Chapter 1: Meeting Each Other

37 1 0
                                    

Hi everyone! Ako pala si Tiffany. 4th year highschool na ako. 

Minsan talaga may mga pangyayari na hindi mo inaasahan. Parang ngayon, nangyayari ito sa akin. Sino ba naman ang mag-aakala na ang ex ng 2 kong kaibigan ang magiging crush ko ngayon. UNEXPECTED talaga. Ni hindi nga kami close. Nag-umpisa ito nung.......

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

2nd year ako. Transferee lang ako nun. May friend ako ang name niya ay Steph. Actually pwede ko na siyang ituring na bestfriend pero mas pasok siya sa category ko na CLOSE FRIEND. Super close kami. Nai-open na niya halos lahat sa akin at ganun din ako sa kanya. Kahit lovelife niya. 

Isang araw, intrams nung time na un, kasama ko si Steph. Palibot-libot kung saan-saan sa school. Palibasa weekend naman at gala lang ang pakay namin nung araw na un. Naalala niya bigla na may game ang bf niya. Ayaw niyang manood. So para makaalis kami, o para mainform ung bf niya pinuntahan namin siya sa venue nung game. Nakita namin ung bf niya nagwawarm-up para sa game. Badminton pala ung game niya.

"T.O.P di ako makakanood ng game mo. Next game na lang. Goodluck pala." Sabi ni Steph. 

"Akala ko ba manonood ka?" Sagot ni T.O.P. 

"Sorry talaga. May gala kasi kami ngayon. Promise sa next game manonood ako."

"Sige na nga."

"Nga pala, eto si Tiffany. Classmate ko."

Nung time na un, napangiti lang ako sa kanya. Anong sasabihin ko e nun ko lang siya nameet. Actually wala lang sa akin. Stranger lang kami sa isa't-isa. Ngumiti din siya sa akin. 

"T.O.P aalis na kami. Bye!"

"Sige. Bye."

After nung meeting namin wala nang sumunod. Wala akong feelings para sa kanya nung mga panahon na un. So para sa akin batchmate ko siya, bf ni Steph and nothing more. Si T.O.P nasasalubong ko lang sa school. Walang Hi or Hello which is fine for me. Di naman kami friends. After a year may nangyaring expected ko na but unexpected ung way kung pano nangyari......

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

nagbreak sina T.O.P at Steph. 3rd year kami nun. Halos Kakaumpisa lang nang schoolyear nun. Nakipagbreak si T.O.P kay Steph. Bilang kaibigan ni Steph, affected ako para sa kanya pero naiintindihan ko kung bakit nagawa ni T.O.P un. May kasalanan din kasi si Steph at un ang naging dahilan ng break-up nila. Expected ko na magbre-break sila pero hindi ko inaasahan ung way pano sila nagbreak. 

Dismissal time nun. Nakita ko si Steph na  umiiyak. Kasama niya nun ung tropa niya. OO. CLOSE kami ni Steph pero hindi kami parehas ng tropa. Popular creature siya. Same sa tropa niya. Nalaman ko na lang na break na sila. Nung time na un kahit na close kami ni Steph hindi na ako nange-elam.

Pero kahit after nung break-up minsan nagkwekwento si Steph na love pa din niya si T.O.P pero wala na talaga. Sa mga times na nagkwekwento siya, advice lang ang kaya kong ibigay. Advices na alam kong hindi ganung kauseful kasi wala akong personal experience. NBSB ako. OO. NO BOYFRIEND SINCE BIRTH. Proud ako dun. Lahat ng advices about love ay binabase ko lang sa mga napapanood ko at nababasa ko.

Nun ding 3rd year ako, naka"MOVE ON" si T.O.P Nasabi ko lang na nakamove on na siya dahil

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

may bago na siyang gf. Friend ko din ung gf niya na un. Siya si Nana. Hindi kame close tulad nung kay Steph pero ung level ng friendship namin ay nasa sharing at caring stage. Lagi siyang nagsha-share sa akin. I care for her like my own sister pero not so deep naman. I supported their relationship. Wala pa din akong feelings. 

Isang beses, nasa corridor kami ni Nana kasama ang iba naming friends. Napadaan si T.O.P. Nag-usap sila. Siyempre hindi kami nakinig pero inaasar namin sila. Puro yie~~~!!! ang maririnig. Supportive friends kasi. Haha. After nilang mag-usap, pinakilala kami ni Nana kay T.O.P. 

blah.

blah.

blah. 

*Di ko na matandaan ung mga sinabi ni Nana*

"At eto pala si Tiffany." pagtatapos ni Nana sa introduction speech niya. Haha. 

Ngumiti lang si T.O.P sa amin at nagpaalam na din kay Nana. 

After nung meetin na un, stangers pa din kami. Wala lang. Nasasalubong ko siya. Wala lang. 

Pero lahat na wala lang ay nag-iba nung 4th year na. Ewan ko. Pero dahil na din sa friend ko na si Joyce na minsan nagkwekwento tungkol sa kanya, ung Stranger mode sa akin napalitan ng Curious mode. Si T.O.P at Joyce ay close friends. Badminton buddies din. Magclassmate sila nung gradeschool. May mga naririnig na akong kwento tungkol kay T.O.P at hindi un maiiwasan. Isa si T.O.P sa mga Popular creatures sa school. 

What are we?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon