I looked around Weizen Fine Dining, para hanapin 'yung ka-blind date ko na ang code name is Liam. Nakakainis naman kasi, alam kong medyo jowang jowa ako ng beri layt, pero hindi naman ibig sabihin nun ay iseset-up na nila ako sa blind date! Kailangan ko na yatang kaltukan sina Sai dahil binubugaw na yata ako.
Di pa nga ako nagsstart ng school dito dahil kababalik ko lang from China, tapos sinet up na agad nila ako sa blind date! Mga hangal!
I sighed, and then lumingon. Nang mapatingin ako sa isang lalaki na nakaupo sa may table for two ay agad akong lumapit. Baka siya yun. Kasi lahat ng nakita ko na nandito is may kasama na o kaharap.
So, kahit nahihiya dahil ang gwapo niya, tapos nakatingin pa siya sa malayo, kinapalan ko nalang ang mukha ko at saka naupo sa harapan niya.
"Uhm, from the blind date?" Tanong ko, tapos ay napatingin naman siya sa akin at saka tumango with matching ngiti pa.
Lord. Ang gwapo. Pagpapala mo po ba sa akin 'to?
"Yeah. So, what do you wanna eat? Let's order first," sabi niya, and I almost melted.
Ang ganda rin ng boses. Pinagpapala talaga yata ako. Thank you, Sai, thank you, Lord!
He called a waiter, at pinuntahan naman kami. We were given menus, tapos ay namili na kami.
"I'll have this," turo ko dun sa isang dish, and then he nodded saka nag-order ng dalawang ganun.
Nang makaalis na 'yung waiter ay hinarap ulit ako ni 'Liam' so I smiled at him.
"So, anong year mo na pala nyan? We look like we're the same age," sabi niya sa akin, kaya I smiled at him bago sumagot.
"3rd. Ikaw ba?" I answered, and he smiled.
"3rd. You're from...?" He said, and I raised my brows. "Country. You look foreign, eh,"
"Oh, China. From China," sagot ko, tapos ay parang nanliwanag ang mga mata niya.
"Hala, ako rin! Nice. Uhm, magkakasundo pala talaga yata tayo. So, you like music?" He said, and I grinned before nodding.
"Of course. Although, I mostly listen to Chinese and Korean songs. Ikaw ba?" I replied, and he chuckled.
"Ako rin. Ako rin. Magkakasundo yata talaga tayo Leia-" sabi niya, kaya lang ay nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"O-Oh. I'm not 'Leia'. 'Lana' ang code name ko. Teka nga, are you 'Liam'?" Sabi ko, and then he chuckled before shaking his head. He facepalmed.
"Aish. I'm 'Kyle'." Sabi niya, and then I chuckled.
Shet, maling blind date.
"Uhm-"
Bigla naman, may babae na lumapit sa amin kaya parehas kami na napatingin sa kanya. She was pretty, ang ganda rin niya sa suot niya and her smile was entrancing. Nagulat lang ako sa sinabi niya.
"Hello, are you 'Kyle'?" Tanong niya sa lalaking nasa harapan ko, and then napatingin nalang ako sa kanya.
Medyo nalungkot ako. Ayan na 'yung totoong date niya. Ano ba 'yan. Lord naman, naligaw lang pala siya, hindi naman pala siya para sa akin.
"No, I'm 'Liam'," sagot niya, kaya naman ay nanlaki ang mga mata ko.
H-Hala? Hindi naman siya si-
Umalis na 'yung babae after na magsorry, kaya naman ay hinarap ko si 'Kyle'. Bakit siya nagsinungaling? Hala!
"Uy, h-hala, 'yun 'yung date mo, ah. Bakit ka nag-lie?" Sabi ko, and he smiled at me.
"Why wouldn't I? Nagkakasundo na nga tayo, eh. By the way, I'm Kun. You're?" Sabi niya, smiling at me and offering me his hand kaya naman ay nanlaki ang mga mata ko.
Kun... ang ganda ng name niya. It suits him. He's so handsome and he looks like a good guy.
"I'm Lana," sabi ko, and then he chuckled.
"I mean, your real name. Not the code you used and such," sabi niya, and I smiled.
"That's me. Lana. Name ko talaga 'yun," sagot ko naman.
We shook hands, tapos ay dumating na ang order namin. Habang kumakain rin ay nag-eenjoy lang kami. I was so sure that I was happy na siya ang nakasama ko ngayon. Sa totoo lang, he really seemed like a pretty chill guy. Sana magkita pa kami soon.
Dumating rin sa point na kailangan na naming umuwi, so we both waved goodbye to each other dahil magkikita pa kami ni Sai.
Nang makaalis na siya, nanlaki ang mata ko at saka gumuho ang mundo ko.
SHIT! HINDI KO NAKUHA 'YUNG NUMBER OR FACEBOOK ACCOUNT NIYA!
Ano ba 'yan, Lana?!
BINABASA MO ANG
blind date ♡ qian kun
Fanfiction[ nshitty series ] "shet, maling blind date," in which they were both set up in a blind date, but were not really each other's supposed dates. cover by @venleyy