Chapter 3

25 2 0
                                    

Song


Hindi ko alam kung paano lumipas ang oras na kasama ko si Druke. Namanhid ang buong katawan ko matapos nyang banggitin ang tawag sakin na tanging isang lalaki lang ang dati'y nakakagawa. 


Natapos kaming kumain nang walang nagsasalita samin. Nararamdaman ko ang sulyap n'ya sakin at ang magpipigil n'yang magsalita. Pero hindi ko magawang suklian dahil natatakot akong magkaroon na naman ng pag-asa ang puso ko oras na matingnan ko ang kanyang mga mata.


Hanggang sa inanyayahan n'ya ako sa swimming pool. Hindi na ako kumuha ng damit dahil wala naman s'yang sinabi na maliligo kami. Umupo kami sa gilid ng pool at hinayaan ang aming mga paa na mabasa ng tubig.


"You look bothered. What's wrong?" Hindi na n'ya napigilan ang pagtatanong.


Wala akong masabi kaya umiling na lang ako.


"It's about the endearment I used to call you a while ago. I know it's not nothing. You suddenly become immobilized upon hearing it." Hindi ko pa rin s'ya matingnan kahit na alam kong nasa akin ang kanyang tingin. 


Nagdadalawang-isip ako kung magkukwento ba ako o hindi.


Pero makalipas ang ilang minutong pakikipagtalo sa sarili ay napagdesisyunan ko buksan ang buhay ko sa isang estranghero. Sa isiping baka gumaan ang pakiramdam ko, na mawala ang bigat na nararamdaman ko, na mapapawi ang lahat ng sakit sa dibdib ko.


"Once upon a time, may isang 19-year-old na babae na nagkagusto sa isang lalaki. Hindi naman nabigo ang babae dahil sinuklian ng lalaki ang pagmamahal nito, mas higit pa." Sumulyap ako sa kanya at nasalubong ko ang pares ng nangungusap na mga mata. Pakiramdam ko ay siya ang lalaking tinutukoy ko sa aking kwento. 


Wala siyang sinabi na wari'y may ideya s'ya sa mga sinasabi ko.


"Wala silang naging problema sa kanilang relasyon maliban sa maiikling tampuhan. Parents of both sides approved their thing. They started planning their future kahit nag-aaral pa ang babae. Along the way, kinailangan ng guy na umalis ng bansa para makapagtraining at nang tuluyan nang maipasa sa kanya ang kompanya ng kanilang pamilya."


Bahagya akong tumigil para makita ang kanyang reaksyon. Kita ko ang pagkakunot ng kanyang noo at pagsalubong ng kanyang makakapal na kilay. Kahit hindi s'ya nakatingin sa akin ay nababanaag ko ang dilim sa kanyang mga mata. Maaaring iniisip niyang iniwan ako at niloko dahil bihira lang ang nagtatagal na long-distance relationship. Sa isip ko'y sana nga ay ganon na lamang ang nangyari.


Tumatalamsik ang tubig mula sa kanyang paa dahil sa medyo napapalakas na pagsipa n'ya. Nang maramdaman n'ya ang tingin ko ay bahagya s'yang kumalma. Hindi man sya nagsalita ay para kaming may koneksyon dahil naramdaman ko ang nais n'ya, na ituloy ko ang kwento.


"Dahil mag-iisang taon na din silang hindi nagkasama, napagpasyahan ni guy na umuwi. Pero sana hindi na lang umuwi si guy. Sana nagtiis na lang sila na hindi muna magkasama. S-sana-" parang may bumara sa lalamunan ko na naging dahilan ng pagpiyok ng aking boses. Hindi ko na maaninag ang paang nasa tubig dahil sa panlalabo ng aking paningin.

Saving the Broken SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon