1

2 2 0
                                    

Patak ng ulan ang gumising sa mahimbing kong pagkakatulog. Tila ba'y hindi ako nasanay sa palagian at paulit-ulit na pangyayaring ito sa aking buhay.

"Rina, bumangon ka na jan! Malilintikan ka talaga sa aking bata ka!" Nagsisimula na namang mambulyaw ang tiyahin kong walang ginawa kundi ang isumbat sa akin ang tinagurian niyang 'pagpapalamon' umano sa akin.

Hindi ko na nagawa pang sumagot kay Tiya Minda. Agad rin akong bumaba mula sa kwarto na kung susumahin ay parang bodega kung saan itinatambak nilang mag-anak ang mga sitang gamit. Nakatirik ito sa sirang dingding na siyang nagpapakalawang sa mga sirang appliances at mga kalat na papel na kalaunay ipandidikit rin nila sa apoy. Este, ako pala ang gumagawa ng lahat ng iyan! Peste.

Peste ngang maituturing ang sitwasyon ko ngayon. Gusto kong sumumbat, gustong-gusto! Gusto kong isigaw na, "pagod na ako!" Kaso, sa huli'y, ako rin ang kawawa. Ayokong kaawaan ang aking kalagayan. Ayokong magpahalatang apektado. Hindi ako gano'n.

Bumaba akong pilit ang ngiti. Napakagaling! Ang galing ng pagpwesto ni Tiya Minda sa sofa. Akala mo'y megaphone kung makabulyaw sa akin, subalit sa salita lamang siya energetic. Daig pa ang baldado kung pagsilbihan.

Sinimulan ko na ang pagprito ng itlog, hotdog at tortang talong. Sino nga ba ang hindi pa umay sa iconic na ulam ng Pamilyang Pilipino?

"Hayyyyyssst." Bigla akong napasimangot nong biglang pumadpad sa aking isipan ang salitang 'pamilya'. Napakaswerte ng mga batang aking nakasasalamuha. Hindi nila alam kung anong bugso ng inggit ang aking kinikimkim.

Ano kayang klase ng Rina ang mayroon sa mundong ito kung hindi nangyari ang bangungot ng aking buhay?

Todo emote ang lola niyo! Tutulo na sana ang unang patak ng luha noong maunahan ito ng pisik ng mainit na matika.

"Arrrrrrrrraaaaaayyyyy!" Napangiwi ako sa hapdi. Natuloy ang sa pagpatak ang aking luha. Subalit, hindi na iyon dahil sa aking pagdadrama, kundi dahil na sa paso na aking natamo.

Walang ano-ano'y nakita ko ang aking piniprito. "Lintik kang bata! Kaya pala kanina pa amoy sunog." Kasabay ng unti-unting paglakas ng tono ng boses ni Tiya Minda ay ang pagdiin ng kanyang pagpihit sa aking tenga.

Ayoko nang makipagtalo. Hindi rin ako naiiyak--nataatawa ako! Ha! Ha! Hatdog! Minsan talaga'y susubukin ang aking pasensya, susubukin ang aking pagiging seryoso.

Hindi ko maipaliwanag sa aking sarili kung bakit ako nagkakaganito.

Masasabi kong mabait naman ako. Nakakalungkot ang aking buhay. Pero, ano pa nga ba ang aking magagawa? Hindi na rin ako bata para magmukmok. Hindi ako nagmumukmok, pero minsan talaga, kapag tulala ka'y mapapaisip ka.

Tama ba? Mapapaisip ka kapag tulala ka o nag-iisip ka kaya tulala ka?

Ayon na nga. Pinauna ko na ang nanggagalaiti kong tiyahin at gayon na rin sina Tiyo Dindo, Max at Maxene sa pagkain.

Inidlip ko muli. Maaga pa naman ang 5:30 A.M. para pumasok. Buti nalang at nakiusap ako kay Tiya Minda na bumili na lamang ng ulam sa Tindahan. May benta rin namang itlog, hotdog at tortang talong, ang hilig-hiling niya pang magpaluto. Juskooo!

****
May nakikita akong lalaki.

Tall, White and toot toot. At nakita kong papalapit siya sa akin.

Nakasisilaw ang puti nitong damit. Siya'y maputi rin. Subalit, sa tuwing itataas ko ang aking tingin upang siya'y pagmasdan. Tila ba'y binabalot ng liwanag ang aking paningin.

"Sino ka ba?" Nakakunot kong pagsasabi. Pilit ko pa rin siyang inaaninag.

Inilapit niya ang kanyang mukha. Of course, namutla ang lola niyo! Ughhhhh.

Ibinukas ko ang akong bunganga at marahang inilabas ang aking dila.

'Diz iz it, pancit!' Nakanguso pa ako habang hinihintay ang kanyang halik.
Hanggang sa...

****

*Tumunog ang alarm*

Bigla akong napakapa sa aking bibig na ngayo'y basang-basa na ng laway.

Napapadalas ata ang panaginip kong gano'n. Hindi ako babaeng manyak pero syempre autoselect tayo kapag malakas ang appeal.

Hindi ko pa masyadong maaninag ang kanyang mukha, pero hindi may nais ipahiwatig ang aking panaginip.

"Paaakk!" Sinampal ko ang aking sarili. Ako ang nag-iilusyon, ngunit ako rin ang nagbabalik sa aking sarili sa katotohanan. That's a special skill!

Kumaripas na ako upang magbihis ng aking school uniform. Hindi na ako nagtricycle upang mas makatipid at may mapandagdag sa pamasahe.

"Aja! Papasok nang hindi man lang kumain." Sa aking pagkaripas, dumaan ako sa 'Tapsilogan ni Logan'.

Hindi na nga ata ako lulubayan ng itlog.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Halik, HaplosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon