Chapter 1

11 1 0
                                    

The Four Kingdoms:
The lady under a tree
By:NoCXLIII

CHAPTER 1
The beginning

Percival's POV

"Magandang umaga, Anak.", Bati sa akin ni ina habang nasa bungad ng pintuan. "Halina't sabayan mo na kaming mag-agahan."

"Sige ho ina'y, mag-aayos na muna ako.", sagot ko rito na siya namang tumango at nagbato ng napakagandang ngiti. Ang sarap para sa aking pakiramdam na masilayan sa t'wing gigising ang ngiti ng aking ina.

Ginantihan ko rin ito ng ngiti saka nilapitan para halikan ang noo nito.
"Sige ho, mabilis lang ako.", Sambit ko saka naglakad papasok ng banyo, at naligo. Matapos ay nagbihis ako at pinuntahan uli sa hapag at nakisalo. Mabuti nalang at hindi pa natatapos ang mga ito na mukhang kakasimula pa lamang.

"Aba'y napaka gwapo mo namang tignan?", Bakas ang pagkasakrastiko at nakangising aniya. "Hanggang ngayon ba'y wala ka pa ring natitipuhan? Aba'y 19 taon ka na, 'O kapwa lalaki rin ang iyong gusto?" Biro nito at nagsipagtawanan naman sila. Pinakamalakas ang kay Daisy, Kapatid ko na sumunod lang sa akin lamang lang ako ng 2 taon. Ang katabi niya naman ay ang aming bunso na si Laura na 13 taon pa lamang. Nasa harapan ko naman si Nanay Liza katabi si Tatay Robert. Medyo may edad na rin ang nga ito, Si Nanay ay 41 taon at 42 naman ang aking ama.

Naiiwan lamang dito si Nanay at si Laura, Si Daisy ay nagtatrabaho sa hardin ng Kleoma na pagmamay-ari ni Prinsesa Alicia, Napakabuti nito dahil hinahayaan nitong mag-uwi ng konting prutas bawat nagtatrabaho sa t'wing uuwi, Iba pa ang kinikinta nilang baryang tanso na sapat na upang mabili ang mga pangangailangan. Ngunit sa estado ng aming pamilya ay hindi ito sumasapat kaya naman kaming dalawa ni ama ay nangingisda gamit ang bangka na libreng ibinibigay ng hari sa kada pamilyang pipiliin ang pangingisda. Ang mga pumipili naman ng pagsasaka ay binibigyan ng maliit na lupa na maaring pagtaniman. At sa mga mag-aalaga'y napakaliit na lupa na kakasya ang mga alagay at dalawang biik, tupa, at baka bilang simula. Sa amin naman ay bangka, lambat at konting pain na sapat na sa simula.

Mula ng ipanganak ako ay ganito na ang buhay na kinamulatan ko. At siyam na taon ako nang magsimulang sumama sa pangingisda. Kaya naman puro kasamahan ko lang sa pangingisda ang nakakasalamuha ko sa araw-araw at wala akong matipuhan. Marami namang magagandang binibini dito sa amin ngunit hindi ko alam kung bakit hindi sila ang gusto ko. Siguro nga'y lalaki din ang aking gusto gaya ng sabi ng aking ina, HINDE! AKO MAKAKAPAYAG! Lubos na ipinagbabawal sa apat na kaharian ang mga bading, kamatayan ang kaparusahan sa mga mapapatunayan.

Natapos kaming kumain ng puro biruan, kaya naman masasabi kong ma-s'werte ako na sila ang naging pamilya ko, Hindi man marangya ay masaya naman at sama-sama. Sinusuportahan ang bawat isa sa mga disisyon sa buhay, at tulungan sa t'wing may problema. Hindi rin naman kasi karamihan ang mga mararangya sa kaharian ng Otalje, kaharian namin dahil agrikultura lang ang aming hanap-buhay. Ang mga maharlika na iilan lang na pamiya ang mararangya ang buhay dito. Ang mga nakakapagsuot ng Magagarang kasuotan.

"O siya, lalakad na kami,", Sambit ni ama saka dinampian ng halik sa labi si ina, sumenyas naman ito sa'kin at 'saka lumabas ng pintuan bitbit sa kanang-kamay ang lambat. Kinuha ko na rin ang sobrero ko sa estante at sumunod na kay ama.

"Mag-iingat kayo!", pahabol na sigaw ni ina. Itinaas ko ang kanang kamay ko at kumaway ng hindi tumitingin bilang paalam.

Binilisan ko pa ang aking lakad hanggang sa maabutan ko si ama at sabay kaming naglakad patungo sa aming bangka sa dalampasigan.

"'O!? Aga niyo ah!", Sigaw sa amin nung isa naming kasabay sa pangingisda, si Mang Bertucio.

"Oo, para maaga rin maka-uwi." Tugon ni ama.

The Four Kingdoms - The Lady Under A TreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon