Chapter 3

29 9 3
                                    

Sasha's POV

   Pagkatapos kong pumunta sa restroom ay dumiretso agad ako sa locker room para magbihis ng P.E uniform namin. Habang isinusuot ang aking damit ay naalala kong dodgeball nga pala ang activity namin ngayon. Nagmadali na akong magbihis at pumuntang gymnasium.

   Pagkadating ko ay naabutan kong binabato nung isang team sila Nics at isa pang babaeng hindi ko kilala. Napasulyap ako sa gawi ni Mr. Amores at nakita kong hindi siya pinakikinggan nung kabilang grupo at patuloy pa din sila sa pagbato. Nakita ko ang expression ni Nics kaya dali-dali na aking lumapit sa kanila at pumagitna.

   "STOP!!!" Malakas na sigaw ko at kumuha ng bola para batuhin si Samantha sa mukha dahila para mawalan siya ng malay.

   Tumalikod na ako at lumapit kay Nics ngunit nawalan na din siya ng malay kaya sobrang kinabahan ako dahil alam kong makakasama sa kanya ang nagyari ngayon. Tinulungan ako ni Mr. Amores para buhatin si Nics

   "Sir please, tulungan niyo po akong dalhin siya sa Ospital" tarantang sabi ko. Dali dali naman kaming lumabas sa gymnasium at pumuntang parking lot.

   "Ms. Park pwede bang makiki-dial mo si Dean at sabihin mo na papunta tayo ngayon sa K.P Hospital at doon na lamang ako magpapaliwanag nang nangyari" sabi ni Mr. Amores

   Dinial ko na ang number ni dean. Matapos nito mag-ring ng dalawang beses ay sinagot na din ni dean ang tawag.

   "Hello?" Narinig kong sabi ni Dean sa kabilang linya

   "Hello dean, papunta pi kami ngayon sa K.P Hospital, doon ba lamang po namin ipapaliwanag ni Mr. Amores kung ano ang nangyari" tarantang sabi ko habang nakatingin kay Nathalie na nasa bisig ko.

   "What! Sige papunta na ako ngayon" narinig ko pang sabi ni Dean bago mamatay ang tawag.

   Pagkadating namin sa Hospital ay dali dali kaming bumaba at humingi ng tulong. Agad namang rumisponde ang mga nurse na nasa emergency room at inilagay si Nathalie sa stretcher. Hindi naman ako matigil sa pag-iyakbat iniisip kung anong mangyayari kay Nics.

   May nakita akong dalawang doktor na tumatakbo at nang mas lumapit sila ay tsaka ko lang narealize na si mommy at tita Khaydee pala ito. Nang makita nila ako ay nagmadali silang lumapit sa akin.

   "Sasha anak, anong ginagawa mo dito? Bakit ka umiiyak? Anong nangyari?" Sunod sunod na tanong ni mommy at niyakap ako.

   "M-mommy si N-nics" hirap na sabi ko dahil sa sobrang pag iyak.

"Shh tahan na, magiging okay din ang lahat. Padating na si doktora Gomez para kay Nathalie" sabi niya at niyakap ulit ako habang hinahagod ang aking likod. Bumitaw naman ako sa pagkakayakap ni mommy at humarap kay tita Khaydee na tulala at napaluhod sa sahig. Inalalayan ko naman siyang tumayo.

   "Tita, I'm so sorry po" paghingi ko ng tawad habang patuloy pa din ang pagtulo ng aking mga luha.

   "Sabi ko huwag kang aalis sa tabi niya. Anong nangyari? Bakit mo siya pinabayaan?" Sabi ni tita at nakita kong unti unting pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.

   "Khaydee ano ba! Huwag kang magpadala sa bugso ng iyong damdamin. Walang may kasalanan sa nangyari" sabi ni mommy habang inaalo si tita.

Heartbreaks |ON HOLD|Where stories live. Discover now