Chapter Two

6.9K 124 5
                                    

"Miss Santos, pasok ka na ikaw na ang next for the interview. Turan ng staff sa HR office ng D'Z Hotels.

Nag apply kasi siya doon bilang isang chamber maid at ngayon nga ang interview niya at sobrang kinakabahan siya dahil ito ang magiging una niyang full time job at sa malaking hotel pa.

Nakagraduate na siya noong nakaraang buwan sa kursong vocational and she immediately decided to applied for a job para na rin makatulong sa lola niya.

Kung maari lang kasi sana ay ayaw na niya itong pagtrabahuin pero ang katwiran naman nito lagi ay magkakasakit daw ito pag walang ginagawa. Kaya naman hinayaan na lamang muna niya ito at nagpursige na lang maghanap ng trabaho para kahit paano ay makatulong sa mga gastusin nila.

"So Miss Santos, base on your resume you just graduated Computer Associate. But why you choose to work here instead of applying in computer related job?
Tanong agad ng interviewer niya at dahil hindi siya agad nakapaghanda ng isasagot medyo na freeze muna siya.

"Ahm well mam I think hindi naman po magiging problema ang tinapos ko sa magiging trabaho ko dito, kasi mam willing po akong gawin lahat ng bagay na iutos niyo at masipag po ako mam at madaling matuto. Sagot niya dito at kinakabahang tumingin sa babae.

"Well you're right. It's not really matter and as I can see base dito sa nababasa ko ay masipag ka naman dahil marami kang naging part time jobs, so I guess you're hired. Nakangiti nitong tugon na sobrang ikinatuwa niya at ngali ngali niyang yakapin ang babae mukha naman kasi itong mabait.

"Talaga po.? Naku mam maraming maraming salamat po, promise po pagbubutuhan ko ang trabaho ko dito. Nakangiting pasasalamat niya sa babaeng nag interview sa kanya.

Pag uwi niya ibinalita niya agad sa lola niyang natanggap siya sa inaplyan pero pagdating niya ay may ibang tao siyang nadatnan sa bahay nila.

"La,? Sino sila? Bungad na tanong niya pag kakita sa kausap nitong babae at may kasama itong matandang amerikano.

"Apo, halika andito ang nanay mo. Sagot ng lola niya na ikinagulat niya ng sobra.

Pinakatitigan niya ang sinasabi ng lola niyang nanay daw niya. She could see their resemblance although halata na din na may edad na ito but still she looks pretty.

Ang sabi ng lola niya nakuha daw niya ang mala mestisa niyang kutis sa ama niya dahil ayon dito ay isang koreano daw ang tatay niya  nakilala daw ito ng nanay niya sa pinagttrabahuang bar dati.

Isang entertainer ang nanay niya base sa kwento noon ng lola niya kaya kung sino sino daw ang nakikilala nitong lalaki at ang ama niya ang isa rito. Nang mabuntis daw ang nanay niya ay agad namang bumalik na sa korea ang ama niya kaya nang mag tatlong taong gulang siya ay iniwan na siya ng ina para daw magtrabaho sa ibang bansa.

At magmula nga noon ay wala nang naging balita ang lola niya sa ina niya at ni ha ni ho ay wala na din itong paramadam sa kanila and now bigla itong susulpot after 21 years.?.

"A-anak? Ang laki mo na pala. Naluluha nitong turan at saka siya nilapitan para sana yakapin pero umiwas siya dito.

She was not yet ready to face her. Paano niya haharapin ang isang taong hindi naman niya kinagisnan.? Lumaki siyang wala ito at ang tanging naroon ay ang lola niya. Ni hindi niya alam ang itsura nito noon.

"La, magpapahinga na po ako napagod po kasi ako sa interview. Baling niya sa lola niya at saka iniwan na ang mga ito sa munti nilang sala.

Namumuhi siya sa sarili niyang magulang dahil basta na lamang siya inabandona ng mga ito at mula pagkabata lagi siyang tinutukso ng mga kalaro niya na wala daw siyang magulang. Bilang bata dinibdib niya iyon hanggang sa lumaki siya, kaya naman namuhay sa dibdib niya ang galit sa mga ito.

Kinabukasan hindi na niya nabungaran ang mga bisita.

"Apo kain na. Ngayon ka na ba mag uumpisa sa trabaho mo? Tanong ng lola niya ng makalabas siya ng silid na nakabihis na. Unang araw niya sa hotel ngayon.

"Opo la. Sagot niyang umupo na din at kumain ng pandesal na isinawsaw sa mainit na kape.

"Nag check in sa hotel ang nanay mo at ang asawa niyang kano apo. At sinabi niyang babalik daw siya para kausapin ka. G-gusto kang isama ng nanay mo sa Amerika apo. Saad ng lola niya na nakaharap sa kanya at inaarok ang magiging reaction niya.

