For the next days, naging buntot ko si Sean. At first, super annoying pero kalaunan annoying parin naman siya sa pananaw ko pero kahit konti ay nasasanay na ako sa presensya niya.
Nagtataka nga ako, kasi kahit anong pambabara ko sakanya e hindi naman siya na o-offend,
"tae ka ba?" hirit niya ulit.
"hindi" i rolled my eyes at binalik ang atensyon ko sa sinusulat.
"hay nako," napaface-palm siya. "Cooperate please,"
Nandito kami sa likod ulit ng school. Gumagawa ako ng assignment na kanina lang binigay para wala na akong iisipin pa sa susunod na mga araw.
"ano ba yang ginagawa mo, hindi mo na naman ako pinapansin e." kinuha niya yung yellow paper ko. "next week pa to a,"
"So? Gagawin ko din naman yan, ba't di pa ngayon?"
Ngumisi siya at parang baliw na tinakpan ang mukha niya ng kanyang mga palad, "Nagiging ideal na kita, alam mo yun?"
"Ewan ko sayo," hinablot ko yung papel ko.
Humalakhak lang naman siya. What's new? Talagang masaya naman siya kapag na-aasar niya ako e.
Tanging hangin lang ang nag-iingay sa lugar. Si Sean naman ay nabored na rin ata at kumuha na rin ng papel at gumawa ng assignment. Ba't ba kasi andito to, pwede naman siyang sumama sa mga barkada niya.
"Di ka na ata sumasama sa mga kaibigan mo?" tanong ko.
Nagkibit-balikat siya, "sawa na ako sa pagmumukha ng mga yun," seryoso siya sa pagsasagot.
Natapos na ako kaya napagdesisyonan ko na ako na naman ang mangungulit sa kanya ngayon.
"bilis mo palang magsawa," parinig ko sakanya
Napatingin siya sa akin. Seryoso at walang bahid ng pagbibiro. "kung tingin mo magsasawa ako sayo, then nagkakamali ka"
Tinitigan ko siya, ine-examine ko kung anong kalokohan na naman kaya ang nasa isip nito. Ayaw kong magexpect na seryoso siya, pero mahirap kasi siyang basahin kasi naman pag-iba iba yung mood niya. Minsan seryoso ngunit madalas naman na nagbibiro.
"Duh, okay lang naman na magsawa ka sakin no. It's not like I'm used to long term friendships,"
Magtatatlong buwan palang kaming magkakilala. Pero sa loob ng mga araw na yun, wala namang nagtangkang maging kaibigan ko maliban sa kanya. I'm civil with all my classmates, pero hindi naman nila ako sinasamahan di gaya nitong makulit na Sean na ito.
Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan niya. He lick his lips, tinabi ang mga gamit at seryosong tinignan ako.
"Alam mo, I'm so interested in you. Pero nahihirapan akong kilalanin ka kasi tinatago mo sarili mo," he rested both of his elbows sa mesa. "I want to know you,"
"You already know me," i chuckled.
"More" medyo naging magaspang ang boses niya ng binitawan niya ang salita.
Umiling ako. Naiinis ako sa tuwing ganito. "I'm not used to this, okay" kinuha ko ang ipad ko para doon nalang ituon ang buong atensyon ko.
"I want to know you,--"
"I am not comfortable!" i bursted.
Niligpit ko ang mga gamit ko. Naging mabilis ang mga galaw ko at iniwan siya doon.
Ayaw ko sa lahat ay yung pinipilit ko.
Aaminin ko, wala akong tiwala sa mga tao. Kahit sino, kahit sa sarili mama ko hindi ako nagiging open sa damdamin ko. Pinalaki ako na ako yung tumatayo para sa sarili. They thought me na walang tutulong sa akin, kung hindi sarili ko lang. Na kapag nagtiwala ako, parang hinahayaan ko nalang ang sarili ko na masaktan.
Lumaki ako na walang presensya na papa ko. I was 10 years old ng una ko siyang nakilala, that day it was like a dream come true for a young child like me. I thought he would stay with us for good, na babawi na siya sa akin, but no. Hindi umabot ng isang taon, umalis ulit siya. That's when i realised na he stayed with me for months, then after he will re-marry again and forget me.
