Miguel Anzel's POV
Naglalakad ako papunta sa Library pero may nasipa akong wallet, kanino to? Tinignan ko yung nakasalubong ko kanina at tska hinabol ito. "Ate, ate sayo ata to?" nakatalikod padin sya at kinakalabit ko. "Ate." pagkaharap nya.
Is this destiny? Are we meant to be? Nakita ko nanaman ang Crush ko. Soso Louise name nya diba? cute kaya lag ang bastos nung first name hay pero okay lang hindi naman yung pangalan yung aasawahin ko eh. haha
Nakita kong tumingin sya, "Sa-sayo ba to?" walang kaemo-emosyong umiling sya at tska umalis na.
Shet. Umiling sya saken? Nakakakilig naman pero bakit hindi sya nagsasalita parang pipe ba sya? hay. Pero teka, kanino to? Binuksan ko yung wallet at wow. "Ah-Ehe, Akin pala to." napangiti ako ng bahagya. Tanga ko talaga.
Papunta nako sa Library, inutusan kasi ako ng teacher kong hanapin yung libro ng mga bobo baka daw nandun ako kaya eto tinitignan ko baka nga nandun ako tas ang pangit ko daw sa picture, sayang naman. Minsan nalang makasama sa libro pangit pa picture ko diba? sayang. Tas sabi pa ni Maam ako daw yung cover nung Libro haha akalain mo yun?
Nang makarating ako sa Library, inumpisahan ko agad ang paghahanap, kahit di ko alam kung saang section ng library ko yung hahanapin hays bahala na haha pumunta ako sa section n English Literature, William shakespeare? Masarap kaya yun? Tikman ko nga minsan yung shake nayun mukhang masarap pakinggan haha.
"San ko ba mahahanap yun?" Kainis napapagod nako kakahanap wala padin kung saan saang section ko na ng library hinanap wala parin hays sa sobrang badtrip ko umupo nalang ako sa isang tabi.
"Ang laki laki ng library! Hinanap ko pa ugh!" Ngayon ko lang narealize na pinapatamaan ako ni Mam ugh! Kainis! Pero hayaan nalang ugh
"Ang bobo ko talaga kahit kailan!! kainis!" habang hinampas ko ng isa kong kamay yung ulo ko tapos tinakpan ko ang mukha ko, ugh!
"Okay ka lang?" Ang ganda ng boses pero mukha ba kong okay? hays. Tinignan ko kung sino yung nagtanong sakin waah! Isang Diwata!
"Ikaw/Ikaw nanaman?" sabay naming sabi, Destiny talaga eh!
"Sorry." sabay ulet namin sabi.
"Ako si Lorenzo/Louisse" natawa kami pareho kasi sabay nanaman kami. Eto na yun!
"Okay ka lang ba talaga?" Okay nga lang ba ako? kung napapanganga ako sa ganda mo? "Huy! wag ka ngang tulala jan!"
"so-sorry! he he" yan lang nasabi ko.
"Alam mo ngayon'g araw pangatlong bes mo na yan sinasabi sakin haha" Ngumiti lang ako, "Tumayo ka na nga jan haha ano bang libro ang hinahanap mo?"
"Wala wala haha" Kung sasabihin ko, edi mukha naman akong tanga nun diba? Biruin mo hanapin ko ba naman yung "Libro ng mga Bobo" hays. Hindi na pala ako mukhang tanga kundi tanga na talaga.
"Eh bat ka nandito?" hindi pwedeng wag na syang magtanong? wala na kong masagot eh hays kailangan ko pa tuloy magpalusot.
"Wala palamig lang. he he" Aircon tong library kaya minsan nantambay din ako dito well, airconditioned naman lahat ng rooms dito pero mas malamig padin sa Library haha.
"Ah hahaha" sabi niya na parang nagtataka pero ang cute nya padin.
*criiiiiiing!!*
"Una nako ha? may klase pa eh haha Ingat ka! Tanga ka pa naman" With that, umalis na sya pero hindi ko narinig yung huli nyang sinabi haha
Ilang segundo bago ako makarecover grabe nakakatulala yung ganda nya kahit hindi pa sya magayos maganda parin sya. Ugh! Sana maging close kami.
"Shit! Nagbell na pala!" napatingin ako sa relos ko shit! late nako! Sana tanggapin pako. Naglakad akong papunta sa Room at swerte dahil tinanggap pa ako. Hooray!
--
Sofia Louisse's POV
I know you know me guys!
Ew ang girly ng intro ko haha boset! di ko alam pano to sisimulan haha lakas makatanga. Ge! Wala kayong pake!
Uwian na at hindi ko pa trip umuwi kaya tumambay muna akk sa gymnasium, katamad kasi talaga umuwi hahaha buti nalang nandito sila Chester para kalaruin ako ng basketball haha buti nalang may kalaro ako.
