Gabi na akong nakauwi sa maliit kong apartment at sa pagbukas ko ng pinto ng kwarto. Binuksan ko naman ang ilaw. Huhubarin ko na sana ang t-shirt ko ng mapatigil ako't malakas na sumigaw. "Magnanakawwwwww!"
Nagulat ang lalaki sa pag-sigaw ko. "Hindi ako magnanakaw." Mabilis niyang sinabi.
"Anong hindi?! Paano ka nakapasok dito sa kwarto ko?!" Sigaw ko. Akmang icacall ko na ang police sa hawak kong cellphone ng lumutang ang cellphone ko sa ere. Nanlaki ang mga mata ko. "P-Paanong?"
"Magpapaliwanag ako."
Bigla nalang akong bumagsak sa sahig at hinimatay. Sa pagdilat ng mga mata ko. Mukha agad ng lalaki ang bumungad sakin.
"Mabuti gising kana." Ngumiti siya.
"Sino ka ba talaga? Paano mo napalutang cellphone ko sa ere? Ano ka multo? o magician?"
"Multo." Sa sinabi niyang iyon tumaas ang mga balahibo ko sa buong katawan.
"ANO?" Tinampal-tampal ko ng dalawang palad ang mukha ko.
"Hindi ka nananaginip. Isa nga akong multo. At nakikita mo ako, Rhian."
"Imposible! Pinasara na ni lola ang third eye ko nung bata pa ako. At paano mo nalaman ang pangalan ko? Stalker ba kita? Ha?"
"Sa katunayan niyan hindi ko rin alam kung bakit alam ko ang pangalan mo. Sinabi lang din sakin ng utak ko. Basta ang natandaan ko paggising ko napunta ko rito sa apartment mo. At hindi na ako makaalis at maka-balik sa pinanggalingan ko."
"Baka kailangan mo ako para matahimik na ang kaluluwa mo."
"Yun na nga. Kailangan kita."
"Ano ba dapat gawin ko para matahimik kana?"
"Simple lang naman e'."
Kinabukasan...
"Sigurado ka ba sa ginagawa natin na to?" Tanong ko kay Hudson. Oo iyon ang pangalan niya. Kasalukuyan kasi ako ngayong nasa harap ng malaking bahay. At kanina pa ako doorbell ng doorbell wala namang nagbubukas ng gate. "Baka walang tao. Baka pwede bukas nalang natin kausapin siya."
"Hindi puwede. Kailangan niyang malaman na delikado ang lagay ko ngayon sa hospital."
"Wow! Ha? Ikaw yung multo na naaalala ang lahat ng nangyari sayo. Kasi sa mga napapanood ko sa movie o nababasa sa libro hindi nila matandaan kung bakit namatay sila."
"Huwag mo kasi ibase sa napapanood mo o nababasa."
"Okay." Nagkibit-balikat pa ako. "Teka! Siya na ba yan? Ang ganda naman pala ng girlfriend mo."
"Oo siya na nga yan."
"Sino po sila?" Tanong sakin ng babaeng may maiksing buhok at nakakainggit ang kulay ng balat sa sobrang kaputian.
"Uh...Ikaw po ba iyong girlfriend ni Hudson?"
"Yes ako nga. Sino ka?" Nag-iba ang tono ng boses ng babae sakin. Baka isipin kabit ako. Duh! Hindi ako ganon. "Kaibigan niya. Gusto ko lang ipaalam sayo na malala ang kalagayan niya sa hospital."
"Ha?! Bakit anong nangyari sa kanya?"
"Nabangga ng truck yung sinasakyan niyang kotse kahapon. Kaya hindi siya nakarating sa tagpuan niyo kahapon."
Mabilis na bumuhos ang luha ng babae sa pisngi niya. Aaluin ko sana siya ng may boses ng lalaki akong narinig. Lumapit sa kanya.
"Babe."
"Si Kuya." Sambit ni Hudson sa tabi ko.
"Herwin. Ang kapatid mo nabangga. Malala kalagayan niya ngayon sa hospital."
"Alam ko." Sagot nung Herwin.
"Alam mo?"
"Oo."
"Bakit hindi mo sinasabi sakin?"
"Alam ko kasing malulungkot ka. At ayaw kong malungkot ka sa walang kwentang balita."
"Anong walang kwentang balita? Kapatid mo yun! Herwin. Kapatid mo si Hudson!" Sigaw sa kanya. Tsaka pumasok na ang babae sa loob.
Tumingin pa saglit sakin yung Herwin bago sumunod doon sa babae.
