KABANATA I
Margarette's POV
Taong 1860
Maaga akong gumising dahil tutulungan ko pang magluto si aling criselda. Si aling criselda ang tagapamahala ng mansyon sa tuwing naalis si Donya Aetheria at Don Amiad sila ang mga magulang ko, Apat kami sa mag kakapatid ang Panganay ay si Don Jacob, Ako na si Margarette si Si Aurellia at ang bunsong kapatid na si Elenoure. Isang sundalo si Don Jacob kung kaya't madalang siyang umuuwi sa bahay, si Aurellia ang pinakamalapit sakin marahil tatlong taon lang ang agwat ko sakanya at si Elenoure na limang taong gulang na. Labing pitong taong gulang ako at nag aaral sa paaralang sa isang katolikong pag aaral. "Magandang umaga Donya Margarette" bati sakin ni aling Criselda. " Magandang umaga Aling Criselda, Ako'y aalis at pupunta sa parke kikitain ko si Apollo" agad tumango si aling criselda at nagtungo sa kanyang kwarto, paglabas niya ay may dala siyang isang puting bistida " Bagay ito sayo Donya Margarette, suotin mo ito sa lakad ninyo ni Don Apollo". Agad ko itong kinuha at binigyan ng malapad na ngiti si Aling Criselda. "Maraming salamat".
* Paco Park
Dito kame nagkakilala ni Apollo, Kilala ako sakanila at kilala rin sila nila Don Amiad. Hindi mahirap na makagaanan ng loob si Apollo. Napakabait nito at napakamaginoo, nagkakilala kami nung ipinagdiwang ang ikatatlong kaarawan ni Elenoure. Si Donya Aemilia ang nanay ni Apollo na maagang namatay dahil sa isang malubhang sakit, kung kaya't mag isang tinataguyod ni Don Fernando si Apollo. Dalawa lamang silang magkapatid ang kakambal nitong si Eduardo, ngunit hindi ko pa ito nakikita sa kadahilanang nag layas daw ito nung sumapit ang ikalabingwalong kaarawan nila nitong Pebrero. "Mahal ko, paumahin at napag antay kita. Kanina kapa ba?" agad akong hinagkan ng mahigpit ni Apollo. " Mahal ko, ayos lang tutal kararating ko lang nais ko sanang pumasyal sa Intramuros maaari mo ba akong samahan?" "Aba'y oo naman, may ibibigay ako sayo mamaya binibini."
Pagdating namin sa sa Intramuros ay niyaya ako ni Apollo na kumain, agad siyang tumayo at may kinuha sa kalesang sinakyan namin. " Binibini, pulang rosas para saiyo, simbolo ng pagmamahal ko. " Ngumiti ako sakanya ngunit bigla niyang kinuha ang kamay ko at dinala ako sa tabing ilog. "buksan mo" may inabot siya saakin na isang kahon at pagbukas ko, may isang tutang askal ang bumungad sa akin, " Salamat Apollo, hindi mo alam kung gaano ako kasaya, Anong pangalan niya" agad kong niyakap ang tuta at pinangalan namin siya ni Apollo na "Rosas".
Pagkahatid sakin ni Apollo ay agad kaming sinalubong ni Elenoure. " Isang tuta, napakaganda nito Donya Margarette, tiyak na magugustuhan ito nila Donya Aurellia" Masayang wika ni Aling Criselda " Halika na muna kayo at kumain dahil malalim na ang gabi tiyak hinahanap na si Apollo sa kanila". Pagtapos kumain at agad ring umuwi si Apollo dahil tutulungan niya pa daw si Don Fernando sa gawaing bahay.
A/N
Pasensya na po kung boring yung chapter 1. Sa totoo lang po wala akong alam sa history kung kaya sana ay wag nyo po ako ijudge enjoy the chapter 1 po 💖 please vote.

BINABASA MO ANG
BETWEEN US
Genç Kurguwill you love me til the end? will you accept me? will you forgive me of what happened BETWEEN US