Chapter One
Miguel Anzel's POV
"ARAY KO NAMAN" sigaw ng nakabangga kong lalaki. Hindi ko sya napansin, may nakita kasi akong magandang babaeng nagbabasketball. Pero bakit ngayon ko lang to nakita? Maganda sya kaya dapat sikat sya at pinaguusapan na dito sa school.
"ANO BA?" sigaw sakin nung babaeng naapakan ko nung umatras ako para pumunta sa room. "So-sorry" shet wala ako sa sarili ano ba to?
"Aray ko." sabi saken nung babaeng nakabangga ko, sa inlove naba ako agad? eh first time ko lang sya nakita eh.
Nakita kong nagpupulot ng gamit yung babaeng nabangga ko kaya tinulungan ko sya. "Sorry ha? Di ko sinasadya." sabi ko sakanya pero hindi nya ko sinagot.
Nang matapos ako sa pagpupulot tatayo na sana ako pero nagulat ako. Is this destiny? Or something? Sya sya yung crush kong nagbabasketball. Ang ganda ganda nya! Tumingin ako sa baba, baka may naiwan pa at swerte may naiwan pang notebook kaya naman kinuha ko ito. Napatingin ako sa may bandang bewang nya at boom! Sofia Louise Bautista, 4th year- Section 2 nakita ko ID nya. hahahahahaha hindi ko na kailangan maging stalker.
Iaabot ko na sana sakanya yung mga gamit nya pero inabot nya ito saken. "Iyo yan, Tanga."
Ang sweet naman sya yung gumawa ng first move na makausap ako. nakakakilig naman! Sana lahat ng babae katulad nya.
Matapos ang bunguan, nagpunta nako sa room. hayy Last Section ako,as always. Kailan kaya tataas section ko? Hay hindi na nga daw ako pogi hindi pako matalino. Ano ba naman to? Pinagkaitan ba ko? Pano nalang matuturn on sakin si So-so-ano yun? basta si Louise. Wala pa nga nalulungkot nako.
"LORENZO!" nagulat ako ng sigawan ako ng adviser namen.
"Ano po yun Ma'am? May Emergency po ba? Hala! Takbo na tayo!"
"TANGA!" sigaw sakin ng teacher ko.
Tanga, yan na ata ang tawag sakin. Yan na ata yung signature ko. Ewan ko, pero tama naman yung mga sinasabi ko eh pero sawang sawa nako sa sinasabihan nila ako ng 'Tanga' o 'Stupid' wala eh. hayy
"Sinong tanga po? Wala naman pong tanga dito." kunware hindi ko alam.
"IKAW!" sabi sabay turo sakin ng teacher ko.
"Ako?" tanong ko habang tinuturo ang sarili ko.
"OO IKAW! LABAS!" galit na galit na dinuduro ako.
"Ayoko po."
"Pinapasakit mo ulo ko!"
"Hindi naman po eh."
Pinapasakit? Eh wala naman akong ginagawa eh. Kung pukpokin ko kaya yung ulo ng teacher ko, para magkatotoo yung sinasabi nyang pinapasakit ko yung ulo nya. hay nako! mga teacher talaga.
Anyway,guys! ako si Miguel Anzel Lorenzo. 4th year- Section 26. hay kanino ba ko nakikipagkilala? Imagination ko nanaman hayyy. Hindi ako pogi, hindi daw kaide-ideal. pero okay lang, masaya naman ako. Kahit pano. Kahit anong saya ko naman kasi parang laging may kulang. Hindi ko maexplain kung ano pero basta may kulang.
Ako nga pala yung taong walang kaibigan, ayaw nila sakin eh edi wag.Hindi ako pinalaki ng magulang ko para ipagsiksikan sarili ko sa mga taong ayaw sakin. haha tska sanay naman akong mag-isa. Nagiisang anak lang naman ako tapos wala nakong nanay.Saya diba?
Nagsimula na yung klase pero kahit na anong kinig ko eh wala padin npasok sa utak ko. Sakit sa likod.hay hayaan mo nga kunware nakikinig nalang ako hanggang sa matapos ang klase nakatulala lang ako sa blackboard.
"Yes! Breaktime na." sabi nung katabi ko. hay buti naman nga no? Makakalabas nako.
Dumaretso ako sa tambayan ko. Likod ng Gymnasium, walang tao dun at mula dun kita mo ang soccer field. Sobrang tahimik, peaceful walang problema. hayyyy! ang sayaaaaaaa
BINABASA MO ANG
Aking Tangang Pagibig
Novela JuvenilHindi lahat nakakaswerte sa pagibig, may makakahanap ng pang-lifetime at merong hanggang short time lang. Eh pano naman kameng single at NBSB? kailan kame makakahanap ng samin.