Part 3

173 18 31
                                        

Paggising ko ay wala ako sa kwarto ko. Nararamdaman ko, nasa ospital na naman ako. Nakita ko sina Mommy at daddy sa tabi ng kama ko.

"Ma?, Da?"

"Ang anak natin Alfred,gicing na."

"Sa wakas, nagising ka na anak" yumakap ng mahigpit sa akin sina Mommy at Daddy. Kanina pasiguro sila umiiyak dahil namumugto ang kanilang mga mata.

"Bakit po?"

"Wala anak, magpahinga kana muna."

"Sabihin niyo sa akin, may nangyare po ba? Mamamatay na po ba ako?" noon palang ay tanggap ko ang ang maaaring mangyare mula ng matuklasan nila ang tungkol sa sakit ko sa puso.

"Shhhh, no baby, wag mong sabihin yan anak. Hindi kami papayag ng Daddy mo. Gagawin namin ang lahat."umiiyak parin sina Mommy at Daddy.

"Wag na po kayong umiyak, ok lang po ako. Mabuti po magpahinga muna kayo."

"Hindi anak, dito lang kami."

*toktoktok

"Excuse me po Mister at Misis pero pinapatawag po kayo ng doctor. Sa tingin ko po may heart donor na po ang anak niyo." narinig kong sabi ng nurse.

"Ma, cge punta na po kayo, ayos lang ako dito."

"Cge anak, salamat sa diyos at may mabuting tao na tutulong sa atin. Magpahinga kana muna"Hinalikan ako nila Mommy ay daddy sa pisngi bago lumabas.

Gusto ko rin sanang makilala ang taong magdodonate ng puso niya sa akin. Gusto kong magpasalamat sa kanya kaya naman tumayo ako sa higaan ko at dahan dahang lumabas sa kwarto.

Nakita ko sina Mommy at Daddy na kausap ang doctor. Nagtago ako sa likod ng halaman para hindi nila ako makita.

"Im sorry misis pero ayaw magpakilala ng donor. He wanted to be anonymous as much as possible."

"Ganoon ba Doc? Pakisabi nalang po sa pamilya niya ang pasasalamat namin. Utang na loob namin sa kanya ang buhay ng anak ko"

"Makakarating po. Wag kayong mag alala."

Hindi ako makakapayag na hindi ko mapasalamatan ng personal ang taong magdurugtong ng buhay ko. Kung hindi dahil sa kanya, hindi na sana kami ulit magkikita ni Mikey.

Oo,napagpasyahan kong sundan siya sa States. Wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Hahanapin ko siya kahit alam kong mahirap. Hindi ako susuko.

Sinundan ko ang doctor na kausap kanina nina Mommy at Daddy hanggang sa makarating kami sa room na may nakasulat na ICU.

"Nasabihan ko na po yung receiver ng puso ng anak niyo. Lubos po silang nagpapasalamat sa inyo."

Nakita kong may kausap ang doctor na isang matandang babae na iyak ng iyak.

"You did the right thing anak, were so proud of you. Kahit sa mga pagkakataong ito ay nakuha mo pang tumulong. Im so blessed that you are my son. We love you so much Mikey."

"Mikey."

"Mikey."

"Mikey."

"Mikey."

"Mikey???"

Itinulak ko ang pintuan at dali daling pumasok sa loob ng silid. Hindi nga ako nagkakamali,si Mikey nga ang nakikita ko.

"Ah, iha, anong ginagawa mo dito. Kailangan mong magpahinga sa kwarto mo,hindi ka pwedeng pumasok dito."

Hindi ko pinakainggan ang doctor at tuloy tuloy pa din ako sa pagpasok.

Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko.

Nandito sa harap ko ngayon si Mikey pero makina nalang ang bumubuhay sa kanya? Anong nangyare?

"Mikey, gumising ka diyan. Nandito na ako. Wag mo akong iwan."

Nanlulumo ako sa nakikita ko. Napakamapaglaro talaga ang tadhana. Si Mikey ang heart donor ko? Bulag lang siya, hindi pa siya mamamatatay.

"Ikaw siguro si Amina. Lagi kang kinukwento ni Mikey samin. Alam ko kung ano ang iniisip mo. Kung bakit siya nandyan nagayon."

Kahit mahirap magsalita ay nakikita kong pinipilit ng Mama ni Mikey ang magkwento.

" Noong nakaraang buwan lang ay nabundol sa Mikey ng kotse dahil sa sinubukan niyang iligtas ang isang matandang muntik ng masagasaan. Nailigtas niya ang matanda pero siya ay hindi nakaligtas. Nabunggo siya kaya siya nabulag. Hindi lamang iyon. Nagkaroon siay ng tumor sa kanyang ulo sanhi ng pagpapabagok niya.Binigyan narin siya noon ng taning ng doktor."

"Napakabait niyang bata. Bakit siya pa?" humagulgol ulit ang mama ni Mikey.

Hindi ako makapagsalita. Naparami kong nalaman. Si Mikey? Hindi maaari.

"Hindi ko po matatanggap ang puso ni Mikey. Hindi ko po kaya. Mas mabuti nalang na mamatay ako kaysa kunin sa kanya ang puso niya."

"Kunin mo man o hindi ang puso niya, mamamatay parin siya." sabat ng doktor.

"Wag mong sabihin yan. Hindi siya mamamatay. hindi maaari.

Mikey!! " hinawakan ko ang kamay niya.

"Gumising kana please. Ako ito, si Amina. Kailangan kita. Kaya mo yan. Matapang ka."

Biglang kumirot ang puso ko. Napahawak ako dito at unti unting bumagsak. Unti unti na din akong nawalan ng malay. Narinig ko ang boses ng Mommy at Daddy ko na humahangos upang daluhan ako.

"My God, anak. Doc, tulungan niyo po kami."

Ayoko na. Pagog na pagod na ako. Gusto ko ng magpahinga.

"Mikey!" huling sambit ko kasabay ng pagpatak ng aking luha.

Isang taon na ang nakakalipas mula ng naging successful ang heart transplant ko. Simula noon, palagi na akong pumupunta sa park at nagpapakain sa mga bata doon.

Hindi ko man kasama si Mikey ngayon ay nararamdaman ko naman ang pagmamahal niya sa akin at sa ibang tao.

Lubos ang pasasalamat ko sa maykapal dahil minsan sa buhay ko, dumating ang isang tao na nagturo sa aking umibig at magmahal. Ang dating walang kulay kong buhay ay nagbago. Punong puno ngayon ng pag-asa ang puso ko.

Hinding hindi kita makakalimutan Mikey lalo na ang mga mata mo.

The End.

VOTE.

COMMENT.

FAN.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 30, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HIS STARE (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon