𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 02

12 1 0
                                    

Himala hindi ako binully ng mga kagrupo ni Irene. Di rin pumasok si Irene ngayon. Lahat nagtataka kung bakit absent siya? Never kasi yon umaabsent, first-time ngayon. Usap-usapan sa paligid ng campus ay baka break na sila ni Donny.

"Uy! Rhian." Pinitik ako sa noo ni Susan. Nandito kami sa cafeteria. Katatapos lang namin kumain. At si Susan ay kanina pa nakatingin sa notebook niya.

Tiningnan ko siya ng masama. "Ang sakit ha?!"

"Mag-review ka kasi."

"Bakit naman?"

"Anong bakit ka diyan. May quiz tayo sa marketing mamaya. Alam mo naman na naghahabol ka sa subject na iyon kase bagsak ka nakaraang grading. Tapos nakatulala ka lang diyan."

"Aish! Oo nga pala." Natampal ko ang noo ko ng isang palad.

"Hindi kita mapapa-kopya kasi kapag may quiz tayo kay Sir. Naka-alphabetical order e' napaka-layo mo sakin." 

Magrereview na sana ako. Nang biglang pagpasok ng teacher namin sa Marketing. "Oh! No. Pano na ito?"

"Okay! Class get one whole sheet of paper." Nagmadali sa pagkuha ang mga kaklase ko sa papel nila. Samantalang nang-hingi lang ako kay Susan.

Nagsimula na ang quiz na binabasa na ni Sir ang mga katanungan sa laptop niya. At pipili kami ng isang isasagot sa apat na letra na babanggitin niya.

Ginabi na kasi ako ng uwi kagabi. At sa sobrang pagod galing sa trabaho ay nakalimutan ko ng mag-review.

Wala pa nga akong sagot sa one to five. Number six na agad. "Letse!" Naibulalas ko. Lahat ng mga mata ng kaklase ko ay gumawi sakin.

"What did you just say? Ms. Oroceo?"
Inis na tanong sakin ni Sir Lucas.

"W-Wala po. Sorry."

Palihim na tumawa ang mga kaklase ko. Pinanlakihan naman ako ng mga mata ni Susan na nakaupo sa unahan.

"Ang sagot sa one to five ay a, c, c, a at b." Bulong sa kanang tainga ko ni Hudson.

"Sure ka?" Mahinang tanong ko na nakatingin saking papel.

"Oo. Trust me!"

Natapos ang quiz namin at nag-exchange paper para ma-checkan na namin ang papel.

At hindi ako maka-paniwala na ako ang naka-perfect sa Marketing. Pinalakpakan nila akong lahat.

"Congrats! Ms. Oroceo. Keep it up." Sabi pa sakin ni Sir Lucas. Tapos ay lumabas na ng room.

"Ang galing mo! Rhian." Bati sakin ni Susan. Nginitian ko nalang siya.

Oo naka-perfect nga ako sa quiz. Hindi ko naman mapigilan ma-konsensya kasi hindi dapat ako ang perfect score kundi si Susan.

"Dahil perfect ka sa quiz kanina. Ililibre kita ng icecream. Tara!" Tatanggi sana ako kaso hinila niya ako sa isang braso. Papunta sa park.

Pareho kami ng strawberry icecream.
Tapos naupo kami sa duyan.

"Salamat sa icecream." Sabi ko.

"Your welcome." Ngumiti siya.

"Susan may aaminin ako."

"Ano?"

"Kaya ako naka-perfect sa quiz kanina ay dahil tinulungan ako ni Hudson."

"May kaklase ba tayong pangalan ay Hudson?"

"Wala. Isa kasi siyang multo."

"Ano? Ayos ka lang? Rhian? Wala namang masama kung nataasan mo ako sa quiz kanina. Basta ang importante. Pasado ka. Huwag kana nga diyan gumawa ng kwento."

"Ayoko kasi mag-sinungaling.

"O sige kung may kaibigan kang multo. Magkano ang baryang tinatago ko sa likuran ko?"

"₱15"

"OMG! Tama. So may kaibigan kang multo?"

Tumango ako ng dalawang beses.

