Chapter 59

72 3 0
                                    


Zach POV


T*ng*na hindi ko na kaya, kailangan ko na hanapin si Shadee

tumayo na ako at kinuha ang susi ko, napansin nilang lahat yon kaya alam kong susunod na rin sila

"Zach? Saan natin hahanapin si Shadee? May natanggap ka na bang text?" sunod-sunod na tanong ni Luie sakin

"I don't know but I have to find her... mahina siya ngayon, hindi niya kakayanin mag-isa " yun lang at saka ako bumaba pero sumunod siya sakin

"Ano ba kasing nangyayari kay Kare? Tsk peste"

Nasa ganon kaming sitwasyon at sumakay na sa iisang kotse pero ganon nalang ang gulat naming pareho ng makita ang motor niya na nakabagsak sa semento!

"Shit! Asan si Shadee?! Umuulan pa anak ng--!"

sabay kaming lumabas kahit pa umuulan ay walang pakundangan kaming lumingon at hinanap si Shadee...

ganon nalang ang gulat ko ng makita ang duguang si Shadee sa tabi ng gate! Wala siyang malay at bahagya pang nanginginig!

"Shadee!" magkapanabay na wika namin ni Luie at saka lumapit

"Shadee! Gising!! Shadee!" tinatapik namin siya pero hindi siya nagigising shit!

Magkatulong naming binuhat ni Luie si Shadee papunta sa taas at naabutan ang tropa na nag-aalala ring nakatingin samin

"HALA! Shadee bes! Luie anong nangyare?! Bat ganyan ang itsura niya?!" Tanong ni Zell na halatang nag-aalala

"Hindi naming alam! hahanapin dapat namin siya ni Zach pero nakita namin siya jan sa tapat ng gate na walang malay!"

"Teka tatawagan ko si Daze"
sabi ni Azy at saka lumayo

"Akin na yung first aid kit Jazz, tawagan mo si Dr. Carly" nagmamadaling sabi ko at sumunod naman agad siya... agad kong ginamot ang mga sugat ni Shadee kahit konti para maibsan ang mga dugong nakikita namin

"K-Kami na ni Jazz ang magpapalit ng damit niya" sabi ni Zell kaya naman hinayaan ko na sila na asikasuhin si Shadee

Napahilamos nalang ako sa mukha ng mapagtanto kung gaano kagago si Spade dahil hinayaan niyang mangyari ito kay Shadee... kasalanan niya ito

"Mapapatay ko si Spade pag may nangyaring masama kay Shadee" tiim ang bagang na sabi ko at pinakalma naman ako nila Luie

Hindi nagtagal at dumating narin si doc carly, agad niyang ginamot ang mga sugat ni Shadee na malalalim at saka siya pinapunasan sa mga babae

"Doc Carly ano po? Kamusta na si Shadee? Malala po ba siya??"

"Calm down Zach, the good thing here is that... she's stable, no need to worry she'll wake up, but she need to regain all her energy first... lalo na at may lagnat siya"

bahagya naman akong kumalma, pero hindi parin maalis ang galit ko dahil sa nangyari kay Shadee...

"PUNYETA ASAN ANG KAPATID KO ANONG NANGYARE?!" lahat kami ay halos mapatalon sa sigaw na yon

"Daze, okay na si Shadee... pero hindi pa siya nagigising" paliwanag ko at saka naman nagpaalam si doc Carly at saka umalis

"Lintek na yan, ano ba kasi nangyare kay Kare? Bat niya hinayaan mangyari sa kapatid ko yan??!"

"Hindi na rin namin alam kung anong nangyayari sa kaniya.. panay iwas siya kay Shadee at sinasabi na susunduin niya ang bestfriend niya na mula sa ibang bansa, pilit niyang inuuna yun kesa kay Shadee"

"Naka drugs yata si boss eh aiishh!"
napatingin ako sa kanya

'Azy...'

"O-Oh bakit ganyan ka makatingin Zach?!"

"I-track mo siya ngayon na, kailangan natin siya puntahan at ipatigil ang kung ano mang ginagawa niya"

Dali-dali niya namang kinuha ang laptop niya at nagsimula na magtipa at maya-maya lang

"CARDASIAN Airport nakahinto lang siya sa iisang pwesto"

"Puntahan na natin, sumama ka samin para makita parin namin kung nasaan siya"

"I'll stay, kailangan ko bantayan si Shadee, baka magising siya"
sabi ni Luie kaya naman sinang-ayunan ko na siya, may tiwala naman akong babantayan niya si Shadee kaya pumayag na ako


"Tara na Daze"

Siguraduhin mo lang na may maganda kang dahilan Kare, kung hindi mapapatay talaga kita

_________________________________


Luie POV

"Shadee...." Hinaplos ko ang pisngi niya, payapa parin siyang natutulog pero alam kong masakit ang mga sugat niya at hinihiling kong sana... ako nalang ang makaramdam nun

kahit na ang dami niyang sugat sa katawan, maganda parin ang mukha niya at walang galos! hanep! idol!!

