Untitled 2

10 1 0
                                    


Nagising ako sa sinag ng araw. The bed gives me so much comfort today, until I realize something.

Bigla akong napadilat at agad tinignan ang digital clock ko na nakalagay sa mesa malapit sa kama ko.

Late na ako!

Pagbaba ko ay hindi na ako nag-abala pang kumain. Maging ang pagsuklay ng aking buhok ay ginawa ko na sa taxi.

Hindi kami mayaman, pero napataxi ako ng wala sa oras. Major namin ang first subject sa araw na ito.

"Good morning,"

Papasok pa lang ako ng campus ng bumungad sa akin ang mukha ni Sean.

Binilisan ko ang paglalakad patungo sa room pero imbes na maunahan ko siya ay nahabol pa niya ako at sinabayan ako sa paglalakad.

"Hello, good morning!" medyo nilakasan niya ang boses niya. Dahilan para makuha niya ang atensyon ng iilang studyanteng nadadaanan namin.

Gamit ang walang expresyon na mukha ay tinignan ko siya.

Tumawa lang naman siya at inangat ang isang paper bag, "kain tayo? Wala daw yung prof natin sa first subject e."

Kumunot ang noo ko. Napatigil ako sa paglalakad at kinuha ang phone ko para icheck ang gc.

"I will not be around for today for I will be attending some seminars. Please inform everyone. Have a good day."

Sa utak ko ay napamura ako ng sobra. Dapat pala natulog nalang ako!

"So, tara? Kain?"

Matalim kong tinignan si Sean. Tumawa lang naman siya at hinila ako papuntang likod ng skwelahan kung saan may mga mesa na natatabunan ng naglalakihang puno.

Wala ako sa mood na umupo habang tinititigan ko si Sean na parang ang saya-saya niya na napilit niya akong makasabay siyang kumain.

Nilabas niya ang tatlong tupperware. Dalawang may laman ng kanin, ang isa naman ay mga ulam.

"Pinagluto ako ni mama kanina and nasabihan na ako ni sir kahapon na hindi siya papasok kaya I assume na pupunta ka ng maaga dito habang walang laman ang tiyan."

Napatingin ako sa ham na nakaroll at parang may cheese pa sa loob. Bigla akong nakaramdam ng gutom.

"Mahilig ka ba sa cheese? If hindi, tatanggalin ko na lang." he was about to pull the stick na nagpapanatiling nakaroll ang ham pero pinigilan ko siya.

"No, it's fine."

Hindi na ako tatanggi, wala rin naman sigurong lason to.

"Walang lason yan, don't worry."

Napatitig ako sakanya bago kinuha ang kutsara na hawak-hawak niya. how can he answer questions from my mind?

It was like 2 weeks since last interaction namin sa library. Pagkatapos naman nun ay hindi niya naman ako kinulit, kahit na magkatabi kami sa room, hindi niya naman ako pinapansin. Akala ko nga wala na akong poproblemahin, not until today.

Binigay niya sa akin ang isang tupperware na may kanin.

"Mama mo ba talaga ang nagluto ng lahat ng ito?" hindi ko na napigilan na magtanong.

Maliban kasi sa ham na may cheese sa loob ay may bacon at konting salad pa na kasali. Nagluluto naman din si mama para sa akin, only if wala siyang trabaho that day. She usually leave super early in the morning.

Tumango siya, "Yup. Kaya kapag nagustuhan mo yung niluto niya, sasabihin ko sa kanya. Paniguradong matutuwa yun," nagsimula na siyang kumain habang ako naman ay napatitig lang sa kanya.

TO LOVE AGAINWhere stories live. Discover now