Untitled 1

25 1 0
                                    


Unang araw ng pasukan ngayon. Kinakabahan ako, I just transferred here at wala akong kaibigan.

Napa-iling ako sa iniisip ko. Wala din naman akong kaibigan sa dati kong school.

"I'm Yna Samantha Salvador," pagpapakilala ko sa aking sarili.

Pinagtitinginan ako ng mga ito habang tinatahak ko ang upuan sa pinakalikod.

Naging tahimik naman ang buong klase, hindi ako masyadong nahirapan kasi wala namang group activity na naganap.

Nagdidiscuss ang professor namin ng may biglang,

"Ma'am, sorry I'm late." bumukas ang pinto at lumabas ang isang lalakeng hingal na hingal habang hawak ang kanyang dibdib.

Kita sa mukha ng prof ang pagkairita sa ginawa nung kaklase kong nalate. Pero dahil nasa gitna kami ng discussion pina-upo niya lamang ito.

Dumaan siya sa grupo ata ng mga kaibigan niya at lihim na nakipag-apir. Duon ko lang napansin na patungo pala siya sa upuan na katabi ko.

Umupo siya sa tabi ko. Nagtagpo ang mga mata namin at tipid lamang siyang ngumiti sa akin.

Nagpatuloy ako sa pagsulat ng notes. Pero hindi nagtagal ay bigla niya akong kinausap.

"Bago ka?" mahina nyang sabi.

Nilingon ko siya at tumango.

Inabot niya ang kanyang kamay, "I'm sean."

Tinanggap ko ito, "Yna,"

Nang matapos ang unang klase ay agad na nagsilabasan ang mga kaklase ko. Inayos ko ang mga gamit ko, may tatlong oras kaming bakante at hindi ko alam kung saan ako tatambay.

Bumili ako ng pagkain sa cafe sunod ay umalis ako doon para pumunta ng library.

Pagdating ko sa library ay pumwesto ako sa pinakalikod na part, malayo sa lahat lalong lalo na sa librarian.

I opened my ipad at nilibang ang sarili ko sa pags-sketch ng mga nakikita ko.

Bagong salta lang ako dito sa Davao. Lumipat kami ni mama dahil sa trabaho niya. Wala na yung papa ko, nasa ibang pamilya na at wala na rin akong contact sa kanya. Galing kaming Cagayan De Oro, dun ako lumaki. Pero kahit na ganon ay wala akong maituturing na tunay na kaibigan dahil sa hindi ko malaman na rason. May vibe ako na ayaw ng mga tao, lalong-lalo na yung mga babae doon.

Napakibit-balikat ako ng maalala ko ang mga napagdaan ko sa lugar na yon. I never felt welcome. Sa pagkakaalam ko, 18 years old lang si mama ng mabuntis sa akin. Pareho silang highschool ng papa ko, kaya rin siguro hindi nagwork sa kanila dahil nagpadalos dalos sila.

Lumaki ako na si mama lang ang naging constant sa buhay ko. Hindi rin ako malapit sa mga kamag-anak namin, especially yung lola ko. Hindi man nila sabihin, ako ang bunga ng kahirapan ni mama. Nang dumating ako, nasira lahat ng mga pangarap niya para sa kanyang sarili.

"pwede maki-share ng upuan?"

Nag-angat ako ng tingin sa lalakeng nakatayo sa tapat ko. Si Sean. Bitbit niya ang kaniyang laptop at iilang gamit.

Tumango ako.

Nang makita niya ang pagtango ko ay agad kong napansin ang pag-angat ng kanyang labi at mabilisan na umupo sa tapat ko.

Napatingin ako sa paligid, marami namang bakante upuan at mesa sa medyo malayo sa akin. Sa di kalayuan ay kita ko rin ang matatalim na titig ng isang babae na naka-upo sa di kalayuang mesa. Itim ang kanyang buhok na hanggang balikat lang, kasama nito ang iilang babae din.

"From what school ka galing?" sean decided to break the ice.

Sandali ko siyang tinignan bago pinagpatuloy ang pagguhit sa ipad ko.

"Xavier University," tipid kong sagot.

Sa mga instances na ganito, naguguluhan ako kung bakit ako nilalapitan ni Sean. Ano kayang kailangan nito.

I saw him nod in my peripheral view. He opened his laptop.

We stayed quiet for a long time before he decided na magsalita ulit.

"Hmm, bakit ka lumipat ng school?"

Nilingon ko ulit siya, "ah, dahil sa work ni mama,"

Hindi ako sanay na magpatagal ng mga conversation kaya mas nagiging awkward ang ambiance dito sa banda ng library. He is trying to make a conversation!

"Wala ka bang kakilala dito?" he played his pen, pinaikot ikot niya ito sa kanyang mga daliri.

Umiling ako. Kahit naman sa school ko dati, wala talaga akong kaibigan.

"Well, at least now meron na," ngumiti siya sa akin, exposing his dimple on his right cheek.

Awkward akong tumango.

"kung gusto mo, pwede kang sumabay sa akin maglunch."

Agaran akong umiling, "Ah hindi na, nakakahiya naman sa mga kaibigan mo." I immediately concluded na kasama niya ang mga kaibigan niya mama maglunch.

E sa nahihirapan na nga akong makipag-usap sa kanya pano pa kaya kapag maraming tao na ang kakailanganin kong kausapin.

"No, no, if gusto mo tayo lang muna para maging comfortable ka kahit papano."

Medyo nanliit ang mga mata ko sa kanya. Tinatansya ko kung bakit parang ang bait-bait niya sa akin. He's so willing to accompany me kahit na ang ibig sabihin nun ay ang hindi niya pagsabay sa mga kaibigan.

Napakamot siya sa kanyang ulo, "Pansin ko kasing medyo tahimik ka, naiisip ko na baka nahihirapan ka mag-adjust?" he reason out.

Tipid akong ngumiti sakanya bago binalik ang tingin ko sa ipad. "Sanay naman na ako, hindi na kailangan,"

Tumahimik siya bigla kaya napatingin ako sakanya. Naabutan ko siyang nakatitig sa akin. Alam ko na he is already judging me right now. But whatever.

"Hindi ko alam kung anong kailangan mo, pero hindi mo kailangan na maging kaibigan ko. And 'wag kang maawa sa akin" deretcho kong sabi.

Gwapo si sean, aaminin ko. Makapal ang kanyang kilay at matangos ang kanyang ilong, parang spanish model kung di naka uniporme. Mula naman dito sa inuupuan ko, kita ko ang kung paano nakadepina ang kanyang mga panga, at kung gaano ka pula ang kanyang manipis na labi. And being friends with this type of person? Panigurado magiging impyerno na naman ang buhay ko dito.

Kumunot ang kanyang noo ng marinig ang mga sinabi ko. "What do you mean?"

Umiling lamang ako at hindi na nagsalita.

"Sungit mo pala," narinig kong bulong niya.

TO LOVE AGAINWhere stories live. Discover now