. Magaling sila. Hindi ako nagkamali sa pagpili sa kanila.

"Cris Harly, ok na yung mga Easterns."

Handa na ang lahat. Ako? No choice.Kailangan ko maging handa. Pakana ko to e.

"In the name of love!"

Sigaw ni Bake. With matching parang katipunero pose pa sya. Nagtawanan naman lahat ng nasa gym.

"Naitext ko na sya."

Sabi ni Meg. Kasamahan ni Cyrine sa choral.

At ayun, nagtago na ang lahat ng dapat magtago. At ibinaba na ang banda. Nakapatong kasi sila sa isang naibababang stage. Ewan. Basta ganun. Nagmukhang walang laman ang stage.

Ako nalang ang natira sa gitna.

At bumukas ang pinto.

BALLPEN at PAPELWhere stories live. Discover now