Chapter 2 - Geli the Bestfriend

96 2 0
                                    

Jade's note: Hi I'm baaaaack!  Enjoy reading! :)

ANDREA WITH HER BESTFRIEND GELI ON THE RIGHT SIDE ^____^

Kring! Kring! Kring!

Andrea's Point of View

Hayy umaga na naman. >.<

"Goodmorning Batman!" Sabay kiss ko sa poster ni Batman na nakalagay sa kwarto ko. Sa kabilang banda naman ay nakalagay ang collections ko ng stuffed toy ni Stitch, favorite ko kase silang dalawa e. ^___^

"Goodmorning babies!" sabay hug ko sa mga stuffed toys ko. Hmm.. teka para atang may kulang?! O.o

"Waaaaaaaahhh!"

"Ano ba? Ang Ingay mo! Umagang umaga nakakabulabog ka sa mga kapitbahay!" saway ni Drei na biglang binuksan ang pintuan ng kwarto ko.

"Eh kase naman nawawala si Pink Stitch! Bigay pa naman saken yung ni Geli." papaiyak na sana ako nang..

"Oh ayan na oh!" sabay bato saken ni Drei.

"Teka, ba't nasa'yo 'to?! Anong ginawa mo sa kanya?? Huhuhu"

"Ang OA mo naman, ginamit ko lang yan sa drafting ko." lumabas na sya.

Tsk! Di man lang nagpaalam. "Hmm.. baby okay ka lang ba? Sinaktan ka ba nya? Anong ginawa sayo ng bakulaw na yon?" sabe ko kay pink Stitch, ganto talaga ko sa mga collections ko dahil may sentimental value ang mga ito saken lalo na kung ibinigay saken.

"Bebang! Bilisan mo na jan. Late na tayo!" Sigaw ni Drei mula sa sala.

Ay oo nga pala. Lunes ngayon! Naku late na pala di ko pa nagagawa angmga rituals ko.

Pagkatapos maligo at magbihis ay lumabas na ako ng kwarto. Nakita ko si Drei na nag-aantay at nakasimangot. Sungit talaga ng bakulaw na 'to kahit kelan.

"Ang tagal mo naman, iwanan kita jan eh!"

"Edi iwanan mo! Lagot ka kay Mama! May kasalanan ka pa nga sakeng bakulaw ka eh!"

"Umalis na si Mama, ang tagal mo kase."

"Ha? Eh pano tayo? Sinong maghahatid saten?"

"Wag ka nang kumain, halika na!" sabay hila nya sa kamay ko.

"Aba! Teka kakain ako kahit tatlong subo lang nagugutom ako."

"Kakain ka o papasok kang mag-isa mo?" sasagot pa sana ako..

Pero huli na ang lahat. Nahatak na nya ako palabas ng bahay.

"Ha? Jan tayo sasakay?!" turo ko sa Honda motorcycle nya.

"Wag ka nang mag-inarte, late na tayo." may binigay sya saken na pink na helmet. Ang cute. ^___^

Sa tingin ko nga ay di ito ang oras ng pag-iinarte ko kaya isinuot ko na ang helmet ko at umangkas na sa kanya.

Pagkasakay ay pinaharurot na nya ang motor. Tsk ang bilis naman. Di nga kami male-late, madidisgrasya naman kami. >___<

Hinawakan nya ang kamay ko at inilagay sa bewang nya.

"Kumapit ka." sabi nya habang nakatingin pa din sa daan.

Napabilis ang pagmamaneho nya kaya naman napayakap ako sa kanya.

Nakita ko sya na parang napangiti. Para namang nakaramdam ako ng init sa mga pisngi ko. >//<

Twin Hearts ♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon