9

2 0 0
                                    


"Happy Anniversary, Love!"

It is the 13th of the month, ang pinakamasayang araw para sa akin lalo na sa buwan ng Pebrero.

Ang pinakamahalagang dalaw na hindi dapat pinapalagpas sa buong taon. Sa araw na ito, nakakakita ako ng pinakamagandang ngiti ng pinakamahal ko.

"Happy Anniversary, Alex!" Ramdam ko ang pagmamahal sa bawat salitang sinasambit niya.

Kung sana hindi siya napahamak, kung sana wala siya dito... baka mas masaya.

Maybe we are celebrating it happier than what we are right now. Pero thankful ako, dahil kahit ganito ang sitwasyon naming dalawa, we are still fighting for our relationship.

Sana sa susunod na ika-13 ng buwan, matapos na ang lahat ng ito.

Nasa mga bisig niya ako nang bigla na siyang tawagin ni PO1 Fernandez,

"Del Valle, tapos na ang oras ng dalaw. Attorney, pasensya na po pero oras na po"

Tinignan ko siyanang nagmamakaawa, "Sir, baka pwede yung request ko kanina? Hindi naman po ako madalas dito" sambit ko nang nangingilid ang mga luha.

Mabait siyang pulis at sigurado akong pagbibigyan niya ako. "Sige na." bigla nitong sinabi habang malamig ang pakikitungo. Nagpasalamat ako sa kanya at ibinigay kaagad kay Alex ang atensyon.

Niyakap ko siya at binulong na isuot niya ang coat and tie na dinala ko para sa romantic date naming ngayong gabi bago pa siya bumalik sa loob ng selda. Kinuha niya agad habang nakangiti at saka dumiretso sa CR

Habang naglalakad siya ay sumigaw ako. "I'll wait for you, love!" 

CAPTUREDWhere stories live. Discover now