Part 2

144 12 3
                                        

Nagkita ulit kami ni Mikey sa park kinabukasan. At sa sumunod na araw at sa sumunod ulit na araw hanggang sa umabot ang isang linggong palagi kaming magkasama.

Napakasaya ko sa mga araw na iyon. Parang may isang anghel na bumagsak sa lupa at sa buhay ko ay napadpad. Ang swerte ko at nakilala ko siya. Magkasundo kami sa lahat ng bagay, sa pagkain, sa music, sa libro at sa ugali.

Hindi maipagkakaila na mabait siya. Siya na ang pinakamabait na tao na nakilala ko.

Unti-unti ng nahuhulog ang loob ko sa kanya at alam kong ganoon din siya sa akin.

Naalala ko ang unang beses na hinawakan niya ang kamay ko ay may kung anong kuryenteng dumaloy mula sa kamay niya papunta sa puso ko. Alam ko na simula noon na may pagtingin na ako sa kanya. Ganito pala ang pakiramdan ng mainlove. Masaya pero nakakatakot.

Nakakatakot in the sense na, paano na pag nawala siya? Kakayanin ko kaya? Ang mga tanong na iyon ang bumabagabag sa akin.

Nawala lang pansamantala ang takot kong iyon ng magtapat na siya sa akin. Mahal daw niya ako. Alam ko naman iyon. Palagi niyang pinaparamdam sa akin na espesyal ako.

Itinago namin sa mga magulang namin ang aming relasyon dahil mga bata palang kami. Alam kong magugulat ang mga magulang ko kapag sinabi ko sa kanila ang tungkol dito. Ang alam nila ay wala akong pakialam sa tao sa aking paligid tapos eto ako, nagmamahal sa isang lalaking ngayon ko lang nakilala.

Sa huling araw ng semestral break ko ay nagkita ulit kami sa park. Hindi ko matanggap ang mga sinabi niya.

"Im sorry Amina pero makikipag hiwalay na ako sa iyo."

Pakiramdam ko, nagunaw ang mundo ko. Hindi ako makahinga.

"Pupunta na kami ng States ng family ko at doon ako magpapasuri sa doctor. Doon narin kami maninirahan for good."

"IIwan mo ako?" pinunasan ko ang mga luhang tumutulo mula sa mga mata ko.

"Im sorry but It's time to say goodbye.Mamimiss kita Amina" hindi ko alam kung namalikmata lang ako o totoong may tumulo ding luha sa mga mata niya.

"I hate you! Hindi kita mamimiss. Masama ka, iiwan mo ako." hindi ko alam kung naintindihan niya ang mga sinabi ko dahil mas malakas pa yata ang iyak ko ngayon.

"Im really sorry, If I only had a choice. I'll choose to stay beside you. I'll hold your hand until forever comes."

"There's always a choice Mikey. We can be forever as long as you will stay, here, with me?."

Hinawakan ko ang mga kamay niya.

"Please stay Mikey? I love you."

"No, it cannot be. I can't stay.It's imposibble. We can't be together anymore. I need to go."

"Why?" sumisikip ang dibdib ko sa mga nangyayari.

"Hindi ko pwedeng sabihin. Just please listen to me. I love you Okay? I always have and I always will."

"Paalam Amina, mahal ko."

Unti unti siyang naglakad palayo. Hindi ko na siya napigilan pa. Parang namanhid ang buo kong katawan. Wala akong maramdaman.

Umuwi ako sa bahay namin ng balisa. Hindi ako makakain. Hindi rin ako makatulog. Laging siya ang nasa isip ko.

Iyak ako ng iyak sa kwarto ko. Pilit kong pinipigilan ang pag-iyak perowala talaga. Ayaw makisama ng mga mata ko. Lagi kong nakikita ang mukha niya lalong lalona ang mga mata niya kahit saan ako tumingin.

Pinilit kong maglakad pababa ng hagdan upang kumuha ng tubig nang biglang kumirot ang puso ko. Halos mapahiga ako sa sobrang sakit.

"Hindi Pwede, Hindi ngayon."

Pinilit kong itapak ang mga paa ko pababa ng hagdan ng biglang nagpagulong gulong ako sa pababa ng hagdan at nawalan ng malay.

HIS STARE (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon