PROLOUGE
Nandito ako ngayon sa park. Kakatapos lang ng exams namin kaya naisipan kong mamasyal muna. Wag kayong magtaka kung wala akong kasama dahil wala talaga akong kaibigan. Mas gusto ko ang mag-isa. Mas narerelax ako pag wala akong kasama. Umupo ako sa may bench sa ilalim ng puno at inilabas ko ang ipod ko at nagsimulang magpatugtog ng kanta ng paborito kong singer na si Taylor Swift.
"And this love is ours!" sinasabayan ko ang kanta habang nakapikit.
Ang sarap talagang magrelax lalo na pagkatapos ng nakakastress na pag-aaral.
Pagkatapos ng ilang minuto ay iminulat ko ang mga mata ko. Halos tumindig ang aking mga balahibo pagkakita ko sa isang lalaking nakatingin sa akin.
Tumingin ako sa aking likuran kung may tao pero wala naman. Ang ibig sabihin talaga ay sa akin nakatitig ang lalaki.
Dahil sa takot ay bigla nalang akong natapayo at dahan dahang umalis sa kinauupuan ko.
Hindi talaga ako sanay sa attention. Lalo na kapg may tumitingin sa aking taong hindi ko kilala.
"Babalik nalang siguro ako dito bukas" sabi ko sa sarili ko habang naglalakad palayo.
Hindi ko maiwasang hindi lumingon sa lalaking iyon. Kaya naman bigla akong napatingin sa aking likuran at nakita ulit siyang nakatitig sa bench na pinanggalingan ko.
"Hindi naman pala ako ang tinititigan eh kung hindi yung upuan, hahaha, asa naman ako. Pero infairness, gwapo siya."
Nagulat nalang ako sa mga sinabi kong iyon. Bago pa ako tuluyang mabaliw, uuwi nalang ako.
Kinabukasan, maaga akong pumunta sa mall para magpalamig. Semestral break na kaya masayang masaya ako. Makakapag shopping ulit ako.
Pumasok ako sa Jellybean upang bumili ng cardigan. Kung ano ano pa ang nabili ko doon. Pagkatapos kong magshopping ay dumiretso ako sa park upang magpahinga.
Kapag ganitong semestral break ay ako mismo ang nagmamaneho ng kotse ko. Mayroon naman na akong student license eh.
Pagkarating ko sapark ay agad akong umupo sa damuhan. Dun ako sa banda na walang maraming tao. Doon sa ako may gilid banda sa likod ng puno. Sumadal ako sa katawanng puno at nilabas ko ang binili kong crisscut fries at hashbrown burger. Nakakaisang subo palang ako nang may marinig akong maingay. Parang may humihilik.
Tumayo ako at pinagpag ang yellow neon skirt ko at agad hinanap ang maingay na iyon.
Kung saan saan ako naghanap. Nakarating pa ako sa kabilang dulo ng park sa kakahanap. Ng mapagod ako ay bumalik na ako sa pwesto ko upang magpahinga.
*krrrrkkkk*
Ayun na naman ang hilik. Pumunta ako sa kabilang banda ng puno at doon ko nakita ang isang napakagwapong lalaki na natutulog.
Napako na yata ako sa kinatatayuan ko dahil hindi ako makagalaw. Saang lupalop naman kaya nanggaling ang lalaking ito at sobrang gwapo. Siguro noong umulan ng kagwapuhan ay basang-basa siya.Mabuti nalang at hindi siya nagkasakit.
"Naku, ano ba itong iniisip ko."
Napalakas yata ang pagsabi ko kaya naman napagalaw ng konti ang lalaki. Mabuti nalang at hindi siya nagising.
Matagal pa akong nakatitig sa kanya nang may bigla akong maalala.
"Teka, siya yung lalaki kahapon ah.Yung nakatitig sa akin, este sa upuan ko pala. Hindi ako maaaring magkamali"
Naisip ko nakahit gwapo ito ay baka may gawing masama ito sa akin. Hahakbang na sana ako paalis ng may nakita akong isang stick sa tabi niya. Linapitan ko ang bagay na iyon.
"Walking stick ito ah. Wag mong sabihing bulag ka?" Para akong tanga dahil kinakausap ko ang tulog.
"Oo bulag ako, bakit? Sino ka?"
Napatakip nalang ako sa bibig ko ng marinig kong magsalita ang lalaki. Gising na pala siya. Hindi ko man lang napansin. Hala, lagot.
