"Anong oras mo ba balak umuwi, ha?" I asked.
Nakahiga si Bright sa couch ng kwarto ko, papikit na. It's already 7pm kaya hindi ko alam kung may balak pa ba siyang umuwi.
"Maybe I'll sleep here, if okay lang sayo," aniya habang nakapikit. Sinilip niya ako pagkatapos niyang magpaalam.
Tumango ako at tinuloy na ang pagme-make up.
"May training ka pa bukas. Paano mga damit mo?" I looked at him again na nakasuot pa ng jersey.
"Meron naman akong extra, saka kasya naman sakin mga damit mo." Tumawa pa siya at binato sakin ang unan ko. Nagmukha akong wasted dahil liquid eyeliner na ang ina-apply ko!
"Tangina ka, Bright maligo ka na nga!" Pikon na sabi ko at kinuha ang make up remover. Dumiretso ako sa CR ko rito sa kwarto at nagsimulang maghilamos.
"How can I shower eh nandyan ka sa CR? Gulo mo!" Naririnig ko pa ang tawa niya sa labas.
Umirap na lang ako at binilisan ang paghihilamos. May training siya bukas pero pumunta pa siya rito sa bahay para manggago. Ang daming time!
Lumabas ako ng banyo at binato sa kanya ang spare towel ko. Kinuha naman niya at hinalikan ako sa ulo bago pumasok ng CR.
Syempre, dahil marupok ako, kinilig ako.
Bright and I are friends for six years now, at pangit naman siya noong Grade 7 kami kaya hindi ko maintindihan bakit ko siya mahal ngayon. Whatever the reason may be, mas mabuti sigurong hindi ko muna alam ngayon para hindi rin 'yon ang maging dahilan 'pag wala na akong nararamdaman.
"Guiana!" Bright shouted from the bathroom, nakasilip ang ulo at kita kong basa na ang mga balikat, may sabon pa.
"Ano na naman kailangan mo hayop ka?" Inangat ko ang cellphone ko and I took a picture. Nagulat siya at sinara bigla ang pintuan.
"Ilalagay ko 'to sa my day tapos ang caption: pa-mine, Bright, pa-mine!" asar ko dahil alam kong naririnig niya naman ako.
Narinig kong bumukas ang shower and what I heard next gave me beats.
"I'm yours!" aniya at humalakhak.
Sabi ko nga, eh. Talo na naman ako sa asaran.