2

5 1 1
                                    

Nakaayos na ako at ready na akong pumasok. Nauna na si Bright dahil may training pa sila ngayong umaga. Natulog na ako kagabi pagkatapos niyang sumagot sa asar. Hindi ko na siya hinintay makalabas dahil baka asarin ako kapag nakita ang hilat ng mukha ko.

"Aga ni Bright umalis, ano 'yon? ONS?" Bungad ni Mama pagbaba ko.

Kumunot ang noo ko. "Anong ONS, ma?"

Umirap siya. "One Night Stand!" at tumawa nang malakas.

"Ma!" I can feel my cheeks heating. Itong si Mama talaga, kapag walang duty ina-apply rito sa bahay ang kaalaman.

"Alam mo, hindi naman ako against sa ganyan. Basta gagamit kayo ng condo-"

"Ma, papasok na po ako. Bye!" Hindi ko na siya pinatapos at tumakbo na palabas ng bahay. Minsan talaga naiisip ko, ano bang naiisip ni Mama sa amin ng bestfriend ko at ganyan siya.

"Oy, Mendz," tawag ni Richel sa akin pagkapasok niya sa room. Kumakain pa siya ng apple at medyo magulo ang buhok kaya hindi mo malalaman kung naligo ba o hindi.

"Ano ba 'yan, parang mens naman. Punyeta kababoy," reklamo ko na ikinatawa niya.

"Ganyan naman si Richel, maarte pero hindi naliligo." Sabi ni Cecille habang seryosong nagkakalikot sa cellphone.

"Huy miss, akala mo naman naliligo ka! Sa haba ng buhok mo hindi agad matutuyo 'yan. Tapos ang aga mo pa pumasok ngayon eh kadalasan late ka? Oh, sino sa atin ang hindi naligo ngayon?" Litanya ni Richel na pumuputok na ang pisngi.

Matalim nilang tiningnan ang isa't isa. Napatawa na lang ako sa gilid. Mamaya, ako na naman mapagtripan eh. Buti hindi pa dumarating si Sab.

"Hello bitches, I'm back good morning!" sigaw niya at niyakap kami isa-isa. Parang nanghina agad ako.

"Maaga pa, Sab. D'yan ka lang muna upo ka lang d'yan." sabi ko sa kanya at pilit siyang idiniin paupo sa upuan niyang katabi lang ng akin.

Jusko, seatmates kami. Kaya wala na akong energy para kay Bright after eh.

Ay bakit si Bright na naman iniisip ko?!

"Miss Mendoza," tawag sa akin ng checker namin. Siya nag-a-attendance sa mga teacher namin.

Agad akong tumayo sa upuan ko para puntahan siya. "Po?"

"Tell your classmates na hindi makakapasok ang mga teachers today, may general meeting." aniya at ngumiti, saka umalis.

Tumingin ako sa relos ko at nakitang 6:30 na ng umaga, pero apat pa lang kami.

Shuta these classmates. Talaga naman!

Nilingon ko sina Richel na kunwari walang pake pero pagbalik ko sa upuan, tatanungin na ako niyan bakit ako tinawag.

"Sabi ni Ma'am, may meeting daw ang teachers." Agad naman silang nagchat sa group chat ng section. Everyone rejoiced dahil makakatulog na ang lahat.

"Patulugin ko muna mga kagrupo ko sa research," Richel was typing nang bigla siyang tumingin sa akin. "Gawa tayo mamaya ha? Matulog ka rin."

Inirapan ko siya bago tumango. I looked at Cecille and Sab. Si Cecille, nag-aayos. Si Sab, tulog. Lagi naman.

"Saan kayo?" tanong ko sa kanila at sinabunutan si Sab para magising.

"Ay puta," bungad niya. "Ano raw? Bakit?"

"May meeting teachers kaya uwian na. Saan ka?" I asked her. Siningkitan ko pa siya ng mata dahil parang gagaguhin niya pa ako sa sagot niya.

"Nasa school," she laughed. Tama nga ako. "De, uwi na ako. Gusto ko matulog."

Destined to FadeWhere stories live. Discover now