Napakasakit nung mga pangyayari na iyon. Alam ni mama na ganun ang mangyayari and she let me assume.
Ilang taon na ang lumipas, madami ng nangyari. Pero hindi na ulit nagpakita ang papa ko sa akin, kahit sa akin man lang. Maybe I am really an unwanted child. I graduated with high honors, hoping na magapapakita siya. And that he will be proud when he sees me being on top. That he could shout to the world how proud he was that i am his daughter.
But no.
Late akong nakapasok sa panghuling subject namin sa hapon. Mabuti na lamang at wala namang pinagawa ang prof namin kaya hindi na nagalit kung bakit late ako nakapasok.
Napansin kong umayos ng upo si Sean nang makita akong pumasok sa room. Hindi niya tumigil sa pagtitig sa akin kahit nung naka-upo na ako sa upuan ko, which is katabi niya. Sandaling nagtama ang mga mata namin pero agad akong bumitiw, pakunwari kong ginawang busy ang sarili ko para hindi niya na ako kausapin.
Sana naman makaramdam siya na ayaw ko siyang kausap no. Kahit ngayon lang.
Ilang sandali pa bago ko narinig ang mabigat na pagbuntong hininga niya.
"Kumain ka?" he attempted.
Kinuha ko ang headset ko at isinuot ito. Gusto ko lang naman ng tahimik na buhay, okay. Akala ko makakamit ko na yun nung lumipat kami ni mama dito sa Davao.
Nang matapos ang klase ay agad akong umuwi. Mabuti na lamang at hindi na siya nag-attempt na sundan ako.
Naging tahimik ang mga sumunod na araw. Walang Sean na nangungulit and I'm glad na ganun ang nangyayari.
Pumipila ako sa may cafe para sa lunch ko ng may bumunggo sa akin at natapunan ng sobrang init na sabaw.
Hindi ako agad nakagalaw. Agad na nalanghap ang amoy ng shrimp. Nagsimula na ring humapdi ang balat na natapunan ng mainit na sabaw.
"Ops, sorry," candy chuckled.
Sa di kalayuan ay narinig ko ang tawanan ng isang grupo na nasa mesa. Sandali ko itong tinignan, grupo ni Sean.
Habang nagtatawanan ang kanyang mga barkada. Si Sean naman ay nakaupo lang, sa kabila nito bakas sa mukha niya ang pagkagulat.
Walang emotion kong tinignan si Candy. Hindi naman ako sumigaw nung natapunan ako pero nakuha namin ang atensyon ng marami.
"Tignan mo kasi kung sino binabangga mo," satsat pa ni Candy.
Imbes na patulan ko si Candy, binalik ko sa lagayanan ng tray ang hawak na tray na walang laman. Umalis ako sa cafe at dumeretcho sa cr.
Pulang-pula ang aking balat dahil sa nangyari. Nagsisimula na ring manikip ang aking dibdib. Allergic ako sa shrimp, kahit na matapunan lang ng kaunti o makakain ay nahihirap na akong makahinga.
Tulad ng nangyayari ngayon.
Kahit na nanginginig ay pinasikapan kong hugasan ang balat ng maligamgam na tubig mula sa faucet. It some gives my skin some comfort, pero hindi sa paghinga ko.
Napatingin ako sa repleksyon sa salamin. Namumutla na ako, I would faint here kung hindi pa ako uuwi ng bahay.
Wala akong dalang gamot. Pati inhaler e wala. I have to go now.
Halos takbuhin ko na ang daan patungong gate sa pagmamadali. Kaya nakabunggo ako, at dahil sa nanghihina na ako nawalan na ng lakas ang mga paa ko.
"I'll take you home,"
Napatingin ako kay Sean na siyang nabangga ko. Tinulungan niya akong tumayo. Nangingig na ang buong katawan ko, pinaghalong lamig ng nararamdam at paghihirap sa paghinga.
Gusto kong tumanggi, pero kailangan ko ng umuwi.
Inaalalayan niya akong maglakad when I passed out and everything went blur and black.