Roma's POV
Maglalunch na at nandito ako ngayon sa Aroma. Dito ako ngayon sa 2nd floor kung saan may room ako dito. Galing noh? Pinasadya ko talaga yan kasi wala gusto ko lang. Medyo maliit lang siya pero ayos na. Merong cr, bedroom, mini kitchen and mini dinning. Ako lang naman mag isa eh. Bale may mga workers ako dito. Isang manager at tatlong barista. Kada 2 am, ako talaga yung nagbubukas dito. Tuwing kakadating ko dito, nauuna pa yung barista sakin. Madalas marami rami din yung nagkakape dito tuwing madaling araw, lalo na yung mga nightshifts. Dito ko muna nilagay yung groceries ko. Si Erika? Pinauwi ko muna sa condo nya. Naiirita ako sa kanya.
Haays. Kamusta na kaya sina mommy tsaka daddy? Galit pa rin ba sila sakin hanggang ngayon? Di ko naman talaga ginusto yun eh. Si ate kaya? Kamusta na kaya siya dun sa Canada? Miss na miss ko na siya. Last na usap namin kahapon pa eh. Wala lang, namiss ko lang ate ko.
"Isa kang kahihiyan!"
"I am disappointed in you!"
"Lumayas ka!!"
Hanggang ngayon naririnig ko pa rin ang boses ng mga magulang ko 5 years ago. I was haunted by how they are mad to me. Lalo na si daddy. Ilang taon din akong binalot ng lungkot pero nandyan si ate para gumabay sa akin. Pagkatapos ko ng college, nanirahan na ako mag isa. Ate shared her apartment with me. Nung time na yun may work na si ate kaya nakakapaggastos na din siya by her own. Pati pagiging call center pinasukan ko noon. Her assistant sa hospital dun sa Canada. She brought me with her nung nakapasok siya sa agency dun sa Canada. After 3 years bumalik ako dito. I got some extra business naman dito habang dun pa ako sa Canada. Then I met Michelle. Patient siya dun sa hospital. Dun ko siya nakilala. We found out that she lives in Philippines din kaya we became close. And now we're friends. Akala ko nga noon Canadian talaga siya eh, half pinay din pala. Parang foreigner talaga kasi ng mukha.
Kaya ngayon, nandyan pa rin siya sakin. She's by my side through ups and downs dito sa pinas. Nagpapasalamat talaga ako sa kanila for being there. Hindi ko talaga alam kung saan ako hahanapin ngayon kung wala sila.
Bumaba na ako sa cafe at nagcheck ng mga customers.
Third Person's POV
"Definitely Mr. Chui, we handled almost thousands of products that are perfectly fine in our hands. Now that you invested your trust in our company, we will make sure that your supplies will be the everyday's people's topic."
"Hahahaha. I like you. I like you. You're just a kid but your mind in business is very spectacular. Your father isn't wrong about choosing the right person to take his place of the company. Hahahaha."
"Hahahaha. Thank you sir. Its a pleasure negotiating with you" nakipagkamay naman si Faith kay Mr. Chui at sabay na silang tumayo.
"You adorable kid. Just call me Tito" sabi naman ni Mr. Chui.
Umalis na si Mr. Chui sa fine dining restaurant kung saan nila ginanap ang lunch meeting. Sumunod naman umalis si Faith dala ang kanyang sasakyan na dinala nya galing sa kanilang bahay. Pabalik na siya ngayon sa kompanya kasama si Tina.
"Peeyyyttteee! Ang galing mo talagaaaa!" tuwang tuwa naman si Tina habang napapalakpak pa. Natawa naman si Faith.
"Ako pa ba? Wala ka bang tiwala sakin? Hahahaha. Charoott. Syempre kailangan natin makuha loob ni Mr. Chui for the sake of the company. Mas nadadagdagan yung sales ng Qou Ja!" excited naman na sagot ni Faith.
"Syempre naman. Faith pangalan mo eh. Grow more Qou Ja! Grow moorree!" masayang masaya silang dalawa ngayon pabalik sa opisina. Si Faith yung nagmamaneho habang nagsising along naman si Tina sa music ng kotse ni Faith.
Parang tropa lang ni Faith itong si Tina. Halos magkaedad na rin kasi sila. May oras na formal sila sa isa't isa, meron ding parang magbububugbugan na.
next chapter
YOU ARE READING
Fall Back
FanfictionWrong love in the right time? Or great love with the wrong time? How can they survive the fortune of their fate? But the real question is, can she survive?