"Nasaan siya ngayon?"

"Nasa tabi mo."

Mabilis na umalis si Susan sa duyan. Tawang-tawa naman si Hudson sa kanya.

"Huwag ka mag-alala. Mabait siyang multo. At kailangan niya ang tulong ko para bumalik na siya sa katawan niya."

"Pano natin siya matutulungan?"

"Natulungan kona siya once. Pero no effect nandito parin siya nananatiling multo."

"Baka kailangan mahanap ang katawan niya."

"Ang sabi niya sakin nasa hospital ang katawan niya."

"Baka kailangan nating puntahan iyon sa hospital." Suhestiyon ni Susan.

At pinuntahan nga namin sa hospital  na sinabi ni Hudson kung saan siya nagpapagaling ngayon.

"Ano pong room ni Hudson McQuinston?" Tanong ko sa nurse sa counter.

"Room 201 po." Ang sagot ng nurse.

Dali-dali naman kaming pumunta sa room 201. At sa pag-pihit ko ng doorknob at sa pagpasok ko sa apat na sulok ng kwarto.

Nakita ko ang kalagayan ng lalaking nakahiga sa kama. Maraming bagay ang naka-paligid sa kanya.

"Siya na ba to? Rhian?" Tanong sakin ni Susan na ikina-tango ko. "Ang gwapo niya."

Nilapitan ko ang katawang lupa ni Hudson. Pinagmasdan ko siyang natutulog. Brown ang kulay ng magulo niyang buhok. Maputi ang kulay ng balat. Makapal ang kilay. Mahaba ang pilikmata. Matangos ang ilong at napalunok ako ng dumako na ang mga mata ko sa labi niya. Ang kissable ng labi. Swerte naman ng girlfriend nito. Mabuti nalang mas gusto ng gf niya ang kapatid niya kaysa sa kanya. Kaya may pag-asa ako. Ay! Ang bad ng isipan ko.

"Baka matunaw na ako niyan." Bulong sakin ni Hudson sa kanang tainga na ikina-atras ko.

"Okay ka lang?" Pagtataka ni Susan.

Bumukas ang pinto. Iniluwa ang isang babae at lalaking naghahalikan. Natigil lang sila ng makita ako at si Susan sa kwartong ito. At hindi ko na nga napigilan ang sariling lapitan ang babae at sabunutan siya. "Walanghiya ka!" Sigaw ko pa sa babaeng hindi lumaban sakin pabalik.

Inawat ako ni Susan. At inawat rin ng kapatid ni Hudson ang girlfriend niya.

"Ikaw na naman!" Sigaw sakin ng babae.

"Ako nga at ikaw na babae ka. Alam mo naman na boyfriend mo si Hudson. Nilalandi mo pa kapatid niya." Nagulat ang mga mata ng babae sa sinabi ko.

"Sino ka ba? Ha? Akala mo naman talaga kilala mo ako. Baka nga kayo ang may relasyon ni Hudson. O baka nga kabit ka niya."

"Kung alam mo lang na nakikita ni Hudson ang ginagawa niyo. Matakot ka na kapag nagising na siya. At ikaw!" Turo ko ng isang daliri sa kapatid ni Hudson. "Wala kang utang na loob sa kapatid mo." Sigaw ko.

"Security!" Sigaw ng babae.

Lumapit samin ni Susan ang dalawang security guard at sapilitan kaming pinalabas ng hospital.

"Grabe ka! Rhian. Ang tapang mo kanina. Sana ganyan ka kapag binu-bully ka ni Irene sa school."

Pagkatapos ng eksena sa hospital. Nag-hiwalay na kami ng landas ni Susan. Nandito na ako sa apartment ko at pabagsak na na-upo sa sofa.

"Huwag na huwag mo akong pagsasalitaan tungkol sa girlfriend mo." Awat ko agad sa kanya. "Dahil ginagago ka na nga ng harapan. Mahal mo parin siya."

Tumayo ako sa pagkaka-upo at dumiretso sa kwarto ko. Bago ko isara ang pinto. "Huwag na huwag kang tatagos sa pinto kundi di na kita tutulungan." Sigaw ko pa.

GhostingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon