3
ALEXANDER DEL VALLE
Pen and Paper. My only weapon. My best friend.
Walang kahit sinong nakakaalam ng lahat ng nararamdaman ko bukod sa ginamit ko pangsulat at sinulatan ko. Walang sigurado sa kung ano ang dinadamdam ko sa araw araw. Hindi mahirap mawalay sa mahal ko lalo na at nagkikita naman kami araw-araw. Ang mahirap, pagdusahan ang kasalanan na sigurado ka namang hindi mo nagawa. Ang hirap na may nahihirapan dahil sa akin.
Palagi kong binibilin kay Alex na sa tuwing dadalaw siya sa akin ay wag niya akong kalimutan dalhan ng ballpen at papel, dahil doon na lang ako nakakapagbaling atensyon lalo na sa mga araw na lugmok ako sa mga bagay-bagay.
Masarap magsulat ng ula habang nasa likod ng mga rehas. Patuloy ang imahinasyon na baling araw maisusuot muli ang uniporme. Noon, natatawag akong doktor pero ngayon na nandito ako sa loob ng kulungan, isa na lang din akong masamang tao sa paningin nila at kagaya nila na may ginawang kasalanan na walang karapatan at dapat pagdusahan.
Naalala ko pa noon kung paano ako makipagsabayan sa pagsasalita ng wikang ingles sa mga kasama ko sa ospital,ngayon iba't ibang salita na ang naririnig ko. Maraming dayalekto at para bang sarili nilang lenggwahe na sila lang ang nagkakaintindihan.
I know almost each and every one's secret here. Drug dealers. Syndicates. Owner of a place where cybersex happens. I can hear them, but I don't care. My girlfriend is a lawyer and I don't want her to know these issues inside because surely, she will expose them and her life would be in danger.
I still remember that night...
Isang gabi...
Na tuluyang pumutol sa mga pangarap ko para sa aming dalawa ni Alex, para sa sarili at pamilya.
~"Boss, checkpoint" I opened my windows and the police suddenly smiled.
Hinayaan ko silang tignan ang loob ng sasakyan, wala naman akong itinatago.
I am a Doctor and I have dreams in life. I don't want my plans to be ruined. I want everything to be perfect. Someday...
"Boss? Ano po ito" tanong niya sa akin. I don't know what's that so I didn't talk. I composed myself after I felt a quick panic attack when I saw that. Alam kong maliit na sukat lang iyon ng drugs pero sigurado akong hindi sa akin iyon. Alam ko ang itsura noon dahil sa mga napag-aralan ko pero I never used it, or even sell. Gusto ko sanang sumigaw kaagad at magwala pero naalala ko ang shinare sa akin isang beses ni Alex habang nirereview niya muli ang Miranda Rights.
Habang nakatingin sa maliit na pakete na hawak ng pulis, huminga ako nang malalim. Inaalala ang mg salita na sinasambit ni Alex habang nagrereview para sa BAR Exam. "You have the right to remain silent. Anything you say can be used against you in a court of law. You have the right to an attorney. If you can not afford to an attorney, one will be provided for you. Do you understand the rights I have read to you? With these rights in mind, would you speak to me?"
"Sir, SPO3 Fernandez SR., Pasensya na po hindi ko po alam kung ano iyan" nanginginig kong sinabi sa kaniya dahil sa takot at kaba. "Boss,pwede natin itong idaan sa matinong usapan. Madali naman akong abutan." Sabi niya sa akin but hinding hindi ko yun gagawin. "Sir, idaan na lang po natin sa legal na paraan." Alam ko delikado at hindi sigurado pero hindi ko ipagpapalit ang dignidad ko sa ganitong bagay.
Nasa tama ako kaya alam ko kung dapat akong lumaban ng legal at patas.
"Boss, Alexander Del Valle? Sa prisinto na lang po tayo boss. Isa po pala kayo sa mga nasa drug watch list eh" Mayabang na sabi niya sa akin. Hindi ako affected. I am hundred percent sure that I am innocent.
YOU ARE READING
CAPTURED
RomanceDisclaimer: This is a Work of Fiction... This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, li...