Short Story #3

84 13 4
                                    

     Hi! Ako nga po pala si uhm itago na lang natin sa pangalang Ella Razel White. Kung napansinniyu agad, pinaghalo-halong Cinderella, Rapunzel at Snow White. Pero syempre Filipina ako. 1970 ako ipinanganak meron lang akong simpleng buhay. Nag 3rd year highscool na ako nung nagka-crush ako sa isang super good looking guy nasikat sa school dahil siya ang pang-laban namin sa mga singing competition, kaso nga lang 4th year highschool na siya at gagraduate na. Ako naman, hindi ako nabiyayaan ng Diyos ng magandang itsura para maging kapansin-pansin pero may talent ako pag-dating sa pagpipinta. Ikukwento ko sa inyo kung ano ang naging Masaya ang buhay pag-ibig ko dahil sa kanya. Ang saya lang talaga.

     2nd week of school days nung naging crush ko siya, Charles nga pala pangalan niya. Naglalakad ako sa hallway papuntang art club nang mapadaan ako sa glee club kung saan siya member. Sumilip ako sa bintana kumakanta siya ng isang kanta na hindi ko alam pero bigla kong nagustuhan dahil sa ganda at lamig ng boses niya. Hayz yun pala pinaka-charm niya, ang kanyang boses. Nagsisisi nga ako, bakit ngayon pa ako nagka-crush sa kanya samantalang 1st year pa lang ako studyante na rin siya doon. Ang tagal ko na kayang naghahanap ng inspirasyon.

     Tumagal ng tumagal ang school year, every time na may activity ang school namin, madalas isa sa mga special number ay ang pagkanta niya tapos lage akong focused sa pagkinig sa kanya. Eh kahit nga ang pagkanta niya ng Lupang Hinirang hindi ko pinapalampas. Hayz inlove na yata ako sa kanya! Araw-araw lage akong pumapasok ng maaga at naka-dungaw sa bintana para lang makita siyang papasok sa school. Hindi nagtagal napansin at nahalata ito ng kaibigan kong si Brenda. Oh my! Grabe siya makapang-asar. Pero aminado naman siya na super cute naman kasi talaga niya, dati na rin daw niyang crush si Charles. Eh ako kasi later ko lang narealize na napaka-cute niya. Kaya kapag sa canteen doon kami umuupo malapit sa tambayan ni Charles at ng mga barkada niya, syempre doon ako sa view kung saan kitang kita ko ang kanyang mukha. Minsan pa nga ang effort ko, pinepredict ko pa kung kelan siya tatayo para mag-CR kaya ginagawa ko, inuunahan ko siyang pumunta ng CR. Tapos babasain ko kamay ko para kunwari naghugas lang ako ng kamay tapos ayun, paglabas ko ng CR makakasalubong ko siya ng papasok pa lang. Nakakakilig! Hindi ko siya maamoy pero feeling ko mabango siya dahil lagi siyang pumapasok ng nakaayos at plantsado ang suot na uniform. Everyday is mixed emotions, di ko alam kung crush ko lang talaga siya or sadyang patay napatay ako. Pero gusto ko talaga siyang nakikita araw-araw. Basta parang ‘Happy Crush’ ko siya. Masaya ako tuwing nakikita ko siya.

     Lumipas ang ilan pang buwan nagkaroon ng painting contest. Ang theme ay nature. Sa umaga yung contest proper, after lunch ina-announce agad winner. Shet! Yun na yung chance para magpakitang gilas, sisikat ako sa school kung mananalo ako, makikilala na rin ako ng Happy Crush ko kahit sa pangalan at mukha lang. So nung umaga, hindi ko pa rin alam kung ano ang ipipinta ko. Nalaman kong ang magiging host ng program ay si Charles at yung isang matalinong studyante samin. Edi syempre nainspire ako, naalala ko tuloy yung kinanta niya nung dumaan ako sa club nila. Sabi sa lyrics, its a picture of peace with love on the air, hindi ko alam kung paano ko gagawin yun, may lumulutang na puso sa hangin? Mga ganon? Joke lang, nagpinta ako ng isang magkasintahang magka-holding hands na nakaupo sa isang burol sa ilalim ng isang puno habang nanonood ng isang sunset. Ginawa kong parang peaceful ang ambience hindi masyadong matitingkad ang kulay at hindi masyadong showy pero sinisigurado kong magi-standout siya.

    Hapon na nun, syempre pina-sample nanaman si Charles ng isang kanta. Hayz so cute niya talaga habang kumakanta sa stage. After nun? Guess what ang swerte ko nga naman talaga, 1st place yung pinaint ko! OMG! Syempre yung mga host at yung head ng program nag-award sakin ng medal at may picture taking pa! Kainis nga lang tong head ng program na toh! Humarang pa! Yan tuloy hindi ko nakatabi si Charles, yung partner lang niya katabi ko. Okay lang at least first time niya akong kinausap, sabi niya “congratulations”. Sa isang word nay un parang may mga choir ng anghel ang bumaba sa langit at kumakanta ng hallelujah sa sobrang kilig ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

All Those DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon