A letter to Atty. Allecxa Ramirez,
Bakit ka ganyan? Hindi mo pa din ba napapansin na gustong gusto kita? Pinagbibigyan kita sa mga pabor na hinihingi mo sa akin kahit pa minsan ikakapahamak na nito ang pagiging pulis ko? Hindi mo pa din pala ako mapapansin kahit pa pinagawan ko na ng paraan sa tatay ko na makulong ang boyfriend mo. Akala ko mas aangat na ako sa paningin mo, pero siya pa din ang gusto mo.
Hindi ko alam kung hahayaan kita o aagawin kita. Bahala na pero gusto kita.
Gusto ko maging akin ka,kahit sa maling paraan pa. Hiniwalayan ko si Juliana dahil gusto na kita at ayaw kong nakatali ako sa kanya habang nasayo ang nararamdaman ko.
Wala na akong pakialam sa iba basta ang sigurado ko,gusto kita.
-PO1 Dave Rance Fernandez Jr.
YOU ARE READING
CAPTURED
RomanceDisclaimer: This is a Work of Fiction... This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, li...