Prolouge

15 3 0
                                    

The Four Kingdoms:
The lady under a tree
by: NoCXLIII

Disclaimer:
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

* * *

Unknown Character's POV

"Ina! Kwentohan mo kami!", Suhesyon ng aking anak na babae na si Janna. Nasa hardin kami ngayon, nakasalampak sa nakalatag na kumot sa damuhan. Sa gilid ay may basket na may lamang prutas at tinapay. Kasama ko ang dalawa kong anak na sina Janna at Akisha.

"Oo nga ina! Sige na..", Pamimilit ni Akisha na nakangalumbaba at nakanguso pa.

"O siya, sige.", Nawawalang pansenyang tugon ko. Napangiti naman ito at makikita ang kislap ng mga mata, umayos sila ng kani-kanilang upo at ibinigay sa akin ang buong atensyon. "Ang kuwentong ito ay tungkol sa isang lalaki na nahanap ang kanyang pag-ibig sa ilalim ng isang puno, kahit magulo nung panahon na iyon. Simulan natin ang kuwento."

Pitong taon ang nakalipas, hindi pa talaga isang buo ang bansa. Nahahati ito sa apat na kaharian, Ang kaharian ng Threoja(tre-yo-ha) na matatagpuan sa kanluran ang pinakamayamang kaharian sa apat na kaharian; Ang kaharian ng Psarmoa(sar-mo-wa), Otalje(o-tal-he) at Flatoa(Fla-to-wa).

Mayaman ang Threoja sa langis, ginto at pilak. Marahil bihasa sila sa pagmimina ay hindi naman ganoon kahusay sa pag-gawa ng sandata na ang Psarmoa ang bihasa, Psarmoa din ang may pinaka-malakas ng hukbo; Bihasa ang mga ito sa pakikipagdigma, Mahusay din ang kanilang pinuno sa pag-gawa ng mga taktika. Ang Otalje naman ang pinagkukunan ng mga produktong agrikultura dahil nasa kapatagan at malapit sa dagat. Ang Flatoa naman ang bihasa sa pag gawa ng kasuotan, Kakaiba ang paraan nila sa paghahabi ng tela na walang katulad.

Hindi ganoon kalalayo ang pagitan ng bawat kaharian. Napapaligiran ng kabundukan ang buong bansa tanging sa Otalhe lang natatapos ang mahabang kabundukan na para bang sinasadya. Sa kalagitnaan ng pagitan ng bawat kaharian matatagpuan ang napaka lawak ng lawa na nakakonekta sa apat na ilog na humahati sa mga kaharian, Dito rin sa lawa matatagpuan ang isang maliit na isla na kasinlaki lamang ng isang basketball court; Dito nakakonekta ang apat na tulay na nag-uugnay sa bawat kaharian upang magkaroon ng kalakalan.

Tahimik na namumuhay at may sigla ang bawat kaharian NOON. NGAYON ay nawala kapayapaan dahil sa alitan ng Threoja at Psarmoa, matapos maging ganid ng Psarmoa at gustong sakupin ang Threoja sa yaman nito sa yamang mineral. Ang dalawang natirang kaharian ay walang balak maki-alam dahil ayaw madamay ng mga pinuno nito.

Sa kalagayan ng mga kaharian, May lugar pa ba para sa pagmamahalan? Kung gayon, saan?

* * *
NOTE:
I hope mag enjoy kayo sa pagbabasa ng gawa ko. Beginner lang ako pero gagawin ko yung makakaya ko para maintindihan niyo ang mga gawa ko.

The Four Kingdoms - The Lady Under A Tree
All rights reserved 2020

The Four Kingdoms - The Lady Under A TreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon