Sabi nila, when you turn eighteen, makikita mo na raw sinong para sayo. Soulmates would see each other's invisible rings then boom! You get to have your own happy ending.
Well, that's not the case for me. I have this ring with me for months now, at parang wala namang nakakakita! Wala rin naman akong nakikita so I remained unbothered.
Nung una.
Nagkagirlfriend na't lahat 'tong bestfriend ko, ako wala pa rin!
"Guia, nasa baba na si Bright!" sigaw ni Mama sa labas ng kwarto ko.
"Opo, ma! Bababa na po!" Nasa hagdan pa lang ako, kita ko na si Bright na mukhang prinsipeng mahal na mahal ng nanay ko.
"Okay na po, Tita." Bright chuckled and stopped my mother from giving him more food.
"Sigurado ka? May training ka pa 'di ba?" Umupo na si Mama sa tabi ng upuan ko.
Umupo ako sa tapat ni Bright and looked at my mother, "Ma, bakit siya pinaghanda mo ako hindi?" I pouted and tried to act cute, kaya tumawa nang malakas ang bestfriend ko.
"Mas mahal ako ni Tita," asar niya.
"Ako mas mahal kita." I winked at him and continued eating.
"Puro kayo ganiyan eh hindi naman kayo soulmates!" Umiling-iling pa si Mama habang kumakain.
Sabi biruan ah? Bakit ako inaatake!?
Bright copied my mom's gesture at patuloy ring kumain. Wow, so ako lang nasaktan?
Here's the thing, I kinda love him way more than just a friend.