"Hindi ho ako sasama la. Diretsong sagot niya sa matanda at mababanaag sa mukha ang pagkasuklam sa ina.

"Mas maigi siguro apo na subukan mong makasama ang nanay mo. Tulad ng madalas kong sabihin sayo matanda na ako at ayaw kong iwan kang mag isa.
Nanay mo pa rin si Lucila apo kahit pagbali baliktarin mo man ang mundo.
Litanya pa nito na lalong nagpasidhi sa kinikimkim niyang sama ng loob.

"La, dalawamput isang taon ko siyang hindi nakita. At ni hindi ko siya kilala sa mukha tapos ngayon bigla siyang susulpot at sasabihing gusto akong makasama? Ano siya parang nag iwan lang ng alagang hayop na kung kelan niya gustong balikan ay babalikan niya?! Dire diretso niyang turan sa nanggagalaiting tinig.

"Naiintindihan kita apo, pero kailangan mong magpatawad. Ang sabi niya kaya daw hindi na siya nakabalik agad ay dahil nagkaroon siya ng problema sa amo niya sa singapore noon na siyang naging dahilan kaya matagal na panahon siyang hindi kumontak sa atin.
Ngayon ay nasa America na ang nanay mo dahil pinakasalan siya ng kanong nakilala at tumulong sa kanya noon sa Singapore. Mahabang kwento ng lola ni Anna.

Subalit mistulang sarado na ang isip niya sa kahit anong sabihin nito para pagtakpan ang ginawa ng ina.

"Papasok na ho ako la. Saka na po tayo mag usap.
Tugon niya sabay tayo at diretso na siyang lumabas ng bahay na mabigat ang loob.

Naging maayos naman ang unang araw niya sa trabaho although hindi talaga maiiwasang magkamali siya dahil first time naman niyang maging isang chamber maid. Mahirap at kailangan ng physical strength ang trabahong pinasok niya subalit pag iniisip niyang mas kailangan niyang magpursige para sa kanilang dalawa ng lola niya ay lumalakas ang loob niya.

Pag uwi ng bahay nadatnan niya ulit ang ina doon pero hindi na nito kasama ang asawa nitong kano.

At dahil na rin sa pakiusap ng lola niya kaya hinarap na lang niya ito.

Nagkwento ito ng tungkol sa naging buhay nito sa Singapore at tulad nga ng nakwento na din ng lola niya ay nagkaroon ito ng problema sa amo nito noon at naging TNT ito sa matagal na panahon hanggang makilala ang asawa nito ngayon.

"Patawarin mo ako anak. Sa lahat ng mga panahong wala ako sa tabi mo habang lumalaki ka. Pero alam  ng diyos na hindi ka nawala sa isip ko, kayo ni nanay. Sana makapag simula tayo ulit anak. Madamdaming saad nitong ginagap ang palad niya pero agad niya itong binawi.

She's not yet ready to forgive her, not this time malalim kasi ang sugat na nilikha nito.

"Hindi ko pa po masasabi na agad agad mawawala ang galit ko sa inyo. Hayaan nyo po muna ako. Sagot niya dito saka tumayo na at nagpaalam dito at sa lola niya saka pumasok na sa kwarto at doon nag iiyak.

After a week ay bumalik na ang nanay at ang asawa nito sa U.S nangako itong lagi silang kokontakin at pag handa na daw siya ay agad daw nitong ipoproceso ang papers nya para makasunod at makapagtrabaho doon but she refuse and told her na ayaw niyang iwan ang lola niya doon na mag isa.

After a month

Isang buwan na siya sa D'Z Hotels at nasasanay na siya sa trabaho doon until one day.
Bigla siyang ipinatawag dahil may nag complain daw na guest sa kanya.

"Puntahan mo ang kwarto ni Mr. Thompson diba ikaw ang naglinis doon kahapon.? He's complaining dahil may nawawala daw siyang gamit at ipinatatawag ka.
Salubong agad ng head niya sa department nilang mga chamber maids.
"P-po ano hong bagay ang nawawala ng guest mam? Kinakabahang tanong niya dito.

"Aba malay ko, kaya nga puntahan mo siya ngayon na bago pa makarating sa may ari ng hotel. Mataray na tugon ni Miss Magene ang head nila.

Agad agad siyang nagtungo sa kwarto ng guest na tinutukoy nito at pagbukas pa lang nito ng pinto ay para nang dragon ang lalaki that anytime from now ay bubugaan siya ng apoy.

*to be continued*

I dedicate this story sa lahat ng ofw all over the world, para sa ating lahat po ang kwentong ito. 😊❤

Miss clumsy meets, Mr. Arrogant (Basketball Heartthrob book2) Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon