Chapter 3 - The Lost Father

101 3 0
                                    

Jade's note: Hi guys! 

DREI THE BASSIST IS ON THE RIGHT SIDE! :">

Andrei's Point of View

Mahigit isang linggo na rin ang nakalipas na hindi kami nagpapansinan ni Andy. Hindi ko pa din makalimutan kung paano pinamukha sa ibang tao kung gaano ako kasamang kapatid sa kanya. Mapride ba ko? Hmm.. siguro. Eh yun kase nararamdaman ko eh at saka mag-aaway lang kami lalo kung mag-uusap kami.

Nagising ako mula sa aking pagmumuni-muni nang biglang nagvibrate ang phone ko. Si Charles pala tumatawag. Sinagot ko ito..

"Oh Bro! Napatawag ka?"

[Bro, are you free this coming friday night?]

"Hmm.. Oo bakit Bro?"

[Sama ka sa gig Bro. I want you to meet my band.]

"Yeah sure. I heard that you need a bassist."

[Yun na nga Bro, gusto ko sana ikaw nalang. You're playing bass right?]

"I used to." matamlay kong sagot.

[Oh I think you still can play. So, pano I'll see you this friday night at my bar."

" P-per Bro--" ngunit naputol na ang kabilang linya.

Pumasok ako ng kwarto ko at una kong nasilayan ang aking bass. Kinuha ko ito. Hayss matagal ko  na rin itong hindi nahahawakan. Simula kase nang umalis si Papa dito sa bahay ayoko nang tumugtog. Siya kasi ang nagturo sakin. Pero ngayong wala na sya, at hindi namin alam ni Andy kung nasan sya, o kung buhay pa siya ay nawalan na ko ng gana pang tumugtog. 

Sinabi din ni Mama na wag na kaming umasa na babalik pa si Papa. Kesyo kinalimutan na kami nito. Pero hindi parin maalis samin ni Andy na umasa dahil katulad ng ibang mga anak, gusto din namin ng kompleto at masayang pamilya. Lalo na si Andy, lagi syang umuuwing umiiyak nung mga bata pa kami sa dahilang nakikita daw nya si Papa ngunit umaalis din daw ito agad ayon sa kanya. Hindi namin alam kung totoo ang mga kinekwento nya. Ang iniisip lang namin ay sabik lang siguro si Andy at hindi nya matangggap na wala na sa amin si Papa.

Spoiled kasi si Andy kay Papa, only girl nga naman. Tandang-tanda ko pa dati nung mga bata pa kami. As usual, lagi kaming nag-aaway ni Andy.

FLASHBACK

"Huhuhu! Papa! Papa! Si Drei po oh tinago na naman yung Teddy Bear ko. Huhuhu!" sumbong ni Andy.

Tumingin sakin si Papa.

"Eh kasi naman po 'Pa ginugulo na naman nya ako panonood ng TV. Naililipat nya po sa cartoons eh nanonood po ako ng basketball." pagdedepensa ko sa sarili ko.

"Huhuhu" tuloy pa din sa pag-iyak si Andy.

"Kahit na Andrei, babae pa din ang kapatid mo kaya dapat lamang na ikaw ang laging nagpaparaya. Lagi mong tatandaan na wag na wag kang magpapaiyak ng babae lalo na ang kapatid mo. Dapat ipinagtatanggol mo sya sa kung sino mang magpaiyak sa kanya. At higit sa lahat, wag na wag mo syang papabayaan. Maliwanag ba anak?" pangaral ni Papa.

"Opo Papa." nakatungo kong sagot.

"That's my boy."sabay gulo nya sa buhok ko.

"So, you better say sorry to your sister."

"Sorry." at tumahan na si Andy.

END OF FLASHBACK

Yun ang hinding hindi ko makakalimutang pangaral sakin ni Papa. Pero ang pinagtataka ko lamang ay bakit maging ang sarili pa nya ang mismong sumuway dito. Bakit nya kami kailangang iwan? Bakit nya nagawang paiyakin sa pangungulila ang dalawang babaing pinakamamahal niya? Bakit hindi nya kami nagawang protektahan? Hayss ang daming katanungan sa isipan ko at hanggang ngayon naguguluhan pa din ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 30, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Twin Hearts ♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon