Run
Halos dalawang linggo na ang nakalipas magmula noong magsimula ang pasukan, nagsimula na ang mga lectures at marami naring pinapagawa ang mga prof.
"Sanchez pair kayo ni Miss Vergara" anang prof sa harap, gagawa kasi kami ng activity para sa subject na ito at kailangan ay by pair.
Tumikhim muna ako bago nagtaas ng kamay at nagsalita "Ma'am sino po iyon?" tinignan ako ng prof ko na para bang hindi makapaniwala na hindi ko kilala si Miss Vergara, narinig ko pang nagtawanan ang iba kong mga kaklase.
"Ah ako yun, ako yun" isang babaeng mahinhin, maganda at morena ang lumapit sa akin "Sorry, akala ko kasi kilala mo na ako" tumabi siya sa akin dahil bakante naman ang upuan sa tabi ko "I'm Mikaela Vergara, and you are?" nakalahad ang kamay ni Mikaela sa harap ko, hindi ko alam kung tatanggapin ko iyon o hindi pero dahil ayokong mag mukhang bastos ay nakipagkamay na lang ako sa kanya.
"Tori" banggit ko sa pangalan ko, nginitian niya ako at saka ulit bumaling sa prof na nasa harap at nagbibigay ng instructions ganoon din naman ang ginawa ko.
Mabait naman si Mikaela, mabilis namin natapos ang activity dahil nagkaintindihan kami sa kung paano ang dapat gawin. Sa katunayana kami ang unang pair na natapos, sinabihan kami ng prof na pwede ng lumabas after gawin ang activity.
Lumabas ako ng room sukbit ang bag ko, naramdaman kong sumunod sakin si Mikaela.
"Tori, Tori." tawag niya sa pangalan ko, medyo hindi ako kumportable sa paglapit nya sa akin. "Saan ka niyan? May next subject ka ba?"
"Pupunta ako ng Cafeteria, bakit?" nakakunot noo na tanong ko
"Sakto sabay na tayo, doon din kasi ako pupunta" sabay tawa niya ng mahinhin. Hindi na ako tumanggi at sabay kaming naglakad papunta ng Cafe. May mga tinatanong siya sa akin, ang iba ay hindi ko na sinagot. Hindi ako masaya na may umaaligid sa akin ngayon, mabait si Mikaela dahil halata naman kahit pa kanina ko lang siya nakilala pero ayoko ng ganito. Sanay ako na dumidistansya ako sa mga tao kaya medyo ilap din ako sa kanya.
Noong naglalakad kami ay nagkukwento siya tungkol sa sarili niya, anak mayaman siya halata naman dahil mamahalin ang suot niyang relo at damit, nag iisa siyang anak at isa daw siyang vlogger. Wala akong masyadong idea kung ano ang tinutukoy niya dahil hindi naman ako babad sa social media. Madaldal pala siya at halatang sanay na sanay siyang makipag-usap sa tao, ewan kasi para bang memorize niya yung mga sinasabi niya.
Napansin ko habang naglalakad kami ni Mikaela ay may mga taong ngumingiti at bumabati sa kanya pero mukhang nahihiya naman lumapit, ngumingiti din naman siya sa kanila.
Pagdating namin sa Cafeteria ay meron siyang tinatanaw sa malayo at agad niya akong hinila papunta doon, hindi man lang niya tinanong kung gusto ko bang sumama.
"Hi girls" bati niya sa mga babaeng nakaupo sa dulong table "This is Tori, classmate ko siya sa isa kong subject" ngumiti sakin ang ilan sa mga nandoon, nagulat lang ako na kaibigan pala niya yung babae sa CR nung nakaraan. Sabi ko na nga ba!
"Ikaw yun diba? The girl na tumulak sa akin at hindi man lang nag sorry" she rolled her eyes, hindi ko naman siya masisisi.
"Oh magkakilala kayo Klaire?" Si Mikaela ulit.
"No, I just have a little accident sa CR with her"
"Klaire, enough na yan nangyari na e. Upo kayo, upo ka Tori. By the way, I'm Jairy." pakilala ng isang kulot at mestisang babae na nasa harap ko "Classmates din tayo Tori sa isang subject, naaalala mo ako?" tanong nya, siya yung palaging kasama nung babae na may matinis na boses.
"I'm Mira, nice to meet you" speaking of her, yung babaeng matinis ang boses.
Hindi nagpakilala sa akin yung Klaire at wala din naman akong panahon para kilalanin siya. Alam kong hindi nya ako gusto base sa mga kinikilos niya, sana ay alam nilang hindi ko rin gusto ang pag lapit ko sa kanila. Hindi ko alam kung halata ba nila ang pagka-ilang ko. Ayoko ng ganito, ayokong lumalapit ako sa mga tao.
YOU ARE READING
Light In The Darkness
General FictionKwento ito isang babae na matagal ng nagtatago sa dilim ng nakaraan at kung paano niya natagpuan ang liwanag sa kanyang buhay