Fiera's Point of View
"Ugh, Honey I'm getting bored. I wanna have some fun" sabi ko kay Zeus. Ang kasintahan ko sa loob ng dalwang taon. He's the one who found me when I was in the hospital.
"And where do you want to go, honey?" Tanong niya sa'kin. To be honest, I really don't know. But still, I want to go out!! Yeah ganyan ako. Lately I always want to go out, but that is not really the reason. Well it's because ginugulo ako ng mga dati kong alaala. I mean wala pa 'kong naaalala, pero para kasing may mga shadows na nagpe-play sa utak ko eh. And ayaw kong i-stress-in ang sarili ko dun dahil pakiramdam ko ay hindi masyadong maganda ang mga memorya ko noon. Pakiramdam ko ay hindi masyadong maganda ang nakaraan ko----
"Hey, Honey are you okay? May problema ba?" Putol ni Zeus sa pag iisip ko kasabay ng pagwagayway niya ng kamay sa harapan ko.
"Ah no. May naisip lang ako kung san tayo pwedeng pumunta since I'm bored" Sabi ko ng nakatingin diretso sa mga mata niya. I know him. Ayaw niya sa lahat ay ang magsisinungaling ako sa kanya. Kaya sinanay ko ang sarili kong tumingin ng diretso sa mata niya upang hindi niya makita na nagsisinungaling lang ako.
"I know you're not. Alam kong hindi iyon ang dahilan ng pagka tulala mo. I'm correct right?" Panghuhuli niya sa'kin. Hindi yata talaga ako makakapag sinungaling sa taong 'to.
"Okay fine. You got me on that one. Again." Pag amin ko.
"I know so tell me, what's bothering my baby?" Tanong niya sa'kin. He look worried I hate it when he feels like that.
"May bumabalik nang mga memorya sa utak ko. I mean hindi pa naman siya buo, parang mga shadows pa lang and ayaw kong ma-stress nang dahil don. Especially when I have a feeling that they are not that good. That's why I always say I'm bored and that I want to go out." Napabuntong hininga na lang ako pagtapos. Sana lang hindi ganon kalala ang reaksyon niya. Narinig ko din ang buntong hininga niya bago siya sumagot.
"Do you really want to know your past? Since they're slowly going back, I guess, you would want to know your past" Sabi niya. Noon kasi, tuwing gugustuhin ko man siyang tanungin tungkol sa nakaraan ko, pinapangunahan ako ng takot. Na baka hindi pala ako masaya sa nakaraan ko at ayaw kong dumating sa puntong hindi na'ko makakatulog sa kakaisip ng mga pangyayari sa buhay ko noon. At hanggang ngayon naman ay natatakot ako.
"What do you mean by they? Who are they?" Tanong ko. Para kasing iba ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya eh. Or maybe I'm just being paranoid because of these shadows that keeps replaying on my mind.
"Your memories. That's what I mean by they." Sagot niya. "Come on, get up. Diba sabi mo gusto mong lumabas? Then we'll do it. Since I think you're not still ready on knowing your past." Pagpapagaan niya sa kalooban ko. Mukhang ramdam niyang hindi ko pa rin gustong pinag uusapan ang nakaraan ko. Mula pa naman noon eh.
"Hmm sige. Thank you very much, honey. Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko kung wala ka sa tabi ko." Yeah that's true. I don't know who and where am I now if it wasn't him who found me in the hospital 2 years ago.
"So am I, honey. I can't imagine myself being this happy without you by my side. And don't worry because I won't leave your side no matter what. That's one of the promises that I've made right? That I will be here for you even if you leave?" Hindi ko na kaya. Iba talaga ang epekto ng lalaking ito sa'kin. Gusto ko ng gumulong sa kilig pababa ng hagdan, dahil kahit di ko man nakikita, ramdam ko sa pag iinit ng pisngi at tenga ko na namumula ako. Tinago ko na lang ang kilig ko sa pamamagitan ng pagtawa.
"Oh come on stop that flowery mouth of yours or else I'll cut your tounge HAHA" I didn't mean to be that psychotic, but I don't know, sometimes ganon talaga ang mga bagay na lumalabas sa bibig ko. And buti na lang talaga hindi natatakot si Zeus sa mga pinag sasasabi ko. Kung minsan nga ay sinasakyan niya pa.
~~END~~
I'm so sorry kung maikli lang po ang chap 1 at 700 words lang. Sabaw po kasi talaga yung brain cells ko right now. So pagpasensyahan na pooooo.
LABYUU READERS❤❤💖💖

BINABASA MO ANG
Memories of Yesterday
RomanceWhat will you do if you'll wake up without any memories? Will you ask yourself what happened? Or when will they comeback? Because Fiera doesn't know what to do. Especially when she woke up with a guy who looked very familiar, yet very mysterious. An...