Sorry
I checked my phone once again para makasigurado na nasa tamang floor ako at tamang building, nung makumpirma ko na tama nga ang napuntahan ko ay agad akong pumasok sa loob ng room. Hinanap agad ng mata ko ang pinaka-dulong upuan at nung makita kong walang tao ay agad akong nagtungo doon.
May mangilan-ngilan ng mga estudyante sa loob ngunit may kanya kanya namang mga mundo kaya sa tingin ko ay walang nakapansin na pumasok ako tutal sa back door naman ako dumaan.
Ilang minuto ang lumipas at napuno na rin ang classroom kasabay niyon ay ang pagdating ng aming prof. Nagpakilala muna kami isa-isa dahil first day of school pa lang naman, pagkatapos ay dinismiss naman kami agad.
"Ang dami nating bagong mga kaklase"
"Oo nga yung iba hindi ko naman nakikita dito sa University noon"
Narinig kong bulungan ng dalawa kong kaklase na hindi ko matandaan ang mga pangalan. Bakit ba ang tagal nilang maglakad, hindi ba nila naisip na may mga taong naglalakad sa likod nila.
Lumiko na yung dalawa para bumaba ng hagdan, ako naman ay dumiretso papunta ng CR. Nasaan na ba iyon?
Sobrang abala at ingay ngayon sa buong campus halatang mong unang araw pa lang ng pasukan dahil ang ilang mga estudyante ay nagtitilian at nagbabatian tuwing makikita ang mga kaibigan nila. Sobrang daming tao at hindi ako natutuwa sa ganitong eksena.
Naghuhugas ako ng kamay nung biglang pumasok ang isang grupo ng mga kababaihan sa loob ng CR, maingay sila dahil sa kwentuhan at tawanan nila.
Paalis na ako nang bigla akong ma-out of balance at di sinasadyang maitulak ko yung pinakamatangkad sa kanila.
"Ouch! Ano ba yan e, mag ingat ka naman." Iritado niyang sabi sa akin, tinapunan ko lang siya ng tingin at lumabas na ng CR.
"Hey, excuse me! I deserve an apology"
"Hayaan mo na Klaire" rinig kong pag-awat sa kanya ng isa nyang kaibigan. Hindi na ako lumingon pa ulit at nagmadaling umalis doon. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko man lang naisipang humingi ng sorry.
Great Tori, first day of school ay mukhang may makaka-away ka nanaman. Just great!
Second class, History. Sobrang boring lalo na't ala una ng hapon ang start ng klase. Nag checheck ng attendance ang prof ko sa harap noong bigla niyang tawagin ang pangalan ko.
"Victorina Kirsten Sanchez" I say present as he called my name.
"Omg, sya yung tumulak kay Klaire kanina"
anang isang maliit na boses sa harap"Oh yeah, that's her. Classmate pala natin sya" nakatingin sa akin ngayon yung dalawa sa mga babaeng kasama nung nabangga ko sa CR kanina.
Hindi ko sila pinansin at tumingin na lang ako sa labas ng bintana mula rito ay tanaw ko ang soccer field. Naisip ko na sobrang ganda pala ng pwesto ko dahil nalilibang ako sa mga estudyanteng naglalakad sa labas.
Hindi gaya sa naunang subject na dinismiss kami agad, dito naman ay pinagawa agad kami ng activity ngunit madali lang naman.
"Okay class, when you're already done pass your paper and you may go. Next meeting ay magdala kayo ng mga materials na gagamitin para sa next activity. Clear?"
"Yes Sir" sagot ng karamihan. Panglima ako sa natapos at nagpasa ng papel.
"Miss Sanchez, dito ka pala nag aaral" anang prof ko ngunit sa mahinang tinig lamang
"Yes Sir" sagot ko naman habang nakayuko dahil nahihiya ako na kinakausap ako ng prof sa harap ng klase, alam kong hindi ito maganda dahil baka isipin nila na sumisipsip ako kahit pa alam kong hindi ako ganun
"Good to see you here." Tumango tango pa si Mr. Marcos, anak ng isa sa mga kaibigan nila Mama at Papa na isang ring professor dito sa pinapasukan kong paaralan. Nagpaalam ako sa kanya at saka lumabas.
Natapos ang araw na iyon at hindi naman ako masyadong na-stress bukod doon sa babaeng "aksidente" kong naitulak kanina at nalaman kong kaklase ko pa pala ang ilan sa mga kaibigan nya. Ewan ko ba, the moment I saw her I know na may mangyayari. Ganoon ako, kahit tao pa yan o bagay o kahit pangyayari mismo na natungyahan ko basta nakaramdam ako ng kakaiba na hindi ko din kailanman maipaliwanag ay alam ko na agad na may kinalaman ito sa buhay ko. Weird.
Pagdating ko sa condo ay agad kong sinalampak ang sarili ko sa sofa napatingin ako sa maliit na frame na nasa side table at kinuha iyon, larawan ng masiyahing pamilya ang makikita mo doon. Ngunit hindi na ngayon, wala na ang saya napalitan na ito ng lungkot, galit at paghihinayang. Nasaan ka na ba Lexus?
Nagsimula nanaman mag tubig ang mga mata ko, tumingala ako para pigilan sana ang pagtulo ng mga luha pero tuluyan na silang kumawala sa mga mata ko. Pinipilit kong kumawala sa nakaraan ko pero patuloy ako nitong hinahabol hanggang ngayon. Memories from the past are keep on chasing me and I know it won't stop until I find him.
"Namimiss ko na ang maging masaya, yung totoong saya. Pagod na pagod na akong mamuhay na puro na lang kalungkutan ang nararamdaman ko. Pagod na akong magtago sa dilim ng nakaraan!"
Hindi ko namalayan ang sarili ko na nakatulog na pala sa sofa, Ni hindi man lang ako nakapag-palit ng damit. Nagising lang ako nang maramdaman kong kumalam ang sikmura ko. Nagtungo ako sa kitchen ngunit wala namang laman ang mga drawers doon maging ang ref. Hindi pa nga pala ako nakakapag-grocery.
Agad kong tinungo ang kwarto ko at nagpalit ng damit pagkatapos ay mabilis kong kinuha ang susi ng kotse sa bag at nagsimulang maglakad patungo sa elevator, kakain na lang ako sa isang fast food restaurant dahil tinatamad na din akong magluto. Napatingin ako sa suot kong relos, alas dies na pala ng gabi. Dumiretso ako sa parking lot at naabutan ko doon ang naka-duty na si Manong Guard, tinanguan ko lang siya sabay andar ng sasakyan.
Nakarating ako sa isang fast food restaurant na may logo ng malaking mukha ng bubuyog sa itaas, Jollibee. Umorder ako ng pagkain ko at nagsimula ng kumain.
Di kalayuan sa akin ay nakita ko ang isang pamilya na masayang kumakain at nagtatawanan, bigla akong nakaramdam ng konting kirot sa puso ko.
Hindi ko alam pero bigla akong nalungkot nang mapagtanto ko na mag isa na nga lang pala ako, hindi naman literal na mag isa sa buhay dahil may mga magulang pa naman ako pero ang mamuhay ng almost 15 years na malayo sa magulang ko ay sobrang hirap, napaka hirap.
Pero ano nga ba ang magagawa ko? Ito yung parusa ko sa mga bagay na nagawa ko from the past.
"I'm sorry, Lexus."
YOU ARE READING
Light In The Darkness
General FictionKwento ito isang babae na matagal ng nagtatago sa dilim ng nakaraan at kung paano niya natagpuan ang liwanag sa kanyang buhay