Anna!!! Halika nga dito na bata ka. Tawag ng lola niya habang hindi ito magkanda ugaga sa dala dala nitong mga pinamili, galing kasi ito ng palengke. Samantala ng sandaling iyon siya naman ay nasa kusina at nililinis ang kalderong sinaingan niya dahil nasunog na naman ang sinaing niya.
"La, sandali lang ho. Sagot niyang dali daling niligpit ang mga bakas sa kapalkan na naman niya.
"Abah ako'y may naamoy na sunog na kanin, kow eh ikaw na bata ka sinunog mo na naman ang sinaing. Sita nito sa kanya at pinandilatan siya ng mga mata.
"P-pasensya na la,nag rereview po kasi ako. Alanganing ngiting hingi niya ng paumanhin sa matanda.
"Hayyy ano pa nga ba ang magagawa ko. Oh siya tulungan mo akong ligpitin itong mga pinamili ko para yan sa paninda ko bukas. Saad ng lola niya.
Her name is Joanna Santos o Anna sa karamihan, siya ay 24 taong gulang na pero estudyante pa rin dahil self supporting lang naman siya at kinailangan niyang mag ipon bago makabalik sa pag aaral. Kumuha siya ng two years vocational sa computer at ngayon ngang buwan ay magtatapos na siya. Kaya naman busyng busy na siya sa pag aaral kaya ang isinaing niyang kanin ay nakalimutan na din niyang patayin ang apoy. Madalas naman talaga siyang pumapalpak kaya madalas tampulan siya ng pang aalaska o ng sermon sa mga pinapasukan niyang part time. Ewan ba niya kung bakit hindi naman niya talaga sasadyaing magkamali subalit minsan o madalas nakakalimot talaga siya at iyon madalas ang sanhi ng kapalpakan niya, pero ang lola niya ay nasanay na din sa pagiging clumsy niya kaya napapailing na lang din ito minsan.
Ang lola niya ang tanging kasama niya sa bahay ito ang tumayong magulang niya simula pa lamang ng bata siya, she was barely 3 years old when her mother left at ang lola na niya ang nagpalaki sa kanya. Madalas niyang itanong dito noon kung nasan ba ang mga magulang niya pero walang masabing lugar ang lola niya at sinasabihan na lang siyang wag nang hanapin ang mga ito sapagkat andun naman daw ito at mahal na mahal siya.
She loved her grandmother so much at lahat ng ginagawa niya ay para dito.
Isa isa niyang tinanggal sa supot ang mga pinamili nito.
Ang mahal niyang lola ay tindera ng ulam at miryenda sa kanto malapit sa eskwelahan ng elementary sa kanilang baranggay at dahil mabilis maubos ang paninda nito kaya madalas maaga itong umuuwi, alas kwatro ng hapon ito natatapos at diretso ito sa palengke para bumuli ng iluluto nitong ulam kinabukasan para sa tinda nito. Madalas ay katulong siya nito sa paghahanda at pagdala ng tinda nito sa maliit na pwestong nirerentahan nito,
65 anyos na ang lola niya subalit napakalakas pa rin nito at maliksi pa ring kumilos."Oh apo, eto idagdag mo sa pang matrikula mo. Tugon nito sabay abot ng perang papel na nakatupi pa.
"Wag na la, kasi nakabayad na ako. Di ba sumahod ako sa part time ko nung isang araw yun na ang binayad ko. Itago nyo na lang yan para sa iniinom nyong maintenance.
Nakangiti niyang turan dito at saka nilapitan ito at niyakap mula sa likod."Naku, ayos lang naman ako apo. Ayaw kasi kitang nahihirapan, gusto ko makatapos ka. Para kapag nawala na ako'y hindi maging kaawa awa ang kalagayan mo. Tugon pa nitong bahagyang gumaralgal ang tinig.
And that made her cry. Ayaw na ayaw niyang nagbabanggit ito ng ganung bagay."Lola naman eh. Wag mo ngang sabihin yan, mahaba pa ang magiging buhay mo at dadalhin pa kita sa ibang bansa diba. Naiiyak niyang pangontra sa matanda.