Aalis na sana akong bigla ulit siyang magsalita.
"Huwag ka munang umalis please. Samahan ko munaako dito kung sino ka man."
"Ako nga pala si Mikey,taga diyan lang ako sa may malapit na subdivision."
"Ikaw, anong pangalan mo?"
Hindi agad ako nakasagot dahil nakatitig ako sa mga mata niya. Ang ganda.Hindi ko lubos maisip kung bakit siya naging bulag.
"heloo?"
Bumalik lang ako sa pagiisip ng mag salita ulit siya.
"Ah, ako pala si Amina"
"Amina, ang ganda ng pangalan mo. Babae ka pala. Palagi akong nagpupunta dito sa park. Araw araw akong nandito.Bakit parang ngayon lang kita nakita? Ah, ang ibig kong sabihin ngayon lang tayo nagkatagpo."
"A-ah,e-eh ngayon lang ulit ako pumunta dito kasi sembreak na namin.Ikaw? Hindi ka ba nag-aaral?"
Hindi ko alam pero parang ang gaan ng loob ko sa kanya. Siguro dahil hindi siya nakakakita kaya naman hindi ako na coconscious na may kasama ako. Dapat ba akong matuwa o malungkot dapat?
"Home study lang ako. Nag-aaral ako kung pano magbasa gamit ang braile."
"Ibig sabihin ngayon ngayon ka lang nabulag?"
"Ahy, sorry"sabi ko.
"Ok lang, OO last month lang ako nabulag."
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nakikita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.
"Teka lang, may kukunin lang ako ha." Pumunta ako sa pwesto ko kanina at kinuha ang mga binili kong pagkain.
"Eto para sayo. Burger at fries yan." Inabot ko sa kanya ng pagkain.
"Salamat dito ha. Pwede mo ba akong samahan?"
"Ha?Cge,san tayo pupunta?"
"Diyan lang sa may harap ng simbahan"
"ah, ok cge.Sandali lang, kukunin ko lang mga gamit ko."
Nauna siyang maglakad sa akin. Kahit bulag siya ay dire-diretso siya sa paglalakad. Halatang kabisado na niya ang nga daanan dito.
Huminto kami sa harap ng simbahan. Nakita ko siyang lumapit sa mga batang namamalimos at sabay inabot ang pagkaing binigay ko sa kanya.
Namangha ako sa aking nakita. Mabait pala talaga siya. Nagagawa pa niyang tumulong sa kabila ng kapansanan niya. Pero ano kaya ang dahilan kung bakit siya nabulag? Naiintriga talaga ako. Ngayon lang ako nagkaroon ng interes sa isang tao.
"Tara na?"
Nasa harap ko na pala siya. Napapansin ko na lagi na akong napapatulala simula pa kanina.
"Saan naman tayo pupunta?"
"Ikaw ba? Baka gusto mo ng umuwi,ok lang sa akin." sabi niya sa akin iyon habang nakangiti.Grabe, ang pula ng lips niya.Ang sarap halikan.
Ano ba itong naiisip ko. Pinagnanasahan ko ang walang kamalaymalay na lalaking ito, at sa harap pa talaga ng simbahan ha.
"Ah, cge uuwi na ako.Ok lang ba sayo?"
"Oo, salamat sa pagkain Amina.Hanggang sa muli."
Parang ang bigat ng pakiramdam kong aalis. Parang gusto ko pa siyang makasama. Gusto ko pa siyang makilala.
"a-aah Mikey!"
"Ano yun?"
"A-ah, e-eh, pwede ba kitang yayain bukas. Dito rin sa park."
"Sure,anong oras?"
"Kahit hapon din.Wala kasi akong kaibigan eh, pwede bang ikaw nalang ang kaibigan ko?"
"Sigurado kang kaibigan lang? Baka ka-ibigan gusto mo?"
"Ha? Hindi naman.Kaibigan lang."
"HAhaha, biro lang yun. Cge ba. Basta bukas,kita kits tayo."
"Cge.!"
![](https://img.wattpad.com/cover/2533388-288-k881737.jpg)
BINABASA MO ANG
HIS STARE (ONE SHOT)
Ficção AdolescenteHis Stare (One Shot) Isang simple at boring na buhay- yan ang buhay ko bago ko nakilala si Mikey. Sa hindi inaasahang pagkakataon, at sa hindi inaasang tao, naging magulo at makulay ang buhay ko. Dahil sa mga titig niya, nagsimula ang lahat ng ito.