One of the boys ako, madalas nasasabihan ako ng malandi pero alam mo yun? masasanay ka nalang talaga eh. Walang katotohanan yung nga sinasabi nila sakin pero nakakasakit padin ng damdamin, Oo kahit hindi totoo masakit lalo na kung yung taong hindi mo inaasahan ang nakapagsabi nun. Kwento ko sainyo kapag sinipag ako, sa ngayon, tinatamad ako.
"Lou! Bola!" sigaw ni Ian. sabay bato sakin ng bola. Sinambot ko ito tapos Lay-up! Shooot!
"Apir! Galing talaga ng baby ko." Umakbay sakin si Ian. Pota baby daw? Sinuntok ko sa tyan si Ian para makalayo sakin, nakakadiri kasi.
"Hoy tay! mandiri ka naman po no? Uwi na ho ako tay! Salamat po sa laro!" Pangasar na sabi ko sakanya.
"Kingina HAHAHAHAHHAHA!" sabi ni Chester jusko anong nakakatawa? boset to sya.
Yes, ganyan kami sa tropa. Murahan ng murahan pero kingina korny man pakinggan pero nagmamahalan din naman kami. Prinoprotektahan namin ang Isa't isa at kaya namin ipagpalit ang lahat para sa isang myembro namin.
28 kami sa grupo at tinatawag kami "ANEN" kung bakit Anen? Eh malalaman nyo soon haha. 28 kami pero never kaming nabuo, pinakamadaming attendance namin ay 21/28 hahaha boset. May 17 na babae sa grupo at tapos puro lalaki na. Masaya talaga ang grupo lalo na't nandyan si Kinnito o si Macmac juskels laughtrip.
Kami ata yung grupo na hindi kailangan punahin ang mali sa ibang tao para sumaya, may ganun kasing tropahan.
Masaya sobrang saya kapag kasama sila, nakakalungkot lang isipin na mababawasan kami.
"Hoy Lou! Ano bang trip mo?" tumingin ako sakanya, weirdlook ang expression na binigay ko aba! "Nakatulala ka jan, pangiti ngiti pa!"
"HAHAHAHAHAHAHAHHAHAHA" walang ginawa si Chester kundi Tumawa tapos gumaya din tuloy si Ian. Ugh!
"Kinginanyo! Umuwi na tayo mga gago!" iritang iritang sabi ko sakanila mga boset to sila eh. Kinuha ko yung bag ko sa may bench at kumuha din ng twalya pamunas.
"INLOVE KABA? HAHAHAHAHAHAHAHHA" tanong ni Chester, Inlove?! Joke ba yun? "Kasi kung Oo, magpapamisa ako! HAHAHHAAHA"
"Leche oy!" Binato ko sya ng towel, kinginanto ang daming alam peste! "Dami mong alam! punyeta! Uwii!"
"Tara na ngapikon kana eh" sabi ni Chester, letse peste! kinuha nila yung bag nila at sabay silang umalis na, buti naman at matatahimik na mundo ko hays.
Kapag labas ko ng gate nakita ko yung lalaking nakita ko sa Library, at nagiisa? anong ginagawa nun dito eh kanina pa ang uwian? Hayaan na natin, Wala akong pake sakanya.
Nilagpasan ko yung lalaking nakita ko sa Library pero nagulat ako nang bigla nya kong hinabol.
"Uhm-Ahh--Ma-may--Ano" Sabi sakin nung lalaki, habang hawak ako sa braso. Inalis ko yun at tinignan ko lang sya, anong problema nito?
"Ano?" maaangas na sabi ni Ian. Bumalik pala sila hayy! Buti naman!
"Problema mo brad?" Nilapitan ni Chester yung lalaki at mukhang natakot.
"Wa-wala po. S-sige po!" sabi nung lalaki at tumalikod na tapos kumaripas ng takbo. Bigla namang tumawa si Ian at si Chester, yung tawang halakhak talaga, hindi ko napigilan nakitawa nadin ako. Laughtrip din kasi.
Tinignan ko ang relo ko, "Shit! Mag-6 na boy!"
"Hatid ka na namin para hindi ka pagalitan ni Tito. Kami bahala sayo" sabi nila. Oo kilala sila ng tatay ko at sobrang laki ng tiwala ng tatay ko sakanila haha bawal akong umuwi mg 6 pass kung hindi ko sila kasama pero kapag kasama ko sila, Ayos lang kahit hanggang 12 hahaha wow diba?
Inuwi na nila ko, hindi ako pinagalitan kasi nga kasama ko sila. Galing no? hays. Natulog na ko, kasi wala lang napagod ako sa kakalaro haha.
BINABASA MO ANG
Aking Tangang Pagibig
Teen FictionHindi lahat nakakaswerte sa pagibig, may makakahanap ng pang-lifetime at merong hanggang short time lang. Eh pano naman kameng single at NBSB? kailan kame makakahanap ng samin.