Simula

6 0 0
                                    

"Kahit kelan talaga ay wala ka ng ginawang matino, Tori. Hindi ka na ba nahiya sa amin ng Papa mo? Puro sakit sa ulo ang ibinibigay mo sa amin!"

"Kelan ba ako may ginawang matino para sa inyo? Puro lang naman yung kamalian ko ang napapansin nyo."

Akmang susugurin ako ni Mama pero napigilan sya ni Papa dahilan para lalo syang magpumiglas. Inilayo nya si Mama sakin at pilit na pinapakalma. Hindi na bago sa akin ang ganitong eksena kada uuwi sila dito sa probinsya kung hindi masasakit na salita ay sampal at sabunot ang inaabot ko.

Sanay na ako, dapat sanay na ako pero bakit patuloy pa rin ang pag agos ng luha ko? Tss.

Nakita kong lumabas ng kwarto si Papa halata sa mukha niya ang pagka-dismaya sa nangyari.

"Tori, anak pasensya ka na sa Mama mo alam mo naman hindi pa sya totally moved on for what happened before at alam natin pareho na hindi nya yun malilimutan kaya hanggang ngayon ay ganun pa rin ang pakikitungo nya sa iyo"

I knew it, I fucking knew it. May kinalaman to lahat sa past ko, past ng pamilya namin. E sino ba ang hindi makakalimot doon? Halos akuin ko lahat ng sisi dahil sa nangyari.

Ganoon ba talaga akong klase ng tao at lahat na lang ng nasa paligid ko kung hindi dismayado ay galit naman sa ginagawa ko? Ni hindi man lang nila hiningi ang paliwanag ko.

Light In The DarknessWhere stories live. Discover now