Pagdating sa lola niya mahina siya ito kasi ang kaisa isang taong umiintindi sa kanya at laging nakasuporta sa lahat ng bagay na gawin niya.She was the most bullied student before back in highschool days at lagi na ay umuuwi siyang umiiyak dahil sa kagagawan ng mga kaklase niyang hindi ata mabubuo ang araw kung hindi nang aasar. But her lola always tell her na pabayaan at wag pansinin ang kahit anong sasabihin ng iba dahil siya daw mismo ang mas nakakakilala sa sarili niya at kailangan maging matibay daw ang loob niya para sa hamon ng buhay. Kaya naman yun ang lagi niyang isinasapuso sa tuwing may mga taong pilit siyang hinihila pababa.
"Apo, matanda na ako at konti na lang ang ilalagi ko dito sa mundo kaya dapat ay maging matatag ka. Tugon pa nito at pinisil ang kamay niya.
"Ah basta la, ang pangarap ko ay bigyan ka ng maginhawang buhay kaya nga nagsisikap po akong makatapos. Nakangiting turan niya dito at tinulungan na itong magligpit ng mga pinamili nito.
San Francisco, California
Dan Thompson is the epitome of perfection halos nasa kanya na nga daw ang lahat pero inspite of all those things, Dan is living an imperfect life because of the past that until now is still haunting him.
The past that make his life miserable.He was at his room at nilalaro sa kamay ang isang maliit na bolang kupas na kupas na at ginawa niyang key chain. Lagi niya iyong dala sa kahit saan siya pumunta because that was the only thing that she left for him.
Si Issa ang babaeng una at huli na ata niyang mamahalin...
It's been 8 years since she died into an accident na kinasangkutan nila pareho, his car crashed because of his drunk driving, nakaligtas siya but Issa died and from then on he blame himself for what happened to her kung hindi sana siya uminom noon hindi sana sila nito maaksidente.
Issa is a very timid girl back in their high school days, she was always being bullied because of her looks, hindi kasi ito marunong mag ayos at lagi ay nakasuot ng salamin sa mata.
Issa's mom and dad are Filipinos na nag migrate sa California at naging kaibigan ng mommy niya ang mga magulang nito dahil pareho ng church ang mga ito. From then on lagi na silang nagkikita nito.
He hated her at first because of her being weirdo but things changed when he gets to know her better. Issa is the most patient and sweet girl he'd ever met. Inspite of him being bad to her most of the times, lagi niya itong inaasar at pinipikon but she remained kind and always had a positive attitude that makes him fall in love with her as the years passed by. College na sila noon nung makaramdam siya ng paghanga dito, Issa already changed her image from being nerd into becoming a very beautiful woman at pati character nito ay nagbago coz she became more mature and responsible as she grows older. Naging sila nito nung nasa third year college na ito at siya naman ay isa ng professional NBA player, but he finished his Architectural course and also passes the board exam for Architects. His mom was a Filipina and a nurse while his dad is American businessman.
Naging magkasintahan sila ni Issa for two years but they always fight because of her being jealous to his fans in basketball, but he would always tell her na hindi ito dapat magselos dahil ito lang ang mahal niya.
That key chain na hawak niya ay bigay nito noong una silang magkakilala they were barely teens back then at itinago niya iyon bilang alala para sa babae. She gave that to him dahil alam nitong he loves to play basketball even before when he was still young.
"Dan, can you open the door? His mom outside his room knocking. Biglang bumalik sa realidad ang isip nya ng marinig ang inang kumakatok.
Dali dali niyang itinago ang hawak na key chain and went to the door to open it.
"What? Mom. He asked her na nakakunot noo. It was sunday morning at wala siyang pasok sa office. He has a small company now kasosyo niya ang isa niyang kaibigan at dahil abala din siya sa paglalaro ng basketball ay ito ang namamahala sa negosyo nila.
"You're friend Jigs keeps on calling you. You need to call him back. Isn't it that you're planning to go home in Manila next week? His mom asked him.
"Oh yeah mom. We are having a charity support and I told Jigs about it and he offered to stay in their hotel.
Sagot niya at saka tumayo para lumabas na to have some breakfast.*to be continued*
Subay bayan nyo po ang love story nila Dan at Anna.. happy reading😊❤

BINABASA MO ANG
Miss clumsy meets, Mr. Arrogant (Basketball Heartthrob book2) Completed
RomanceDan Thompson is the epitome of perfection, he is good-looking, rich, famous and a playboy. Si Joanna naman ay isang napaka clumsy na babae, laging palpak at laging nagkakamali. She was always bullied because of her clumsiness. Until they met for th...