Nilagyan ko ng basang towel ang noo niya para maibsan naman ang init niya dahil sa lagnat ng bigla siyang kumurap-kurap!

"S-Shadee! Shadee gising ka na! T-Teka wag ka muna tumayo" sabi ko at pinahiga ulit siya ng subukan niya tumayo

"K-Kare..." namamaos siya at halatang mahina pa

"Shadee, bat ba kasi umalis ka ha?? Ano bang nangyayari sa inyo ni boss Kare??.. okay naman kayo diba??"

hindi siya sumagot at umiyak lang siya... pinunasan ko ang luha niya at tumabi sa kaniya para yakapin siya

ayoko siya makitang umiyak dahil sa sakit

"Wag ka mag-alala Shadee... hinding-hindi kita iiwan..."

niyakap ko lang siya at hindi na nagsalita pa, nakatulog siya sa ganong posisyon, alam kong hindi pa siya nakaka-recover kaya kailangan niya mag ipon ulit ng lakas...

Kare POV

I was busily texting Czarina dahil ako nga ang susundo sa kanya >>_ <<

I know that this sounds weird, but I really have to do this... what I did back there to Shadee has a purpose for the both of us

I was planning to surprise her but the heck! I saw her with Zach on the same room at hindi ko mapigilan ang sarili kong magselos dahil don

"Spadeeeeeeeeee!!!! Couz!!! Hiii!!" natinag ako sa matining na boses na yun, si Czarina

and yes >>_<< pinsan ko siya

"Hey Czari! What took you so long?"

"Argh! The dumbass FA in the plane just pulled my hair for she thought I'm the mistress of her boyfriend?! Dzuh!! Sa ganda kong toh?? Haler!!"

"Hahahaha tara na, nagawa ko na yung plano, alam mo naman na siguro yung kasunod diba??"

"Ofcourse! Ako pa ba? E-Ehem.. wait, who are those guys??"
turo niya sa likod ko at laking gulat ko ng sapakin ako ni Zach! At hinila papuntang parking lot!

"Bitiwan mo nga ako! Ano bang problema mo ha?!"

"Ikaw! Ikaw ang problema! Dahil sayo napahamak si Shadee!"

s-si Shadee??

"A-Anong nangyare??"

" Napahamak siya ng dahil sayo! Gago!"

"Ano nga sabi ang nangyari sa kanya?!"

" Umuwi lang naman siyang may saksak at mataas ang lagnat! Nakahandusay siya sa tapat ng bahay! Oh ano?! Ang saya ba na makitang ganon siya ha?? At uunahin mo pa yang babae mo kesa sa kaniya?!"
galit na tanong ni Zach

"Ugh! Excuse me?? He's my cousin and I'm not his slutty sidechick!" Halata ang gulat sa mga mukha nila at nanlulumo naman akong napaupo sa sahig

walang sabi-sabi akong pumunta sa sasakyan ko, tinatawag nila ako pero hindi ko sila pinapansin...

walang ibang pumapasok sa isip ko kundi si Shadee

maya-maya lang ang narating ko na ang bahay, patakbo kong tinungo ang gate at pinagbuksan naman ako ng guard, halos mawala ako sa sarili ko ng makita ang iilang bakas ng dugo sa motor ni Shadee

halos lumipad na ako sa kakatakbo para makita si Shadee at nakita ko siyang natutulog sa kama at binabantayan siya ni Luie na nakaupo, namumutla siya at halos wala ng buhay kung titignan

"B-Boss Kare..."

dali-dali akong lumapit kay Shadee at hinalikan ang noo niya

"Shadee babe.... Babe I'm sorry... I'm sorry babe" tuluyan ng tumulo ang luha ko habang yakap siya lalo na ng makita ang mga sugat niya na halatang sariwa pa

nakita kong dumating na sila at nakatingin lang sakin pero wala akong pake

niyakap ko lang si Shadee habang umiiyak, I can't lose her kaya ko ginagawa ito... mahal na mahal ko siya...

"Shadee babe... S-Shadee wake up, n-nandito na ako babe... s-sorry..."

"S-She won't wake up... hindi pa bumabalik ang lakas niya..."
paliwanag ni Luie

dahan-dahan kong inilapag si Shadee at iniayos sa pagkakahiga at hinalikan siya sa noo saka ako tumigin sa kanilang lahat

"Magpapaliwanag ako.."






_________________________________________________________________________________________-

ANG HABA KO MAGBAKASYON NOH? HEHEHE


The Gangster's HeirWhere stories live. Discover now