Garapon

26 7 11
                                        


             
      Diretso akong pumasok sa loob ng bahay nang makitang nakabukas ito, siguro‘y maagang nakauwi si bunso. Tiningnan ko ang kusina at naroon nga siya. Madalas kasi siyang kumakain kapag uwian. Magutomin, eh.

     Ngayon ka lang, Nic?” Tumango siya. “Wow, masarap ulam mo, ah?” pagpapansin ko sa ulam niyang fried chicken. Nangiti ako at natuksong kumurot ng konti pero matalim na tingin ang ipinukol niya sa akin.

     Ito naman... madamot.”

     “May iyo roon sa kaldero, Ate!” asik niya

      Nagulat naman ako. Perahan? Nanalo si Tatay sa sugalan kaya nakabili nito? Hindi naman ‘yon gano'n. Pinapabayaan nga niya kaming walang bigas, ulam pa kaya mabili? Kung si Nanay naman...

     Tumakbo ako sa ikalawang palapag at hinanap ang garapon kong pinag-iipunan ng pera. Hindi imposibleng nang-umit sila roon dahil nagawa na nila ‘yan noon — ni Nanay at Tatay. Gusto kong magdabog nang nakita ko itong wala ng laman maliban sa apat na bente singko sentimos.

     Umiyak ako.

     Ba‘t sila ganiyan? Para sa pag-aaral ko ‘yon, eh. Pinagtatrabuhan ko ‘yon! Graduating na ako at para sa bayarin namin ‘yon. Putangina naman, o! Wala na nga silang nagawa sa buhay namin para sabayan kaming umahon, nanggaganiyan pa. Ah! Gusto ko manuntok!

     Ibinalibag ko sa kumotan ang garapon at bumabang luhaan. Binalikan ko si Nicole sa kusina na kasalukuyang kagat-kagat ang buto ng manok at sinisimut ang natitirang laman na kumapit sa buto.

     Nakaaawa.

     Biglang lumambot ang puso ko kasi kahit papaano ay may magandang napatutunguhan ang perang ‘yon.

     Masarap?” malambing na tanong ko rito. Tumango siya. Napangiti ako sa naging tugon niya. Kuntento na ako roon... Napapawi na ang galit ko dahil doon.

      Siguro‘y kakayanin ko ulit maging puta para punuin ang garapong iyon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 24, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Salamin Ng BayanWhere stories live. Discover now