Sa pag-uwi ko ng apartment. Pansin kong kanina pa walang imik si Hudson. Kaya iniwan ko muna siya sa may sala at pumunta kong kusina. Binuksan ko ang ref at napangiti ako ng may nakita akong isang bote ng red horse. At least may isa akong stock.
"Tara! Shot!" Sabi ko kay Hudson. Inalok ko pa ng alak na isinalin ko sa baso.
"Sa tingin mo ba? Maiinom ko yan?"
Pagsusungit sakin."Ay! Grabe siya. Malay ko ba? Sa mga napanood ko kasi--" Pinutol niya agad ang sasabihin ko. "Iba kase iyon. Lahat ng mga napanood mo hindi totoo."
Ako na ang umubos ng isang baso ng alak. Umasim pa ang mukha ko ng sumipsip ako ng lemon. "So anong feeling nung malaman mo na may relasyon pala ang girlfriend mo sa Kuya mo?"
Bumuntong hininga siya. "Alam ko naman na may relasyon talaga sila. At tinatago nila iyon sakin."
"Ano alam mo? Eto lang masasabi ko. Ang tanga mo!"
"Tanga na kung tanga. Sa mahal ko si Trixie." Banggit niya sa pangalan ng girlfriend niya. "Pero handa naman akong mag-paraya kung makikipag-hiwalay siya sakin."
"Ambait naman po pala. Sana all. So paano na yan? Anong next nung nasabi ko na iyong pinapasabi mo sakin sa girlfriend mo kanina?"
"Hihintayin ko nalang siguro kung kailan ako gigising. Kaya hayaan mo muna kong mag-stay dito sa apartment mo."
"Ang tanong gigising ka pa nga ba? Baka nga mamatay kana niyan."
"Ganyan ka ba talaga mag-comfort sa taong patay na gusto pang mabuhay."
"Oo lalo na kung tanga ka sa pagibig." Tumawa pa ako.
"Bakit ikaw hindi ka pa ba nagiging tanga sa pag-ibig?"
Uminom muna ko ng alak sa bote. Bago sinagot ang tanong niya. "Naging tanga once. Pero hindi kona inulit. Nakipag-break ako sa kanya nung nalaman ko na pineperahan niya lang pala ako." Naramdaman kona tumulo ang luha ko sa kaliwang pisngi. Pinunasan ko naman agad iyon. "Ang sakit lang kasi. Minahal ko siya. Binibigay ko lahat ng pangangailangan niya kahit wala na akong makuha sa sweldo ko. Basta meron siya. Mabigay ko gusto niya. Tapos ganon malalaman ko." Nilaklak ko ang laman ng kalahating bote.
"Grabe ka pala magmahal. Dapat mag-bigay karin ng konti sa sarili mo."
"Iyon na nga ang ginagawa ko. Kaya lahat ng mga nanliligaw sakin ngayon. Binubusted ko muna."
"Wow! May manliligaw ka pala?"
Sinamaan ko ng tingin si Hudson. "Bakit maganda naman ako a?"
"May sinabi ba akong hindi?"
"Hindi kita tulungan diyan e." Inirapan ko siya.
"Tama na nga yan." Inagaw sakin ni Hudson ang bote ng alak.
"Nahawakan mo?"
"Oo naman. Lahat naman ng bagay nahahawakan ko pa. Kahit kaluluwa nako."
"Pero bakit tumatagos kamay ko sayo kapag sinusubukan kitang hawakan?"
"Kasi nga tao ka at ako lang ang may kakayahang hawakan ka. Mahahawakan mo naman ako kapag hinawakan kita."
"Try?" Ngumiti ako sa kanya.
Hinawakan niya ako sa braso at hinawakan ko rin siya sa braso niya. Sobrang lamig ng katawan niya.
At napagtanto ko na sobrang lapit namin sa isa't-isa. Amoy ko na ang hininga niya. Infairness mabango.
"Naiinitan ako." Sabi ko sa kanya. Patuloy lang siya sa pagtitig sa mga mata ko. Kaya lumayo na ako't tumayo. "Maliligo muna ako. Huwag kang maninilip!" Sigaw ko sa kanya na ikinangiti niya.
Shit! Muntikan na iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/216593590-288-k39052.jpg)
BINABASA MO ANG
Ghosting
RomanceNaranasan mo na ba ma-ghost? Anong klaseng panggo-ghost? Iba kase ang naranasan nitong si Rhian. Kaya hindi niya na nakalimutan pa. Started: March 12, 2020 End: March 14, 2020