KABANATA II
Margarette's POV3 years later
" Mahal, kailangan ko ng umalis, sana maunawaan mo na kaya ko to ginagawa ay para makatulong kay papa". Tandang tanda ko pa ang mga salitang binitawan ni Apollo sakin bago siya umalis upang mag hanapbuhay sa ibang bansa, aaminin ko masakit at mahirap para sakin. Wala kaming komunikasyon ni Apollo. Tangin mga sulat lang niya ang inaasahan ko, "Donya Margarette, halika na upang hindi tayo magtagal sa palengke." Wika ni Aling Criselda. Pumanaw si Ama at Ina dahil sa isang aksidente nung sila'y nangimbang bayan, Si Don Jacob naman ay nagkapamilya na, Si Aurellia naman ay nagpunta ng Cebu upang mag aral, tanging kaming tatlo nalang nila Elenoure ang nakatira sa bahay.
"Apollo" yan nalang ang nasabi ko pagdating namin sa palengke sa hilera ng mga isda, siya ang nakita ko at hindi ako pwede magkamali, "Aling Criselda, sandali lamang po at may titignan lang ako". Sinundan ko si Apollo ngunit bigo ako "Bakit hindi man lang siya sumulat na uuwi na siya" tanong ko sa aking sarili. Umuwi na kami ni Aling Criselda. "Akyat na po ako, kayo na po muna magpakain kay Rosas, napagod po ako sa biyahe" Pagdungaw ko sa aking bintana, may nakita akong sulat.
Binibining Margarette, nais sana kitang makita bukas sa bahay malapit sa tabing ilog, sana ay makarating ka.
Lubos na nagmamahal
-ApolloPagdungaw ko sa bintana upang makita kung sino ang naglagay ng liham, hindi ako nagkamali, si Apollo.
![](https://img.wattpad.com/cover/199077096-288-k901365.jpg)
BINABASA MO ANG
BETWEEN US
Teen Fictionwill you love me til the end? will you accept me? will you forgive me of what happened BETWEEN US